Kakatapos lang naming kumain ng tumunog ang cellphone ko. Number dito sa isla ang nagregister na tumatawag. Niloud speaker ko ang cellphone ko saka inaccept ang call dahil tinatamad akong hawakan yon. "Hello." Medyo paangil kong sagot. Naiinis pa kasi ako dahil hindi pa ako nakamoved on sa pagdedeny ni John kanina. "Hello, is this Aicel?" Lalake yung nasa kabilang linya. "Yes. I am Aicel. May I know who's calling?" Medyo iritado pa din ang boses ko. "Aicel, si Paul eto. Naalala mo ba ako?" Nakita ko na pareho kaming nagulat ni John. "Ah Oo, Paul. Naalala kita. Di ba ikaw yung ipinakilala sa akin nina Ate Amy sa bar." Saad ko. "Oo, ako nga. Buti naman naalala mo ako." Tugon ni Paul. "Bakit ka nga pala napatawag, Paul?" Nakakunot ang noo kong tanong sa kanya. Eto pa ang isan

