8am na. Kanina pa ako gising. Nakaligo na din ako kahit na masakit ang ulo ko dahil sa hangover. Hindi ko kasi matiis ang lagkit at ang amoy ng alcohol na tila nakadikit sa katawan ko. Pagkaligo ko ay pinalitan ko agad ang bedsheet, kumot at mga punda ng unan ko dahil hindi ko din matiis ang amoy na bakas ng kalasingan ko kagabi. Binuksan ko din ang bintana ng kwarto ko para lumabas ang kakaibang amoy na nakulob sa loob ng kwarto ko. Nag-spray din ako ng air freshener. Buti na lang talaga na bumili ako ng air freshener nung nakaraang araw sa store. Imbes na magluto ako para sa magiging almusal ko ay bumalik ako sa pagkakahiga sa kama ko. Wala pa ako sa mood gumalaw. Nanlalata ako at pakiramdam ko parang ang bigat pa ng ulo ko. Bukod sa hangover ay naguguluhan din ako. Naku, Aicel, bakit

