[THIRD PERSON’S] “MISS CHLOE! Kailangan namin ang tulong mo!” Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa harap ng Infirmary kasabay no’n ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto galing dalawang lalaki na kasalukuyang buhat-buhat si Ethan. Wala itong malay dahil sa pangbubugbog ni Derek na naging resulta sa pagkakaroon nito ng mga pasa at sugat sa katawan. Kasama ng dalawang lalaki ang dalawang babae na tinilungan ni Ethan. Mabilis na binuksan ng nurse na si Chloe ang pinto ng Infirmary para papasukin sa loob ang mga estudiyanteng naghahabol ng hininga dahil sa pagtakbo nila mula Cafeteria hanggang Infirmary. Nang buksan na ng nurse ang pinto ay dali-daling nagsipasok sa loob ang mga estudiyante habang karga si Ethan. “Dito niyo siya ihiga,” utos ng nurse sa dalawa at saka itinuro ang bakan

