[ALTHEYA] HINDI PA man ako na nakakababa sa tricycle na sinasakyan ko ay rinig ko na mula sa malayo ang ingay na nanggagaling sa mga taong namimili. Mag-alas-otso pa lamang ng umaga pero marami na ang mga naroon para mamili ng kaniyang pang-araw-araw na pangangailangan nila. Pinagmasdan ko ang mga taong nasa labas, halos karamihan sa kanila ay nagmamadali sa paglalakad habang ang iba naman ay hawak-hawak o karga ang kaniyang mga anak. Napatigil ako sa pagmamasid sa labas nang huminto na ang tricycle sa tapat ng isang gusali na may dalawang palapag. “Nandito na po tayo, Ma’am,” wika sa akin ng driver nang maiparada na niya ang tricycle niya. Lumabas na ako ng tricycle at saka inabot sa driver ang pangbayad ko. Nang maiabot ko na sa kaniya ang pangbayad ay agad rin siyang umalis upang

