[ALTHEYA] “YOU DON’T need to come here, Miss Valdez,” bungad na wika ni Sir nang sagutin ko na ang tawag. Nang marinig ko ang sinabi ni Sir Harrison sa kabilang linya ay napalinga-linga ako sa paligid para tignan kung may nakamasid sa akin. Ngunit nalibot ko na ang buong first floor ay wala akong nakitang kahina-hinalang tao na nakatingin sa akin. “Why shouldn’t I, Sir Harrison?” nakakunot ang noong tanong ko Sir nang sabihin niyang huwag akong mag-alala at huwag nang sumunod sa ambulansiyang papunta sa hospital. ‘Is he going to fire me for not protecting his son?’ tanong ko sa aking sarili at marinig ikunuyom ang kamao. Isang pagkakamali ang ginawa ko dahil hindi ko binantayan ang anak niya, bagkus ang ibang tao pa. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sahig at saka inayos na ang p

