Bago makarating si Altheya also known as Maddison sa iskuwelahan. [ETHAN] NAKAKUNOT ANG noong hinarap ko si Dad nang tumigil ang kotse sa parking lot ng iskuwelahan. Hindi ako makaniwala sa aking narinig ngayon araw na ito. “What? Nilipat mo ako Dad sa ibang classrom? Bakit mo naman ‘yon ginawa, Dad?” salubong ang kilay na tanong ko sa kaniya habang pinipilit na kinakalama ang sarili. Hindi ko alam kung bakit ngayon lamang niya sinabi ang tungkol do’n at kung bakit siya nagpasiya na ilipat ako ng ibang classrom? Dahil ba sa pangbu-bullying ginawa sa akin ng mga kaklase ko? Paano niya ‘yon nalaman? Lumingon ako sa labas ng bintana para tignan ang mga schoolmates ko na nagpapalad na papasok sa loob ng building. Dahil maaga pa, bilang na estudiyante pa lamang ang nakikita ko at karami

