[CONTINUATION] [ALTHEYA] MAINGAT NA tinahak ko ang hagdan paakyat papuntang roof top kung saan kasalukuyang naro’n ang grupo nina Derek na siyang target ko ngayong araw. Hindi puwedeng makalikha ako ng ingay dahil baka mapansin nila ang pagdating ko at maging dahilan pa ‘yon ng pagkatalo ko. Napailing-iling na lamang ako habang naglalakad ako sa hagdan. Wala talagang pinipiling araw ang pangbu-bully nila. Unang araw ko pa lamang sa iskwelahang ito pero marami na kaagad ang nangyari, paano na lang kaya kung sa susunod pang araw. Pagkaraan ng ilang minutong paglalakad paakyat sa hagdan ay nakarating na rin ako sa tapat ng pinto ng rooftop ay huminto na ako ro’n ay pinakiramdaman ang buong paligid para malaman kung ano ang ginagawa nila ro’n. I can hear them talking but it wasn’t clear

