October 17, 2013 Ito ang huling gabi ko dito sa isla. Mamayang 4am na ang flight ko pabalik sa Pilipinas. Pabalik sa pamilya ko. Pabalik kay Dexter. Pabalik sa mga anak ko. Pabalik sa kanilang lahat sa Pilipinas pero palayo sa lalakeng pinakamamahal ko. Isang hakbang pabalik sa pamilya ko ay katumbas din ng isang hakbang palayo kay John. Ang sakit. Napakasakit isipin na iiwan ko siya dito sa isla kahit pansamantala lang ito. Kahit na isang taon lang kaming magkakalayo ay nadudurog ang puso ko. Ang hirap isipin na hindi ko siya makakasama ng isang taon pero titiisin ko para mapagbigyan ko si Tita Raffy. Pag ok na yung lending business niya, magpapaalam ako para bumalik dito sa isla. Buti nga pumayag sina Sir James at Ma'am Rachel nung nagpaalam ako sa kanila dahil nangako naman akong babal

