Yui's P.O.V
hindi ko alam ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay dinala ako ng mga paa ko sa Tower na pag-aari ng hari
mabilis na inakyat ko iyon at nang marating ko ang tuktok ay agad na nilibot ko ang paligid at otomatikong napangiti ng makita ko yung lalaking kausap ko lang nung nakaraang linggo
nandoon parin ito sa usual spot niya ngunit ang pinagkaiba lang ay hindi siya nagbabasa.
Kasalukuyang may nakapasak na earphones sa dalawang tenga niya, nakasandal ang likuran sa sandalan ng sofa at nakapikit ang mga mata
He looks cool in that position.
dahan dahan akong lumapit sakanya making sure na hindi ko siya magigising at tulad ng ginawa ko noon ay nilapag ko sa sahig yung pile of books na nakapatong sa coffee table at nag-indian sit dito
Malaya kong pinakatitigan ang mukha niya. Hindi naman niya siguro mapapansin since mahimbing yung tulog niya.
Napangalumbaba ako while looking at him dreamily. Magulo ang buhok niyang may kahabaan na tumabon ang ilang hibla sa kanyang mukha, Mahaba pala ang pilik mata nito, medyo makapal ang mga kilay, may matangos na ilong. dumako naman ang mga mata ko sa labi nito at napalunok, mayroon itong hindi gaanong kakapal na labi at may pagkareddish ang kulay, sobrang kissable nito tignan at parang never nakaranas magbakbak at mamalat.
mabilis na pinilig ko ang ulo ko nang may kung anong pumasok sa isip kong gawin.
Maghunos dili ka Yui! hindi mo pa ganoon lubos na kilala yung lalaking kaharap mo!
"What are you doing here? didn't you have a class?" napabalikwas ako sa gulat nang biglang magsalita ito
Nakapikit parin siya at hindi man lang gumagalaw sa kinapupwestuhan niya
kanina pa ba siya gising? napansin niya kaya yung ginawa kong pagtitig sakanya?
"Ah-ano, p-paano mo naman nalamang may klase ako aber?" kinakabahang tanong ko dito na para bang nahuli ako sa akto ng pagnanakaw
ano bang pinag-iisip ko? wala naman akong ginawa ah? bakit ako kinakabahan?
Bigla itong nagmulat ng tingin saka dahan dahang nilapit nito ang mukha sa mukha ko kaya't napaatras ako ng napaatras at dahil nakaindian sit lang ako sa coffee table at nasobrahan ako sa pagatras ay na-out of balance ako kaya't napapikit nalang ako at hinintay na tumama ang likod sa matigas na semento. ngunit imbes na semento ang naramdaman ko ay isang mabilis na braso ang pumulupot sa bewang ko kaya't hindi ako nahulog
Agad na nagdilat ako at napalunok ng mapansing sobrang lapit ng mga mukha namin, gahibla nalang ng buhok ang pumapagitan saaming dalawa
napatingin siya sa mga labi ko kaya't hindi sinasadyang napakagat ako sa lower lip ko. it's been...I dunno, forever I guess, since I felt so nervous.
why am I even nervous in the first place?
"How wouldn't I know? it's too early for Dismissal. It's still class hours" sabi nito nang may ngisi sa mga labi habang dahan dahan ako nitong inaayos sa pagkakaupo saka siya bumalik sa pagkakaupo niya and right after he seated ay kumuha siya ng isa sa mga libro na nilapag ko kanina sa sahig, pinagpagan niya iyon bago binuklat at basahin
hindi naman ako makapagsalita, medyo na speechless ako sa kaganapan kanina.
there was a long silence when he decided to break the ice.
"I thought you gave up on Finding the Emperor, it's been a week since the last time I saw you, you didn't return afterwards" sabi nito habang nagbabasa napanguso nalang ako ng maalala ko kung anong sakit sa ulo ang dinanas ko sa paghahanap sa haring iyon
"Pinaalala mo pa! That Emperor! Ayaw magpahanap, alam mo bang navirus yung pc at loptop ko nung triny kong magsearch tungkol sakanya! tapos nagrent ako ng Computer sa Compshop then syempre dahil sa inis ko napapamura nalang ako kaya may sumuway sakin sabi ba naman tawagan ko nalang daw yung boyfriend ko hindi daw yung nababaliw ako kakahanap sa iba't ibang site, pesteng babaeng iyon babalatan ko siya ng buhay kapag nagkita ulit kami" inis kong saad habang nilalabas sa shoulder bag yung burger ko, buti nadala ko yung burger at fries na binili ni Carmen sakin
I heard him chuckle kaya't sinamaan ko siya ng tingin na hindi naman niya pinansin at pinagpatuloy parin ang pagbabasa.
he's reading while listening to me, Wow! he's good at multi-tasking
"Kapag talaga nakita ko yung hari na iyon, ia-uppercut ko agad siya tapos roundhouse kick para madama niya kung gaano siya kahirap hanapin" inis kong saad saka kinagatan yung hawak kong burger
naiirita talaga ako! wala akong planong matalo sa pustahan namin ng lalaking ito.
"Ooohh scary" he said sarcastically at hindi man lang inabalang mag-angat ng tingin
"Gagawin ko talaga iyon kaya't humanda talaga siya" I confidently said and I flipped my hair
"Then quickly find him" he said boredly, well lagi naman siyang bored kaya wala nang bago basta ang importante nakikinig siya sa mga sinasabi ko and atleast he's responding kaya hindi narin masama
"Anyways, dalawang beses na tayong nagkita pero hindi parin kita kilala. My name is Empress, ikaw?" saad ko nang maalala kong hindi ko pa pala alam hanggang ngayon yung pangalan niya
"Damian" tipid niya namang sagot
"Nice name Dam-dam" I said teasing him as if I'm saying Dumb-dumb at nakita ko namang sinamaan niya ako ng tingin so I just fake a laugh to escape that awkward situation
biglang nagalarm ang cellphone ko kaya't agad na nilabas ko iyon sa bag ko at halos lumuwa ang mata ko sa gulat nang makita kong 9:00 am na, My leisure time is done, late na ako sa next subject ko!
don't even ask kung bakit pa ako nag-aalarm, nakita niyo naman ngayon nakalimutan kong may klase pa ako dahil sa pakikipagkwentuhan ko sa lalaking ito! I easily forgot things I need to do kapag masyado na akong nalilibang sa isang bagay.
"Ah-ano! I have to go! baka malate na ako sa klase ko" paalam ko sakanya saka tumayo at nilabas ang Fries na nasa bag ko at inabot sakanya,
ngunit hindi naman niya iyon tinanggap kaya't kinuha ko ang kamay niya at ako na mismo ang naglapag nung balot ng fries sa kamay niya nilapag ko narin pati yung burger ko na may kagat na
"Sayo nalang, ayoko na eh" nakangiti kong saad sakanya bago nagtatakbo papunta sa may hagdan pababa
ngunit bago pa ako tuluyang makababa muli akong lumingon sakanya and I automatically smiled ng makita ko siyang nakatingin saakin, napangisi nalang ako nang may naisip nanaman akong kalokohan
"Bye Damie Baby! See you when I see you!" paalam ko dito and did a flying kiss, hindi ko na hinintay pang magsalita siya at nagtatakbo na pababa ng hagdan
Baka ihulog na ako nito sa tower kapag nagkita ulit kami dahil sa pangti-trip ko sakanya!? Geez Scary.
hindi malayong hindi niya gawin iyon dahil sa kabaliwan ko. but I had fun teasing him. may pagkapikonin kasi siya.