"Andresa." gusto kong irapan tong si Congressman, paulit ulit sa Andresa naiinis na ako. Kakalabas lang nila sa restaurant ng kasama niyang babae.
"Yes Congressman Bonifacio?" tumingin siya sa akin tapos nilipat ang tingin kay Russ at Jorge. Gusto niya base ng first name eh di bahala siya, tatawagin ko din siya sa pangalan niya.
"Masyadong mahaba kung Congressman Bonifacio." buti napansin niya.
"Mahaba rin po ang Andresa, Andy na lang Congressman." nakita kong tumaas ang gilid ng labi niya, hindi ko alam if natatawa siya or napipikon.
"Okay Andy, Soleil give her you keys. Idrive mo ang kotse niya pupunta tayo sa condo niya." mataman akong napatingin sa kasama sakto naman nakatingin din siya sa akin agad niyang inabot ang susi ng kotse.
"Copy po." hindi ko na hinintay ang sagot niya agad na akong umalis at pumunta sa kotse nung Soleil.
Hinintay kong makaalis ang kotse nila at coconvoy na lang ako. Sobrang traffic halos inabot na kami ng isang oras ang lapit lang pala ng condo niya sa restaurant pero dahil sa trapik ang tagal ng byahe.
Pinark ko ang kotse sa katabi ng kotse ni Congressman at agad na lumabas.
"Mam susi niyo po." inabot ko na ang susi niya.
"Andy, sumama ka sa akin sa unit niya."
"Okay po." pinauna ko sila maglakad, lumingon ako kina Russ at Jorge tumatawa sila napailing na lang ako. Binilisan ko ang lakad ko ng malapit sa sa elevator at pinindot ko ang button pataas.
"11th floor please." sabi ni Soleil nang makapasok kami, agad kong pinindot ang button 11.
Pagbukas ng pintuan ng elevator ay nauna ako lumabas at tumingin sa kaliwat kanan ko, walang tao. Kumanan silang dalawa at sumunod na ako, pagbukas ng unit ay agad kong hinarang ang kamay ko.
"Boss ichecheck ko lang po ang loob saglit lang po."
"Huh? Why are you gonna do that.?" nakita ko ang pagkabigla nito.
"It's okay Soleil, just for safety purposes." pagtatanggol sa akin ni Congressman.
"Nagpupunta ka naman dito dati wala naman ganyan na eksena."
"Papasok na po ako." singit ko sa kanila.
Dalawang palapag pala itong unit, binuksan ko lahat ng ilaw at pinasok lahat ng may mga pintuan pati banyo at terrace. Agad akong bumalik sa kanila.
"Clear Congressman."
"Good job Andy." anito at ngumiti sa akin pumasok na sila at andito lang ako sa labas, nilingon niya ako pagdating niya sa sala.
"Come here Andy dito ka sa loob, hindi ko alam ilang oras ako magstay dito feel free to get some foods meron mga pagkain yan dito si Soleil ako ang bahala. You can watch tv, do anything that will make you awake."
"Okay po walang problema."
"Let's go hun." yaya ni Soleil kay Congressman may hawak itong bote ng alak at hinila na si Congressman paakyat sa second floor. Bago tuluyang mawala si Congressman sa paningin ko ay tinignan niya muna ako at tinanguan, nagkibit balikat na lang ako after.
Binuksan ko ang tv at naghanap ng pwedeng panoorin, nang biglang nagring ang cellphone ko si Russ.
"Andy ano balita diyan?"
"Eto nanonood ako ng tv."
"Kumain ka na ba? Meron palang mga pagkain dito sa kotse ni Congressman gusto mo dalhan kita?"
"Ayos lang ako, sabi ni Congressman kumuha na lang ako ng makakain dito."
"Okay sige text ka or tawag pa pababa na kayo ah enjoy ka diyan."
"Anong enjoy pinagsasabi mo?"
"Hehe takpan mo na lang yang inosente mong tenga." natatawang sabi nito.
"Ah okay malakas ang tv kaya hindi ko maririnig."
Pambihira to si Russ hindi ko na nga iniisip ang pwede nilang gawin sa taas binanggit pa.
Medyo gutom na rin ako kaya pumunta ako sa kusina at naghanap ng pwedeng kainin. May imported na cup noodles na made in Japan, tinapay at kape na lang ang naisipan kong kainin.
Habang kumakaina ako ay nagring ang celphone ko si Kuya ang tumatawag.
"Sisterrettee." bungad nito pagkasagot ko.
"Kamusta kayo diyan ni Tatay?"
"Okay sa alright kami dito, ikaw kamusta ang first day of work?"
"Eto working pa rin."
"Wow overtime, kumain ka na ba sister?"
"Eto kumakain pa lang kayo ni Itay?"
"Tapos na rin, ano na namesung ng politician na napuntahan mo?"
"Congressman Bonifacio Manlapas."
"Ay wit sister search ko nga." nanahimik siya saglit at naririnig ko na nagtatype siya sa laptop niya. "Ay bongalicious mukhang delicious si Congressman sisterette, single naku bet ko ata lumuwas ng Maynila." tinawanan ko lang siya.
Medyo matagal pa kami nagusap ni Kuya nagvideocall din kami gusto ako makita ni Tatay, halos isang oras din pala kami nag-usap pagkatapos namin magusap ay bumalik ako sa sala para manood.
Time check: 9:30pm
Si Russ tumatawag na naman
"Ano na balita Andy?"
"Negative andon pa rin sa taas."
"Gusto mo ako naman diyan?"
"Hindi na, ako ang ina-assign dito, okay lang ako."
"Sige balitaan mo na lang ako."
"Andy." napalingon ako sa may hagdan, si Congressman lang hindi kasama ang babae niya. "Sino kausap mo?" tumayo na ako tumigil siya sa tapat ko.
"Si Russ po kinakamusta lang ako."
"Okay let's go na sa condo." nauna akong maglakad at pinagbuksan siya ng pintuan at nang makalabas siya ay sinara ko na rin ang pintuan. Nauna rin akong maglakad papunta sa elevator at pinindot na ang button pababa.
Tahimik lng kami sa loob ng elevator.
"Kumain ka na ba?" pambasag ni Congressman sa katahimikan.
"Opo." maikling sagot ko, nasa unahan ako kaya nakikita ko si Congressman na nakatingin sa akin puro salamin kasi ang loob ng elevator.
"Si Russ naman ang magmamaneho." anito pagbaba namin ng elevator.
"Okay po."
Pagdating sa condo building ay sa unit muna daw namin kami pumunta since ito ang malapit sa elevator, pagbukas ng pintuan ni Jorge ay tumambad sa amin ang natutulog na lalaki sa couch.
"Lucas." agad na nagising ito sa tawag ni Jorge. "Andito na ang mga bagong kasama natin."
"Congressman good evening po at hello sa inyong dalawa."
"Congressman nga pala since isa lang kwarto namin dito sa unit, si Andy doon na lang po sa kwarto namin dito kami sa labas."
"Hindi na meron pa akong extra room sa unit ko, halika na Andy dalhin mo na mga gamit mo doon ka sa unit ko."