Mag 10pm na ako naihatid ni Boyfriend Edward sa bahay. Dumating at nakaalis na ako sa ospital ay hindi nagising si Ice. Talagang mahimbing ang tulog niya. Hindi siya nagtutulog-tulugan lang. Agad kong tinawagan si John kahit na hindi ko sigurado kung gising pa siya. Nakakadalawang ring pa lang ay sinagot na niya ang tawag ko. “Hello, Tin. Bakit ka napatawag? May nangyari ba kay Mommy Ice ko?” Tila nagaalalang tanong ni John sa akin. “Wala naman. Kaso hindi na pwedeng ipagpabukas tong sasabihin ko sayo dahil kailangan ko na ng sagot mo.” Tugon ko. “Tungkol saan, Tin?” Tanong niya ulit. “Pwede mo bang alagaan si Bestfriend Ice ko ng three months?” Diretsahang kong tanong sa kanya. Wala ng paliguy-ligoy po. “Oo, Tin.” Agad din na sagot sa akin ni John na ikinagulat ko. Ni hindi

