CHAPTER 50

1504 Words

[ALTHEYA] NANG MAKABILI na ako ng mga kailangan ko ay lumabas na ako ng convenience store habang bitbit sa isa kong kamay ang mga supot na naglalaman ng mga pinamili ko at sa isa ko namang kamay ang mainit pang cup noodles. Bigla akong napahinto sa labas ng tindahan nang tumama sa aking katawan ang malamig na simoy ng hangin. Kahit naka-jacket na ako ay ramdam ko pa rin ang lamig nito, dahil marami akong hawak ay hindi ko magawang yakapin ang sarili. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Nakita kong marami pang mga tao ang nasa labas. Pagala-gala ang mga ito habang may iba naman na pumapasok at lumalabas sa tindahan na binilhan ko ng kakainin ko. Naglakad na ako papunta sa bakanteng upuan at mesa na nasa harap lamang nitong tindahan. Inilapag ko na ro’n ang hawak kong cup noodles at i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD