Chapter 5

1288 Words
"Congressman nga pala since isa lang kwarto namin dito sa unit, si Andy doon na lang po sa kwarto namin dito kami sa labas." "Hindi na meron pa akong extra room sa unit ko, halika na Andy dalhin mo na mga gamit mo doon ka sa unit ko." ani Congressman, napatingin ako kay Russ at Jorge at huling tinignan ko si Congressman. "Ah okay lang ako dito boss." komento ko. "Mas okay ka don sa unit ko, mas may privacy ka don. Para may kasama din ako just in case may mangyari" giit nito, i cleared my throat at tinignan ulit si Russ. "Sige na Andy tatlo nga naman kami dito. Safe pa si Congressman sayo." ani Russ. "Okay boss." sumang ayon na lang ako. "Okay, pag Saturday wala akong pasok minsan meron pag may mga unfinished business or meeting pero bihira yun. Pupunta tayo sa studio ng friend ko mageensayo tayo ng mga martial arts kailangan ko din matuto non." "Copy boss." sagot ng tatlong lalaki sa kanya. Tumingin sa akin si Congressman hindi kasi ako sumagot. "Yes boss noted." "Let's go." niyaya na ako ni Congressman papunta sa unit niya. Habang naglalakad kami ay kinuha niya ang maleta na dala ko. "Ay boss ako na kaya ko to." bawi ko sa maleta ko. Nasa pinakadulo ang unit ni Congressman, pagdating namin ay pinindot niya na ang password ng pintuan. "Congressman ako muna ang papasok ah." nilapag ko muna ang mga maleta at mga bag na dala ko, matic pala na pagbukas ng pintuan ay magbubukas din ang mga ilaw sa living room. Malaki ang unit ni Congressman parang apat na beses na laki ng unit ng iba kong mga kasama isang palapag lang ito pero maluwag, simple lang ang pagkakaayos nito na agad mong mapapansin na lalaki lang ang nakatira. Minimal lang ang kulay sa black and white at gray. May tatlong kwarto, malaking kusina at living room. Hindi ganon kadami ang mga palamuti or gamit pero masasabing kumpleto naman. Malaki ang sofa nito na kulay itim hindi ordinaryong sofa na kadalasan makikita sa mga normal na bahay, sobrang laki din ng tv tantya ko ay nasa 75 inches to na may dalawang mahabang manipis na speaker sa magkabilang gilid. Pagdating ko sa kusina ay meron din itim na mesa na gawa sa salamin sa dining area na kasya siguro ang anim o walong tao, may malaking ref din na dalawa ang pintuan ay may kuhaan ng tubig sa gitna at may parang screen sa kabila naman parang screen ng malaking tablet. Sa kabilang gilid ay may counter at mini bar na punong puno ng iba't ibang mamahalin na alak. Bukas ang dalawang kwarto na pinasok ko pero ang isa ay nakalock, baka ito ang kwarto ni Congressman. Mga kinse minutos din ang tinagal ko sa pagsisiyasat ng bahay niya. "Congressman okay na po, hindi ko lang po mabuksan ang isang kwarto." report ko sa kanya, kasalukuyang nakaupo na siya sa couch. Tumayo ito at iniwan ako saglit. Pagbalik niya ay may iniabot siya. "Spare key yan ng kwarto ko ikaw na maghawak." nakatingin lang ako sa susi na hawak ko na ngayon. "Bakit niyo po ako binigyan ng spare key?" naguguluhan na tanong ko. "That's for security purposes too, para mabuksan mo kwarto ko anytime." I just nodded as an answer. Pumunta siya sa kusina after. "Halika Andy." tawag niya sa akin, sumunod naman ako. "Meron akong stay out cleaner cook dito, iniwanan niya ako ng pagkain samahan mo ako kumain." agad kong kinuha ang mga pagkain na sinasabi niya at nilagay sa mesa. Kumuha na rin ako ng tubig sa ref. "Bakit nakatayo ka lang." "Sinasamahan ko lng po kayo, sige po kain lang po kayo." "Kuha ka ng plato mo, have a seat. When i said samahan mo ako kumain meaning kakain ka rin." "Busog pa po ako Boss." "Ano bang kinain mo don kina Soleil?" "Noodles at tinapay po." natawa siya ng mahina. "Get a plate and join me with my meal. Masarap magluto tong katulong ko." he insisted, sinunod ko na lang and get a plate. Umupo ako sa pinakadulong upuan. "Bakit ang layo mo?" puna nito. "Hindi naman po appropriate na malapit po ako sa inyo kumain, boss ko po kayo." Napatapik siya sa noo niya. "Come here, hindi ako sanay na ganyan gusto ko may kausap ako pag kumakain." Napabuntong hininga ako ng lihim ang daming alam nito ni Congressman eh. "Okay na po ba?" umupo ako sa medyo malapit pero dalawang upuan ang pagitan namin. "Okay much better kesa don ka sa malayo. Kain na tayo nagutom ulit ako eh, kailangan ubusin natin to pinapagalitan ako ni Manang pag hindi ko inuubos ang pagkain." Nagsimula na magkwento si Congressman, wala naman ako maisagot kung hindi okay or yes. "May big project ako na hindi pa naaaprove kaya siguro galit na galit kung sino man ang gusto ako patayin kasi pag naaprove to siguradong matutuwa ang mga botante at malakas ang laban ko sa pagtakbo." "Anong reaksyon mo sa mga kwento ko. Tahimik ka lang ba talaga?" napangiti ako ng pilit. "Hindi po kasi ako masyadong nakikiaalam sa mga ganyang usapin ng amo ko, ang trabaho ko lang po kasi ang bantayan ka at siguraduhing ligtas ka." direktang sagot ko. "Wow oo nga noh hindi ko naalala, maybe I'm just comfortable saying it to you. Hayaan mo na lang ako if minsan madami akong sinasabi." nakatingin siya sa akin while saying this, napaiwas na lang ako ng tingin at sinubo ang last na pagkain sa plato ko, tapos na rin naman siya sa kinakain niya. "Halika sasamahan kita sa magiging kwarto mo." niyaya niya ako sa kwarto na katabi ng mini bar. "Eto ang isa sa guestroom ko." anito pagpasok namin. "Kumpleto dito may c.r ka na rin at mini ref na pwede lagyan ng mga inumin." "Salamat po." "Meron din ditong telepono na pwede kitang tawagan, feel free to use anything dito sa bahay pag gutom ka kumain ka kahit mga alak ko you can drink anything pwede." "Okay po salamat." "Mauna na ako at magpapahinga." "Sige po goodnight." nagtaka ako bakit tumatawa na naman siya. "Ang ikli mo talaga sumagot noh? Hindi ako sanay kasi na may kaharap na babae tapos ang ikli lang lagi sumagot sa mga sinasabi ko." Napa-iling ako at binigyan siya ng huwad na ngiti. "Sanayin niyo lang po ang sarili niyo, ako po ang bodyguard niyo. Bodyguard." "Okay okay, hindi lang ako sanay. Sige pahinga ka na rin." Bumalik ako sa living room kung asan andon ang mga bag at maleta ko, patakbo akong bumalik sa kwarto ko kumulo kasi ang tiyan ko. Dumeretso na rin ako sa paghihilamos. Pagkatapos ay naghanap na ako ng pajama ko pang tulog, hihiga na sana ako ng naalala ko na yung pinagkainan pala namin andon pa sa mesa. Tinali ko ulit ang buhok ko at lumabas papuntang dining area. Medyo madilim na nakapatay na kasi ang main na ilaw at mga side lighting na lang ang natira. Nilagay ko na ang mga plato na ginamit namin kanina sa sink at isa isang hinugasan ito. Narinig kong may nagbukas ng ref, hindi ako lumingon at pinagpatuloy lang ang paghuhugas after that ay nilagay ko na ito sa tamang lalagyan. "You don't really need to do that." si Congressman. "Okay lang po kesa umagahin pa to dito." tapos na ako sa ginagawa ko kaya humarap na ako kung nasaan si Congressman, nakasandal siya sa refrigerator habang umiinom ng gatorade. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Tama ba namang lumabas na nakaboxer shorts lang at walang damit pangtaas. "Alis na po ako." hindi ko na hinintay ang sagot niya at patakbong naglakad pabalik sa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD