Arika POV
"Good morning Arika." Bati ni Demian habang naglalakad papuntang hapag kainan bitbit ang dalawang tasa. In all fairness naman dito kay Demian mukha siyang husband material. Naka apron pa ito pero hindi yun nakabawas sa angkin nitong kagwapuhan at tikas, at kailan pa naman ako natutong purihin ang lalaking 'to?
Well simula naman kasi ng tumuntong ang paa ko sa pamamahay niya wala syang ibang pinakita kundi kabutihan at pagiging gentleman, was it all an act? I guess hindi, natural na talaga siguro sa kanya yung pagiging maginoo niya, may ganun pa palang lalaki. Akala ko hindi na nag eexist sa mundo yung uri niya. Rare siya kumbaga. Kaya nagdadalawang isip na tuloy ako kung pasasakitin ko pa ang ulo ng lalaking ito.
Kahit anong taray at pagsusungit ang ibato ko sakanya ngumingiti lang ito ng tipid at hindi naman ako pinapatulan, when kaya niya ako papatulan? Medyo maharot ako sa naisip, double meaning naman kasi tanong ko but anyways kung papatulan niya ako hindi na rin naman sya lugi, medyo lang naman. Just kidding. Tyaka hello nasa tamang edad naman na ako. I guess sya rin mukhang ilang taon lang tanda nito sa akin.
"Mornin'." Hinihikab kong sagot. Goodness gracious ngayon nalang ako nagising ng ganito kaaga. Kaagad akong napatingin sa orasan mag seseven na din pala usually mga 11 am pa bangon ko pero ewan ko ba namamahay siguro ako.
Kagabi nakapag isip- isip ako na hindi nalang ako magiging sakit ng ulo ng lalaking 'to, siguro I'll treat this situation of mine as a vacation. Nakakabawas din kasi ng ganda pag masyadong attitude. Tyaka hindi talaga super ma-attitude as a person siguro defense mechanism ko nalang din talaga 'to.
"Mamaya ililibot kita sa hacienda, kung gusto mo?" sabi niya matapos ibaba ang baso ng kape na iniinom niya. Ang pogi naman kahit umiinom ng kape. Swerte nung baso mga marecakes.
"Okay..."
"Demian can I ask you so something?"
"Sure" simple niyang sagot. Medyo natunugan ko pa yung saya niya na para bang may nasabi akong tama simula ng magstay ako dito sa bahay niya. I think it's been 2 weeks nung nandito ako.
At ngayon palang kami mag gegeting to know each other. Haler naman kasi nakakaloka naman yun kung hindi ko ganun kakilala yung kasama kong sa isang bahay diba. Although puro kabutihan naman pinapakita niya mas maganda pa rin naman magkakakilanlan kami. Pero duda ko kilala talaga ako nito.
"Tell me about yourself Dem. Tapos tyaka ano I consider you as my friend sana ikaw rin. " Napansin kong natigilan sya at may sadness sa mata niya pero agad din namang nawala at ngumiti siya sa akin.
Napahinto pa ulit sya sa pag inon niya ng kape na barako just like him barakong barako in a macho and pogi way, goodness gracious ano ba 'tong lumalabas sa utak ko na description, nung marinig niya yung tawag ko sa pangalan niya. Medyo feeling close ako kaya binigyan ko na sya ng nickname.
"I hope you don't mind, me calling you Dem, it's not mura ha like D-A-M-N it's Dem like pinaikling name mo." pagpapaliwanag ko pa malay ko ba mamaya isipin niya pa minimura ko sya.
"Call me whatever you want Arika, its fine with me, as long as your happy I don't mind. And regarding dun sa pagpapakilala ko about myself. Here we go. Suit yourself tart I mean Arika. I'm a graduate of Bachelor of Science in Mechanical Engineering. Licensed profesional engineer and plano ko sanang magpari but due to some personal reasons hindi na tuloy but my faith to God never changed it's just that hindi siguro sa akin ang pagpapari. I'm 3 years older than you. Ang pagpapatakbo ng Hacienda ang pinagkakaabalahan ko at ikaw."
"Okay, that's nice siguro nga. He has plan for you kaya hindi ka natuloy na maging pari, malay mo ako yung plan niya para sayo, malay mo tayo yung end game." with kindat ko pang sabi, harot harot ko naman pero okay lang atleast wala naman akong sabit. Harot responsibly naman Arika.
Bigla tuloy syang nabulunan. Jusko di ko naman sinasadyang gulatin sa banat kong pangmalupitan.
"De joke lang naman Dem." natatawa kong sabi pero ika nga nila jokes are half meant mga marecakes. Malay mo naman diba.
" I'll gladly accept that plan from God." bulong niya na hindi ko na rin narinig hina masyado eh. It's time to clean my ears na siguro.
Matapos kong hugasan ang pinagkainan namin ay umakyat na ulit ako sa taas kung nasaan ang kwarto ko. Base na rin sa pag observe ko kanina sa bahay masasabi ko naman talagang malinis sya sa bahay kung napansin ko yun noong unang tungtong ko dito mas napatunayan ko na maayos at malinis talaga siya hindi lang dahil may bisita dahil mukhang hobby niya din ang paglilinis.
Magwawalis pa nga ako dapat kanina pero pinigilan niya ako at siya na daw ang bahala. Napaka sipag talaga ng lalaking yun.
Tapos malawak din ang garden niya sa labas, tapos maganda rin yung mga halaman niya halatang alagang alaga. Baka alagang Demian Zaldua yan. Maalaga naman talaga siya at ramdam ko yun, and I'm thankful for that. Kahit naman attitude ako mga marecakes I know how to appreciate someone.
Minsan maganda rin talaga manirahan sa probinsya. Hindi ganun kalala ang polusyon tapos sariwa pa ang simoy ng hangin. Machika ko lang pala wag dapat talagang maniwala na nakakaputi ang tubig sa Manila, scam yun proven and tested ko na.
Pagbaba ko ng hagdan tahimik ang bahay ang nakikita ko lang ay yung pusang mataba mukhang siopao yung pisngi, ngayon ko lang to nakita simula ng dumating ako dito. Kakauwi niya lang siguro naalala ko tuloy yung kwento nung dati kong katrabaho na halos mabaliw na kakaiyak kasi isang linggo ng di umuuwi yung pusa niya, yun pala nambabae tapos pag uwi kasama na yung buntis na pusa. Kaya ang ang ending si ka workmate may another set of pusa na aalagaan.
Malamang sa malamang alaga 'to ni Demian, cat person pala si Dem. Ano kaya name nito siguro itatanong ko nalang mamaya pag uwi ni Dem. Mukhang umalis ang lalaking un sa bahay bigla akong napangiti ng wala sa oras, is this another kalokohan of mine.
Dali dali akong pumunta ng pintuan na para bang may gagawin ako masama pero wala naman so don't worry. Siguro mag iikot ikot muna ako dito sa lugar niya.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar halos puro puno ang makikita pero di naman sya ganun nakakatakot sa totoo lang magaan ang ambiance at nakaka relax.
Sa totoo lang nakakarelax tingnan ang paligid para bang kinakalma nito yung stress ko ng utak.
Babalik din ako dito mamaya sa bahay e-explore ko muna ang lugar. Agad akong pumasok ulit ng bahay para kunin ang maliit kong bag at cellphone.
"Bye muning, sabihin mo sa tatay mo aalis muna ang future nanay mo, and hey thats me" natatawa ko pang sabi na para bang maiintindihan ako ng isang matabang pusa. Anyways atleast nagpaalam ako diba. Yung tatay niya nga hindi nagsabi kung saan pupunta.
Nang matapos kong magpaalam sa pusa dito sa bahay although alam ko naman na wala syang paki.
Matapos ang isa't kalahating oras napagdesisyunan ko ng umuwi, pagod na ako kakagala. Hindi ko na kaya magpaka Dora the Explorer.
Goodness gracious nakakapagod yung byinahe ko nakarating din ako sa bayan buti nalang mababait yung napagtanungan ko kaya ayun nakabalik din ako kaagad ng bahay.
Pero ganun nalang ang gulat ko ng salubungin ako ng yakap ni Demian as in mahigpit na yakap, gulantang naman talaga lahat ng pwedeng magulang sa akin. Eh marupok ako kaya hinug back ko na. Swerte din minsan nitong si Demian.
"Damn Arika where have you been? Pinag alala mo ako ng husto akala ko kung napano ka na. Pag uwi ko ng bahay natin hindi kita nakita, nataranta na ako ng husto." kakikitaan pa rin ng pag alala yung boses niya at yakap niya pa rin ako, now I feel so guilty.
"I'm sorry Dem nabored kasi dito sa bahay tyaka nagpaalam naman ako jan sa mataba mong anak na pusa." naguguilty kong sagot. Alam ko naman na mali ako eh kasi naman 'tong paa ko biglang nangati gustong gumala. Anyways mali talaga ako kahit saang anggulo tingnan at kahit anong sabihin ko.
"Next time if you want to go outside Arika just let me know, nag alala talaga ako t hindi naman kita pagbabawalan. I'm sorry too kung hindi ako nakapag sabi n aalis ako. May inasikaso lang ako sa hacienda para walang istorbo sa pagtu tour ko sayo maybe next time nalang natin ituloy ang pag iikot sa hacienda. Magpahinga ka muna." mahinahon niyang sabi sa akin at inaya na ako sa loob ng bahay. Nakita ko dun yung pusa natutulog na.
"Anong name niyang anak mong pusa? He's so fluffy." nacucute-an kong tanong.
" He is Dunbar 2 years na sya dito sa akin, narescue ko sa kagubatan tapos hindi na niya ako iniwan. " sabi niya habang inaabutan ako ng isang baso na may malamig na tubig.
"Hi Dunbar ni Dem, I'm Arika." tyaka ko nilapit yung mukha ko sa pusa. Maswerteng pusa ito.
"Masakit ba ang paa mo?" He asked gently. I nodded silently.
Umupo sya tabi ko dito sa sofa, hindi naman ako naiilang sakanya aa totoo lang kumportable nga ako sa presensya niya na para bang kilala ko sya but I guess pakiramdam ko lang naman yun.
"Is it okay kung mamasahihin ko yung paa mo? Para hindi na sumakit" mahinahon niyang tanong and I don't feel any malice sa tanong niya kaya binigay ko na yung paa ko I mean pinatong ko yung paa ko dun sa may hita niya. He gently massage it at medyo umokay naman na yung pakiramdam ng paa ko. Masahista ata 'to mga marecakes.
"Thank you Dem and I'm sorry ulit." sabi ko nang sincere. He just give me a nod and a smile.
Umakyat na ulit ako ng room ko pero mga marecakes madaling araw na pero yung utak ko gising na gising pa, kasi naman naalala ko na naman yung nangyari kanina at may isang bagay ang hindi mawala sa utak ko.
"Bakit ang bilis nang t***k ng puso ni Dem kaninang yakap niya ako?" tanong ng utak ko sa sarili ko, goodness gracious mukhang tuloy tuloy na 'tong puyatan portion ko with myself. Powtik.
Pero ang mas nakakagimbal bakit ang bilis din ng t***k ng puso ko habang iniisip ko si Demian. Damn this is bad.