[THIRD PERSON’S] PAGKATAPOS TANUNGIN ng kanilang homeroom teacher na si Bianca ang tatlong babae at si Altheya na mas kilala ngayon sa iskwelahan na Maddison ay nagpasiya siyang panuorin na lamang ang CCTV footage ng bawat anggulo kung saan naroroon si Alice ka siyang sinasabing biktima ni Altheya. ‘Sino nga ba sa kanila ang tunay na may sala? Iyon ang kanilang aalamin sa gagawin nilang pagnood sa footage.’ “Dahil iba-iba ang inyong sinasabi at hindi matukoy kung sino ba ang nagsasabi ng totoo, panoorin na lamang natin ang footage kung saan makikita ang pangyayari bago ko madatnan ang pananakal na ginawa ni Miss Valdez kay Miss Willo,” anunsiyo ni Bianca sa apat niyang estudiyante na nakaupo sa harap ng kaniyang mesa habang binubuksan ang kaniyang laptop. Pagkatapos niyang mabuksan a

