Demian POV
"Stop staring at me, human creature. I know that you are mesmerized by my damn beauty." Pagi-Ingles ng babaeng nasa harapan ko sinundo ko ito ngayon dahil inihabilin ito sa akin ni Don Antonio ang matalik na kaibigan ng aking yumaong ama.
Ayon dito masyadong spoiled brat ang babaeng ito at hindi na kayang patinuin ni Tito Antonio kaya pinatapon dito at pinagkatiwala sa akin na ako muna ang mag-alaga at magpatino. Sa tingin ko nga ang Binibining ito ay magiging sakit ng ulo ko. Malaking sakit ng ulo na dapat kong paghandaan.
"Gosh I told you stop drooling over my oh so gorgeous beauty. Poor human creature." Pagiingay na naman nito. Nginitian ko nalamang siya ng matigil at dinala ko na ang lima niyang maleta sa sasakyang dala ko para sunduin siya. Naestatwa naman ito sa kanyang pwesto. Kakaibang babae kanina lang ay napaka ingay ngayon naman ay nanahimik pero mas mabuti na rin iyon.
"Halika na at ng hindi tayo gabihin sa ating destinasyon." Malayo-layo pa rin kasi ang bahay ko na magiging panibago niya namang kanlungan.
Umismid naman ito at inirapan ako bago pumasok ng sasakyan. Habang binabaybay namin ang daan patungo sa aking bahay bigla nalamang itong nagsalita na ikinagulat ko. Akala ko kasi patuloy nalang itong mananahimik at mapapanisan ng laway.
"Uhm can I ask?" Mataray nitong sabi. Tiningnan ko ito ng saglit at tyaka ako tumango.
"Bakit hindi ka masyadong nagsasalita nakakaintindi ka ba ng English? Uhmm don't get me wrong nagtatanong lang ako. Pagkaklaro nito at umismid na naman.
"Alam mo Miss may mga bagay kasi hindi na dapat pinagaaksayahan ng laway. Hindi rin basehan na kapag hindi ko sinagot ang tanong mo sa wikang Ingles ibig sabihin hindi na ako marunong umunawa. Kaya maraming nagiging banyaga sa sarili nilang bansa dahil ang mga mamamayan nito ang siyang tinatangkilik ang hindi sariling atin. Kaya kong magsalita at umunawa ng anim na lengguwahe at kasama na doon ang Ingles. Pero mas pinagyayabong ko ang pag sasalita ng wikang Filipino." Naka ngiti kong sagot sa kanya at para bang nakakita ito ng multo sa panlalaki ng bilugan nitong mata. Namumula rin ang pisngi nito na hindi kababakasan ng kahit na anong kolorete.
"Geez bakit napaka makata mo? Ikaw ba si Jose Rizal na naninirahan dito sa Millenial generation. Gosh naistress ako sayo." Tumawa nalang ako. Sa dami ng wikang alam ko mas nahumaling pa rin talaga ako sa pagsasalita ng Filipino. Ipinagmamalaki ko iyon mula Batanes hanggang Jolo. Isama na rin natin ang Luzon hanggang Mindanao.
"Tama na ang pagtatanong matulog ka na muna alam kong malayo-layo ang biniyahe mo makarating lamang dito sa Laguna. Heto suotin mo muna ang jacket na ito maya-maya lang kasi ay lalamig na. Gigisingin nalang kita pag nakarating na tayo." Iniabot ko sa kanya ang isang kulay itim na jacket na paborito kong suotin tamang tama lang iyon pampatanggal ng lamig. Hindi naman ito nag atubiling isuot.
"Thanks by the way I'm Arika Valdez. Don't you dare do something bad on me habang natutulog ako. Marunong ako mag taekwando at ng acupuncture baka tulog ka ng bongga kung tangkain mong gawan ako ng masama." Pagbabanta nito sa akin. Ni hindi nga sumagi sa isip ko na gawan siya ng masama. Mukhang ako pa nga ang gagawan ng masam nito. Napaka amazona at taray din nitong si Arika. Base kay Tito Antonio, 25 anyos na ito at nagtapos na ng kolehiyo. Isa itong Accountant sa isang kilalang kumpanya sa Maynila at nagrebelde lamang ito at umalis sa kanyang trabaho simulang ng mamatay ang kasintahan nito. Sa madaling salita brokenhearted ang babaeng ito pero wala namang binibigay ang Panginoon na isang pangyayari sa tao kung walang magandang dahilan.
Sa totoo lang naaawa ako sa kanya pero hindi naman solusyon ang pagrerebelde. Kung nasaktan dapat matutong umusad alam kong mahirap at masakit pero dapat kayanin kasi yun ang ikabubuti niya. Nakahinto na ang sasakyan sa tapat ng bahay ko. Pinagmasdan ko ang mukha ng babaeng ito mula sa mahahaba nitong pilikmata,matangos nitong ilong at mapupulang labi. Pamilyar ito na para bang nakita ko na ito. Hindi ko nga lang malaman at maalala kung saan at kailan ko iyon nakita. Bigla na lamang sumakit ang ulo ko, siguro nga ay pagod na ako. Medyo nakakastress din kasi sa Hacienda noong mga nakaraang araw.
Gigisingin ko na sana si Arika ng mapansin ko ang pagpatak ng luha sa mga mata nito. Bakit parang may kumirot sa puso ko na makita siyang umiiyak.
"Demian." paulit-ulit nitong binabanggit.
"Shhh gising nanaginip ka lang." nagmulat ito ng mga mata at tiningnan ako ng deretso. Yung emosyong pinapakita ng mata niya puno ng sakit at kalungkutan.
Ano bang pinagdaanan nito at humantong siya sa puntong ipinatapon siya ng ama niya dito sa akin at ipinagkatiwala ang anak niya sa akin.
"Don't ever leave me kagaya ng ginawa niya hindi ko kayang maiwan ulit. Masakit na kasi talaga hindi ko na kaya." Umiiyak na sabi nito sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit na siyang ikinatulos ko sa aking pwesto. Damn. Agad akong napatampal sa noo ko kailan ka pa natutong mag mura Demian.
Hinagod ko lang ang likod nito na tila ba alam ko ang dahilan ng kalungkutan at pagluha niya. A girl like her doesn't deserve to be hurt like this, damn.
"Uhmm Arika tahan na." Mahinahon kong sabi sa kanya na ikinatigil niya sa paghikbi at para bang natulos ito sa pwesto niya. Bakit parang ang init sa loob ng sasakyan ko.
Nang maghiwalay na kami sa pagyayakapan agad kong binuksan ang bintana ng pinaka mamahal kong sasakyan. Tahimik pa rin si Arika at napansin ko ang pamumula nito, mainit nga talaga siguro sa loob ng sasakyang ito.
"Tara na sa loob ng maipagpatuloy mo na ang pagpapahinga mo. Ituring mo ng pangalawang bahay, ang bahay ko ." saad ko nalang habang ibinibaba ko na ang mga maleta niya. Akma itong tutulong sa pagbubuhat pero pinigilan ko na agad ito.
"I can manage Arika sundan mo nalang ako at ihahatid kita sa magiging silid mo." Sabi ko habang paakyat kami sa ikalawang palapag ng bahay ko.
Nang maiakyat ko na ang lahat ng maleta niya agad ko din siyang iginiya sa hapagkainan. Nagluto kasi ako kanina bago pa siya dumating iinit ko nalang ang mga ito. Cooking is one of my hobbies bukod sa pag aasikaso ng Hacienda. Sabi kasi ni Mama noong bata pa ako hindi naman porket lalaki ako hindi ko na dapat pag aralan ang pagluluto. Kaya nung nabubuhay pa si Mama tinuruan niya akong ng mga specialty niya. Sana nga lang ay buhay pa siya para naman makita at matikman niya ang mga luto ko. I shrugged.
Matapos ang hapunan napansin ko na tahimik pa rin si Arika. Siguro na mamahay lang ito.
"Thank you sa lahat Mr. Zaldua." Sabi nito habang nakatalikod na naglalakad patungo sa hagdan naituro ko naman na ang silid niya at malamang sa malamang dun yun pupunta. Katapat lang iyon ng silid ko.
"Walang anuman bawasan mo naman ang pagiging masungit mo bagay sayo naka ngiti, nakakaganda yun." Pahabol kong sabi at naiwan ako dito marami pa akong dapat asikasuhin.
Napahinto pa ito sa paglalakad. At agad na hinagis sa akin ang tsinelas niya pansin ko na naman ang pamumula nito at umirap pa nga ito. As far as I can remember naka aircon ang buong bahay ko, naiinitan na naman ba ito.
"Ikaw na Pashneya ka bakit ba kamukha kamukha mo siya?" mahina at malungkot na sabi nito naka abot pa rin sa pandinig ko.
Damn sabi ni Mama nag iisa lang ang mala adonis kong mukha kumbaga sa isang salita natatangi ang ganitong mukha, walang kamukha kasi uniquely and wonderfully made ako ng magulang ko. Made in sperm cell and egg cell ako ng mga magulang ko. At hindi biro ang genes na taglay ko. Tatak Demian Zaldua to. Swerte kaya ng mapapangasawa ko. Agad naman akong kinilig sa isiping yun. Sa halos 28 taon ko na dito sa mundo kailan ko kaya makikilala ang mapapangasawa ko. Noon kasi pinangarap kong maging isang pari pero isang araw nagising nalang ako na parang nagbago na. Pero ipinagpapa sa Diyos ko nalang ang mga nangyayari. Siguro nga hindi ako nauwi sa pagpapari pero ang paniniwala ko sa Diyos ay mananatili.
Arika POV
I took a glance of myself in front of the mirror, bakit parang may mali at kulang? I can't figure it out. Habang inililibot ko ang tingin ko sa room kung saan halos 5 buwan kong tutuluyan napangiti nalang ako ng mapait. Bakit ba ipinatapon ako dito ni Dad? Nasobrahan na ba ako sa pinag gagawa ko sa buhay? I don't know kung ako pa ba talaga ito. Sino ba namang hindi maguguluhan sa mismong sarili niya kung kahit niisang alaala ay wala ako simula ng magising ako 2 years ago. I felt so lost ni pangalan ko hindi ko maalala.
Hanggang sa sinabi ni Dad na sya nalang daw ang pamilya ko. He told me na graduate ako ng BS in Accountancy. Ni hindi ko nga alam kung bakit yun ang kursong tinapos ko, na kung gusto ko ba yun o ano. May fiancé daw ako pero ang hudyo niloko at iniwan daw ako simula ng maratay ako. Walanghiya talaga mga lalaki. Feeling ko nag-iisa nalang ako madalas din kasing nasa ibang bansa si Dad. Aminin ko man o hindi pero simula ng magising ako at hindi makaalala wala akong ibang ginawa kundi lunurin ang sarili ko sa trabaho at pagba-bar. To the point na marami na din akong nakakaaway at halos lahat sila babae, kesyo inagaw ko daw ang boyfriend nila. What the hell lang talaga ni hindi ko nga kinausap ang boyfriend kuno nila. Kahit ganito naman ako ni minsan hindi ko namang binalak na mang-agaw ng pagmamay-ari na ng iba. Dapat brat with a class pa din.
Napahinto ako sa pagmumuni muni ng biglang may kumatok,
"Arika tapos ka na bang ayusin ang mga gamit mo? Bumaba ka muna at kakain tayo." Napairap nalang ako sa tono ng pagsasalita ni Mr. Zaldua seriously bakit ganyan sya masyadong malumanay at mabait.
"Sige baba na rin ako" Huminga ako ng malalalim bago sumunod ng paglalakad sa kanya. Napairap ulit ako bakit ba ang tangkad masyado nito. Sa tantya ko nasa 6'1 ang height nito, sana all matangkad siguro hanggang baba lang ako nito. May katangkaran din naman kasi ako kahit papaano.
Infairness talaga sa bahay nito malinis at magaan ang ambiance. Nakaupo na sya at mag-uumpisa na sana akong sumubo ng pagkain ng tumikhim sya.
"Let's say our grace first." Para akong napahiya ng slight kaya napaiwas ako ng tingin pero ng ibalik ko naman sa kanya ang tingin ko wala namang halong panghuhusga ang mata niya.
"Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin." Nakakahiya naman diba sya naman na ang nagluto. Loka-loka ako minsan pero marunong din naman ako kahit papaano sa gawaing bahay.
Tumango lamang sya at umupo sa isang upuan, hinihintay siguro akong magkamali at makabasag ng pinggan. Ramdam ko kasi ang titig niya sa likuran ko.
"Don't worry I know how to do this pwede bang umalis ka muna jan?" Mataray na litanya ko pero itong lalaking ito parang walang narinig nandun pa rin sya. Bahala sya sa trip niya sa buhay.
"What happened to you?" Napatigil ako sa pagkuskos ng baso ng marinig ko ang malamyos na boses nito. Alam ko na tinutukoy nito kung bakit ako nagkaganito? Bakit nga ba dahil wala akong maalala?
"It's none of your business. Close ba tayo para magtanong ka?" Natahimik ito pero hindi pa rin umalis ni lingunin sya ay hindi ko ginawa. Feeling close.
Habang nakahiga ako dito sa kama marami akong ipinagtataka. Bakit sa dinadami ng pwedeng pagtapunan sa akin dito pa and to think na lalaki ang kasama ko dito. Ano bang trip ni Dad sa buhay. Bukas sisimulan ko na ang mga balak ko sa lalaking yun.
Tingnan nalang natin kung hindi yun mainis at palayasin ako dito. Mukhang nagbabait baitan lang naman. Kailangan ko na rin pagplanuhan kung paano makakabalik ang alala na nawala sa akin two years ago. Sino ba kasi yung siraulong fiancé ko na iniwan ako?
Unti- unti na akong hinila ng antok kasabay nun ang pagdalaw ng lalaki sa panaginip ko. Pamilyar siya pero hindi ko maalaa kung sino.