At the same time, In Cordova City… [THIRD PERSON’S] HINDI PA man tuluyang naipa-park nang maayos ang kotseng minamaneho ng kanilang driver ay dali-dali nang binuksan ni Ethan ang pinto sa backseat kung saan siya nakaupo kasama ang kaniyang ama. Nanlalaki ang matang nilingon siya ng mga ito dahil sa ginawa niyang ‘yon na maaaring magpahamak sa kaniya. “Ethan, are you trying to get yourself killed? Hindi mo dapat binubuksan ang pinto ng kotse kapag umaandar pa!” sigaw ng kaniyang ama sa kaniya dahil sa takot na baka mapahamak ang kaniyang anak. Salubong ang kilay nito at makikita sa mukha nito ang pag-aalala. “I-I just can’t help it dad, I badly need to go to the comfort room right now. At isa pa, hindi naman ako mamamatay sa pagbukas lang ng pinto, dad,” wika niya at kasunod noon ay b

