[ALTHEYA] NANG MAILAPAG na ni Sir Harrison ang black envelope sa mesang nasa harapan namin ay kinuha ko na ‘yon ay saka binuksan. Nilabas ko na mula sa loob nito ang mga nakalagay ro’n. Isang susi ang nakita ko ro’n, black card, mga litrato ng mga estudiyante at isang blankong Biodata. “Ang susi na ‘yan ay para sa magiging kuwarto mo sa building na ‘to, habang ang black card naman na ‘yan ay budget mo para sa pang-araw-araw na pangangailangan mo,” biglang usal ni Sir Harrison sa akin. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa mga ‘yon. Napakunot ako nang marinig ang sinabi niyang ‘yon. Parang sobra na yata ang tulong na ibinibigay niya. Magsasalita na sana ako patungkol sa susi at black card na ibinigay niya pero ‘di ko na nagawa pa dahil nagsalita ulit siya. “Wala kang dapat ipag-ala

