[ALTHEYA] NANG MAKAUPO na ako sa upuang itinuro ni Miss Bianca na katabi lamang ng upuan ni Alice, na siyang nasa kaliwang side ko ngayon ay isinabit ko na ang bag na nakasukbit sa aking balikat sa gilid ng aking upuan. Isinandal ko ang aking likod sa sandalan at saka lumingon sa direksiyon ni Alice para tignan kung ano ang ginagawa niya. Nagsalubong ang aking kilay nang mapadako ang tingin ko sa madumi ang kaniyang mesa, punong-puno ito ng kakatuwang mga drawing, mura, at kung anu-ano pang masasamang salita ang nakita kong nakasulat ro’n. Napansin kong matagal na ‘tong nakalagay ro’n kasi may bahid na pagbura ng ibang bahagi, ngunit hindi natanggal. Parang natuyo na lamang iyon sa gano’ng puwesto. Tinanggal ko na ang tingin sa kaniyang mesa at inangat ang aking ulong bahagyang nakayuk

