CHAPTER 6

2292 Words
Mayamaya ay tumugtog sa CD player ang slow love song ni TJ Monterde na "Kahit Kunwari Lang". Agad tumayo si Sir James. Inaya niya si Ma'am Rachel na sumayaw. Ganoon din ang ginawa nina Kuya Rudy at Kuya Nilo. Inaya nila ang mga asawa nila at sumayaw ng sweet. Naiwan kami ni John na nakaupo habang pinanonood sila. Awkward moment di ba. Pero mas awkward nang biglang nagsalita si Ma'am Rachel ng mapatingin sa amin ni John. "Hey, John, ask Cel to dance with you." Utos ni Ma'am kay John. "Go, John." Buyo naman nina Ate at nina Kuya. "Sus, you're just going to dance. As if we're asking you to kiss each other." Kantyaw pa ni Ate Susan nang makitang tila naasiwa kami ni John. Naasiwa ka pa eh kanina nga nakipaghabulan ka sa kanya at pinunasan pa niya ang pisngi mo. Paalala ng isip ko. Tss. Tumayo si John at iniabot ang kamay niya habang nakangiti sa akin. Mukhang hindi naman siya napipilitan lang na isayaw ako. "Can I dance with you, Ice?" Tanong sa akin ni John. Tumango ako saka ko iniabot ang kamay ko sa kanya at tumayo. Naglakad kami na magkahawak ang kamay papunta sa mga kasamahan namin na sumasayaw na. Nang makalapit kami sa mga kasamahan naman ay marahang inilagay ni John sa magkabilang balikat niya ang mga kamay ko pagkatapos ay hinawakan ako ni John sa magkabilang bewang ko at nagumpisa na kaming sumayaw sa saliw ng love song na tumutugtog. "Yahoo!" Kantyaw ni Kuya Nilo. "You look great together." Tukso ni Ate Amy. Nakita kong tinignan siya ni Ate Susan. Akala ko ay sasawayin ni Ate Susan si Ate Amy pero mali ako. "True. You do look great together. Others may think you are a couple when they see you now dancing together." Kantyaw ni Ate Susan at sabay pa silang tumawa ni Ate Amy. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. “Hey, Cel, you’re blushing.” Ani ni Ma’am Rachel at saka tumawa din. Napayuko na lang ako. "Huwag mo silang pansinin, Best. Ganyan lang talaga sila. Sanay na ako sa kanila." Bulong sa akin ni John. "Ok lang, Best. Sanay na din ako sa pagiging mapagbiro nila. Saka mababait naman sila sa akin." Tugon ko naman kay John. "Sila lang ang mabait sayo, Best? Mabait din naman ako sayo ah. Kahurt naman." Nagkunwari pa siyang malungkot habang nakatingin sa akin. "Ang arte mo, Best. Hindi bagay sayo. Lahat naman kayo mabait sa akin. Ayan tama na ba ang sinabi ko?" Nakangiti kong tugon sa kasayaw ko. "Oo, right statement na. Isasali mo kasi ako, Best. Lagi mo lang kasi akong kinakalimutan." Tila nagtatampo pa ring tugon sa akin ni John. "Aysus. Kelan naman yon, Best?" Nakakunot ang noo kong tanong sa kanya. "Nung nagbar kayo, Best. Saka pag may mga lakad kayo nina Ate. Tapos ngayong birthday mo. Hindi mo ako sinabihan." Saad niya. "Hindi ka pa nakamove on sa bar incident na yon? Ang tagal na nun, Best." Nakataas ang kilay kong saad kay John. "Saka wala naman talaga akong sinabihan na birthday ko ngayon." "Kunsabagay, hindi din naman ako nagtanong kung kelan ang birthday mo. Sorry ha wala akong gift sayo, Best. Kanina ko lang din kasi nalaman nung pagka-out mo. Ipinaayos ni Ma'am Rachel agad tong likod." Ani ni John na tila nahihiya. "Sus ok lang yun, Best. Tutal halos araw araw namang may mga pabor akong hinihingi sayo. Naging mas madali ang buhay ko dito sa isla kasi lagi kang andyan para sa akin. Thank you sa friendship, Best." Ani ko kay John. Totoo naman. Kung wala siguro si John baka mas madalas ang pagkahomesick ko at mas naging luka luka ako dahil sa kakaiyak. "Thank you din dahil tinuturing mo ako na bestfriend mo dito sa isla, Best." Tugon naman sa akin ni John habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Wala naman akong ibang choice, di ba. Ikaw lang ang available." Natawa kami pareho sa biro ko. Sunod na tumugtog ay kanta pa din ni TJ Monterde na "Malay mo, Tayo." kaya nagpatuloy pa din kami sa pagsayaw. "Pakinggan mo ang lyrics ng kanta, Best." Bulong sa akin ni John. ?Napapaisip, nananaganip Baka sakaling tayo sa huli Ayaw silipin na alanganin Nagpapaniwalang 'di natin masabi? ?Ang plano sa 'tin ng tadhana Ba't ba parang may pag-asa? Klarong wala kaso baka…? "Sino kumanta?" Tanong ko kay John kahit alam ko naman na si TJ Monterde ang kumanta. Titignan ko lang kung alam din nya. "Si TJ Monterde, pati yung kanina. Maganda di ba." Tugon ni John. Tumango lang ako at pinakinggan ulit yung kanta. ?Malay mo, tayo sa dulo, hindi natin masabi Kung ano nga ba ang kahahantungan Sugal ng pag-ibig, handa 'kong isuko ang sarili Sa daang walang kasiguraduhan Kasi malay mo, tayo Malay mo, tayo? ?Sasalubungin, lalanguyin Kung anong lalim, bahala na At kung maulit, sakit at pait Guguhong langit, 'di alintana Sa dilim, diretso ang talon Para sa sakaling meron Alam kong wala kaso baka...? ?Malay mo, tayo sa dulo, hindi natin masabi Kung ano nga ba ang kahahantungan Sugal ng pag-ibig, handa 'kong isuko ang sarili Sa daang walang kasiguraduhan? ?Kundi kahapon, baka ngayon Pa'no kung nu'ng una'y maling panahon? "Malay mo tayo pala, Best." Bulong sa akin ni John. "Ang alin, Best?" Tanong ko sa kanya. Nginitian niya lang ako. Hay naku. Sa isip ko, nagpapahaging ka na naman ba, John? Nagugulo utak ko pati puso ko sayo. Pero paano nga kung tayo? Sana. Bulong ng puso ko. Hays. Magtigil at MALI, sigaw na naman ng utak ko. ?Malay mo, tayo sa dulo, 'di natin masabi Ano nga ba ang kahahantungan Sugal ng pag-ibig, handa 'kong isuko ang sarili Sa daang walang kasiguraduhan Kasi malay mo, tayo Malay mo, tayo Pa'no kung tayo?? Nang matapos ang kanta ay rock music na ang sumunod kaya umupo na ulit kami at ipinagpatuloy ang inuman at kainan ng umupo na sila Ma'am at Sir. Bandang 11pm ay nagpaalam na sina Ate Amy at Ate Susan. Medyo lasing na kasi sila at inaantok na din. After 30 minutes ay si Ma'am Rachel naman ang nagpaalam dahil inaantok na din daw siya. Sa aming mga babae, siya ang pinakalasing. Nagpaalam na din ako dahil ayoko namang maiwan na mag isang babae sa harapan na puro mga lalake ang nagiinuman saka may tama na din ako. Nakaligpit naman na kami ng mga pinagkainan namin kaya hindi na nakakahiyang umuwi. Mga basyong lata ng beer na lang ang kailangang ligpitin. Naiwan sa harapan sina Sir James, Kuya Nilo at Kuya Rudy. Si Bestfriend John naman ay narinig kong nagexcuse na mag CR daw siya kaninang nagpaalam kami ni Ma'am na uuwi na. Hinatid ko muna si Ma'am sa bahay nila dahil nga medyo naparami ang inom niya. Ako naman kahit may tama na din dahil sa ininom kong mga beer na hindi ko na maalala kung ilan ay ramdam ko naman na diretso pa din naman ang lakad ko kahit na medyo hilo na din ako. Di gaya ni Ma'am na halatang nageekis ekis na ang lakad kaninang inaalalayan ko siya sa paglalakad. Nang makapagthank you ako kay Ma'am para sa celebration na prinepare nila para sa akin at nang masigurado kong Ok na si Ma'am sa loob ng bahay nila na iniwan kong nakahiga sa sofa nila dahil doon na lang daw niya hihintayin sa sala si Sir James. Nang lumabas ako ng bahay nila Ma'am ay tinantya ko muna kung kaya ko pang maglakad pauwi sa apartment. Kaya pa. Saad ko sa sarili ko. Medyo hilo man ay nakaya ko pa ding tumawid ng kalsada at maglakad mag isa paakyat ng hagdan papunta sa 2nd floor habang mahigpit na nakahawak sa railing ng hagdanan papaakyat. Hindi naman ako nahirapang susian ang front door at makapasok ng unit ko. Umupo muna ako sa sofa dahil umiikot na ang paligid ko. Ilang minuto ang lumipas ay may kumatok sa pinto papunta sa laundry area. Hindi ko muna iyon binuksan dahil baka kako guniguni ko lang. Ilang sandali pa ay may kumatok ulit. Kahit na sobra na ang pagkahilo ko ay dahan dahan akong tumayo para buksan ang pinto sa likod. So much effort talaga bago ko narating ang pinto papunta sa laundry area. Para akong batang nagaaral pa lang lumakad na nangangabay sa dingding, mesa at upuan na pwede kong hawakan para hindi ako mabuwal. Si Bestfriend John ang tumambad sa akin ng buksan ko ang backdoor. "O, bakit ka diyan kumatok, Best?" Tanong ko sa kanya. Mahigpit akong nakahawak sa gilid ng pinto habang nakasandal ako dito para maiwasan kong mabuwal. Hays nahihilo na talaga ako. "Kung sa harap kasi baka may makakita pa sa atin na magkausap e anong oras na. Baka kung ano pa ang isipin nila. Ayoko namang malagay ka sa alanganin, Best." Tugon ni John. Bakit ganoon? Bakit parang hindi naman siya lasing eh madami din naman siyang nainom na beer? Hays. "Ah Ok. Hi-hindi ka lasing? Hik." Tanong ko sa kanya. Medyo nauutal na ako. Kung kanina ay kaya ko pa ang pagkalasing ko, ngayon e mukhang hindi ko na kayang dalin ang kalasingan ko. "Hindi naman masyado. Kaya ko pang dalhin. Ikaw ba, Best?" Tanong ni John sa akin. "Mukhang hindi na, Best." Agad kong sagot sa kanya. "Anong mukhang hindi na, Ice?" Tanong sa akin ni John. Nakakunot ang noo niya na tila inaassess ang itsura ko. "Hindi ko na kayang dalhin. Mabubuwal na ako, Best." Pag amin ko sa kanya sabay tawa. "s**t. Sabi ko na nga ba na lasing ka na. Kanina pa kita nahalata sa inuman." Nagaalalang saad ni John. "Don't say bad words, Best. Hik. Kaya nga nakakapit ako dito sa pinto para hindi ako mabuwal." Nakangisi pa ring sagot ko kay John. "Sige na, Ice, matulog ka na. Bukas na lang tayo magusap. Baka mabuwal ka pa dyan." Ani ni John. Halatang hindi niya malaman kung hahawakan ba nya ako o hahayaan na lang ako. "T-todo eport ako para lang magbukash ng finto taposh papatulugin mo lang pala ako. Hay naku ka naman talaga, Besh." Lasing na nga ako. Naiiba na ang pagsasalita ko. "Halika na nga." Ani ni John sabay lapit sa akin. Naasiwa akong bigla dahil masyado na siyang malapit sa akin. Napaatras ako kaya nakabitaw ako sa pinto. Mabubuwal na dapat ako pero agad akong nasalo ni John sa likod ko at tuluyan niya akong binuhat na tila sa bagong kasal. "Bakit mo ako binuhat, Best? Ibaba mo ako." Pagtutol ko sa pagbuhat sa akin ni John. Imbes na sumagot at sundin ang sinabi kong ibaba niya ako ay nagpatuloy lang sa paglakad si John papunta sa kwarto ko habang karga ako. Hindi na ako nagpumiglas pa dahil bukod nga sa nahihilo na ako at nanlalata na din ay natakot akong maibagsak niya ako. Lasing din kaya siya. Bukas ang pinto ng kwarto ko kaya nagdiretso siyang pumasok doon. Pilit niyang inabot ang switch ng ilaw para pindutin ito kahit na nahirapan siya dahil nga karga niya ako. Nang sumindi ang ilaw ay saka siya naglakad ulit. Nang marating namin ang kama ko ay dahan dahan niya akong ibinaba doon saka inalis ang tsinelas na suot ko. Inayos pa niya ang unan ko saka hinawakan ang dalawang balikat ko at inihiga ako. Kinumutan niya muna ako saka binuksan niya ang aircon na nasa ulunan ko. Ako naman ay nakatulala lang. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Matulog ka na, Ice. Wag ka nang maglinis ng katawan mo or magpalit ng damit or kahit magtoothbrush man lang. Wag mo na ding subukang tumayo pa dahil baka mahilo ka at mabuwal ka pa. Bukas mo na lang gawin lahat ng yon paggising mo." Bilin ni John sa akin. Pero dahil makulit ako, tatayo pa sana ako pero pinigilan niya agad ako. Hinawakan na naman niya ang dalawang balikat ko. "Huwag ng matigas ang ulo, Ice. Sumunod ka na lang sa sinasabi ko kahit ngayon lang. Please." Pakiusap sa akin ni John. Wala na akong nagawa kundi manatiling nakahiga at tumango kay John. "Sige na lalabas na ako. Bukas na lang tayo mag usap. Happy birthday ulit, Ice." Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Ilang saglit pa siyang nanatiling nakatayo sa gilid ng kama ko habang nakatitig pa din sa mga mata ko. Tila may gusto pa siyang sabihin sa akin or gawin. Nakita kong nag buntong hininga muna siya saka naglakad palabas ng kwarto ko. Ako naman ay nanatiling tahimik lang. Sinundan ko siya ng tingin. Tumigil pa siya sandali sa may switch ng ilaw saka tumingin ulit sa akin. "I hope naging masaya ka sa birthday celebration mo. Sweet dreams, Ice. Good night." Ani ni John. Pagkatapos niyang i-off ang ilaw ay mahina siyang bumulong na ikinatulala ko nang marinig ko ang ibinulong niya. "I love you, Ice." Pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko at isinara ang pinto sa likod niya. Mayamaya ay narinig ko ang pagsara ng pinto papunta sa laundry area namin. Naiwan akong tulala pa ring nakatingin sa kisame. IIang saglit pa bago ko nakatulugan ang pagiisip sa ginawang pagbuhat at pagaasikaso sa akin ni John pati yung magkahalong hiya at kilig na nararamdaman ko. Pero ang mas nakagulo ng nahihilo ko ng isip ay yung binulong niya kanina habang nakatayo siya sa may switch ng ilaw ng kwarto ko. Kahit bulong lang yon, narinig ko yon dahil tahimik ang paligid. Kahit lasing ako, mas malinaw ang pandinig ko. I LOVE YOU, ICE. Yun ang binulong ni Bestfriend John kanina bago siya tuluyang lumabas ng pinto ng kwarto ko. At ang lalong nakagulo ng lasing kong isip ay ang tinugon ng puso ko. I LOVE YOU TOO, JOHN. Hay naku, Aicel, magtigil dahil mali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD