"Saan ka nga pala nagpark?" Tanong ko kay John nang papasok na kami sa entrance ng ospital. Mag 6:30pm na. Halos isang oras din kaming nakapagkwentuhan kanina ni John habang kumakain kami. Nang magtext si Dexter ay saktong palabas na kami ng fast food. "Dyan lang sa may gilid ng building na to." Sagot ni John. "Ah ok. Mamaya ihahatid ka namin ni Boyfriend Edward ko doon sa tutuluyan mo. Doon mo na lang ipark yung kotse mo. May parking space naman sa harap yon. Malapit lang yon dito. Tapos bukas ng umaga dito na lang tayo magkita." Saad ko sa kanya. "Ok. Ah, Tin, alam ba ng boyfriend mo yung tungkol sa amin ni Mommy Ice ko?" Tanong sa akin John. "Yup. Alam niya lahat. Wag kang mag alala, suportado din kayo ni Boyfriend Edward ko. Allergic din kasi siya kay Dexter. Makikilala mo siya ma

