[ALTHEYA] HINDI KO na sana papansinin ang lalaking lumapit sa akin at tatalikuran na sana ito pero muli siyang nagsalita para kumbinsihin ako. “I’m Sir Harrison’s personal driver. Siya mismo ang nag-utos sa akin na isama ka papunta sa bahay nila para makausap ka niya ng personal tungkol sa magiging trabaho mo,” wika nito at saka ipinakita sa akin ang kaniyang I.D na naglalaman ng impormasiyon bilang isang driver. Nakakunot ang noong pinagmasdan ko ang I.D na pinapakita niya. Siya nga ang nasa litrato at ang pangalan niya ay Ryan Perez. Bumuntong-hininga ako at saka tumango na. “Kung kakausapin lamang ako si Sir Harrison, bakit kailangan ko pang asikasuhin ang mga gamit ko?” tanong ko rito habang naglalakad ako papunta sa building na kasalukuyan kong tinitirahan. Nakasunod lamang sa lik

