[ALTHEYA] "ARE YOU really coming with me?" paniniguradong tanong sa akin ni Lennox habang kasalukuyan kong nilalagay sa maleta ang mga armas na gagamitin ko sa misyon. Lumingon ako sa kaniya at saka tinaasan siya ng kilay. For the nth time, tinanong niya ulit ako kung sasama ba talaga ako sa kaniya. "Nox, hindi ko ilalagay ang mga 'to sa maleta kung hindi ako sasama. Bakit ka ba tanong nang tanong, kung mag-impake ka na lang kaya. Darating na si Kuya Jeffrey mamaya para sunduin tayo kaya naman i-ready mo na gamit mo kesa magtanong ka riyan," pagtataray ko. Medyo nakukulitan na kasi ako sa kanya dahil paulit-ulit na lang niyang tinatanong iyon sa akin. "I'm just concern because I'm your friend." Malakas na bumuntong hininga ako at muling naglagay ng daggers at mga susuotin ko sa mal

