Alas singko kinse na ng hapon. Andito na ako sa entrance ng isang kilalang fast food chain sa tapat ng ospital kung saan nakaadmit si Ice. Bandang alas kwatro kuwarenta’y singko kasi kanina, tumawag sa akin si John na nasa ospital na daw siya. Medyo napaaga siya ng dating. Gustuhin man daw niya na dumiretso sa room ni Ice ay hindi niya magawa dahil baka daw magtaka yung dadatnan nya doon kung hindi niya ako kasama kaya hihintayin na lang daw niya ako sa katapat na fastfood ng ospital. Saktong 5pm ay nagout na ako. Buti na lang wala kaming meeting today at malapit lang yung office ko sa ospital kaya after 15 minutes ay andito na ako. Tinawagan ko agad si John na sinagot din naman niya agad. "Nasaan ka?" Tanong ko agad kay John. "Dito, Tin, sa may dulo. Naka blue shirt ako. Teka itataas

