[ALTHEYA] "WHERE DO you want to go?" nakakunot ang noong tanong sa akin ni Lennox habang nakasakay kami sa elevator na pababa sa ground floor. Nauna ng lumabas sa elevator si Kuya Jeffrey dala-dala ang mga maleta namin. Tutulungan na sana namin siya pero ang sabi niya kaya na niya iyon, kaya wala kaming nagawa kung hindi ang mag-stay rito sa elevator. Napahawak ako sa baba habaang iniisip kung saan puwedeng pumunta hanggang sa maramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura. Napalingon ako kay Lennox ng marinig ko ang pagpipilit niyang tumawa. Salubong ang kilay na tinignan ko siya at saka sinupa ang binti niya gamit ang unahan ang aking sapatos. "I think we should go to a nearby restaurant first," natatawang wika niya at saka naglakad na palabas sa elevator nang bumukas na iyon. "Yeah

