CHAPTER 37

1856 Words

[ETHAN] NANGINGINIG ANG aking buong katawan nang mapagtanto kong hindi isang bagay ang naanod sa dalampasigan, kung hindi ay isang katawan ng babae. Hindi ko alam kung buhay pa ba ito o hindi na dahil hindi ko pa ‘to nilalapitan simula no’ng makita ko, limang minuto na ang nakalilipas. Nagdadalawang-isip ako kung tatawag ba ako ng pulis para ipaalam sa kanila na may babae akong natagpuan sa dalampasigan o ililihim na lamang at kung tutulungan ko pa ba ito. Gulong-gulo na ang isip ko sa kung ano ang gagawin ko. Napaigtad ako nang bigla na lamang akong makarinig ng ingay sa ‘di kalayuan. Nilingon ko ang pinanggalingan ng ingay, galing ‘yon sa highway, mukhang may pinagkakaabalahan ang mga taong naroon. Hindi ko na lang ‘yon pinagtuunan pa ng pansin at muling tinignan ang taong nakahi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD