“Tayo na ba?” Ani ni John pagkatapos ng ilang sandaling paghalik namin sa isa’t isa. Nakaupo na kami sa kama ko. Nakaakbay siya sa balikat ko habang nakasandig ako sa may leeg niya. “Anong tayo na ba?” Balik kong tanong sa kanya. Nagpretend akong hindi alam kung ano ang tinutukoy niya sa tanong niya. Tinignan ko siya. “Girlfriend na kita?” Nakangiti siya sa akin. “Oo yata.” May pag-aatubili kong sagot sa kanya pero sa puso ko ramdam ko na sigurado ako na girlfriend na nga niya ako. I am just teasing him. Titignan ko lang kung ano ang reaction nya. Hahaha “Anong OO yata?" Agad siyang tumayo at tumalungko sa harap ko saka hinawakan ang mga kamay ko. "Umamin na nga tayo na mahal natin ang isa’t isa di ba kaya mag-ON na tayo. Girlfriend na kita. Boyfriend mo na ako. TAYO NA.” Ani nya

