After naming magsimba at magdinner sa labas ni Boyfriend Edward ko ay nagpahatid ulit ako sa ospital dahil kailangan kong makausap ng personal si Nurse Aina. Susunduin na lang ulit ako ni Edward after niyang sumaglit sa bahay ng Tito niya. Si Nurse Aina at si Ice lang ang dinatnan ko. Nakaalis na daw si Dexter. Hindi naman kasi doon natutulog sa hospital si Dexter. Usually pumupunta lang si Dexter sa hapon after work. Tuwing Sabado lang natutulog si Dexter doon pag restday ni Nurse Aina. Kaya sana pag si Bestfriend John na ang magbabantay kay Aicel, ganoon din ang gawin ni Dexter para magkaroon naman ng “us time” sina Ice at John. Nakaupo sa sofa si Aina samantalang tulog na si Ice sa kama. “Hi, Nurse Aina. Excited ka na bang pumunta ng Cebu?” Bati ko sa nurse ni Ice. Mas ba

