[THIRD PERSON’S] NANG MAGKALAYO na sa isa’t-isa sina Altheya, na mas kilala ngayon bilang Maddison Valdez at si Derek Rohany ay pareho silang salubong ang kilay na umupo sa kani-kanilang upuan. Gusot ang kuwelyo ng uniporme ni Maddison dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Derek ro’n habang ang mga kamay naman niya ay namumula dahil sa mariing paghawak ni Maddison ro’n. “Tsk, pasalamat ka at nandito tayo ngayon sa classrom, kung ‘di baka nakatikim ka na ngayon ng suntok galing sa akin. Kahit babae ka pa, hindi kita aatrasan,” nakatiim ang baga at nakakuyom ang kamaong pagbabanta ni Derek habang nakatingin kay Maddison. Nang marinig iyon ni Maddison ay hindi niya mapigilang hindi mapangiti. “Bring it on,” wika niya at saka tinarayan ito. Dahil sa ginawa niyang ‘yon ay mas lalong nagali

