Yui's P.O.V
Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil may assignment akong kailangang tapusin. hindi ko nagawa kahapon dahil pag-uwi ko ng bahay ay magdamag akong natulog at nanuod ng TV, in short tinamad akong gumawa ng assignment kaya ngayon ko balak gawin.
it's kinda weird thinking na hindi yung karaniwang assignment na ginagawa ko dati yung gagawin ko ngayon, My usual assignment is killing people or getting rid of them but now it's just some simple words na kailangan kong bigyan ng kahulugan at ibigay ang iba pang mga salita na may kaugnayan doon.
pagkatapak na pagkatapak ko palang ng University ay napabuntong hininga nalang ako nang agad na bumungad sakin ang dalawang babaeng kasalukuyang nagbabangayan nanaman
"Kasalanan mo ito kaya nagalit siya saatin eh! kung hindi ka kasi nagmaldita edi sana hindi siya nagalit!" rinig kong sigaw ni Veronica, ano nanaman kayang pinagtatalunan ng mga ito
"Anong ako?! eh sino bang unang nambwisit sating dalawa ha? ako ba? ako ba?!" inis namang sigaw din ni Carmen pabalik at dahil likas akong mabuting mamamayan ng Pilipinas ay agad na lumapit ako sakanila at sabay na binatukan sila
"Ayan na naman kayo! aga aga sinisira niyo umaga ko!" panenermon ko sa mga ito, mabilis naman silang nagturuan na parang mga batang ayaw masisi sa kasalanang sangkot naman silang dalawa
"Siya kasi Nerdy eh, inaaway na naman ako, I was waiting for you here para sabay tayong pumasok tapos bigla siyang dumating at tinaray-tarayan ako" Veronica said pouting habang nakatingin sa mga daliri nitong pinaglalaruan niya
"Hey! anong tinaray-tarayan maayos naman yung tanong ko sayo ha!" bulyaw ni Carmen kay Veronica kaya't nag-angat ito ng tingin at pinukulan ng masamang tingin si Carmen at hindi naman nagpatalo ang huli at binalik din ang masamang tinging pinukol sakanya
Napatampal nalang ako sa noo ko, kailan ba matatapos ito?
napatingin ako sa paligid ng maramdaman ko ang unti-unting pagdating ng mga estudyante, paunti-unti silang dumadami at nakakahakot narin kami ng atensyon
dalawang Reyna ba naman ang magkasama ngayon, bakit hindi? diba?
mabilis na hinatak ko sila palabas ng school at dinala sa malapit na Coffee Shop na minsan ko nang madaanan tuwing pumapasok ako
pinaupo ko sila saglit at umorder ng tatlong frappe bago bumalik sa pwesto na kung saan ko sila iniwan
naabutan ko silang hindi nagiimikan at kapwa nakatingin sa ibang direksyon
"Sabihin niyo na" sabi ko nang tuluyan na akong makaupo, nagtataka naman nila akong tinitigan
"Sabihin niyo kung ano ang punot dulo ng away niyo, makikinig ako" seryoso kong saad sakanila bago inayos ang tumabingi kong salamin
bigla naman silang nagkatinginan na dalawa, umabot iyon ng ilang segundo bago sabay na nag-iwas ng tingin at bumuntong hininga
"To be honest, wala naman talaga" panimula ni Carmen na sinang-ayunan ni Veronica
"Yeah, it just so happened that we are on a different Organizations" saad ni Veronica na nakapagpakunot sa noo ko
walang dahilan? walang agawan ng boyfriend? o di kaya half-sister sila ganoon? pero bakit sobra sila kung mag-away?
"then bakit? bakit sobra nalang kung mag-away kayo?" I curiously asked, muli naman silang nagkatinginan at sabay na napayuko
"It happened when the New Emperor arrives, dati ay masaya at nagkakasundo ang lahat ng Organizations, Diamond, Heart, Spade and Clover. those groups are built by the former Emperor para magkaroon ng masayang samahan ang lahat, they divide the students by their ability and personality so that no one would feel that they are left out or out of place. Diamonds are for those confident people, those who are proud of who they are, madalas na mga artist yung mga estudyanteng parte nito like models, actors, painters and many more. Hearts are for those kind-hearted ofcourse because this Org. was specialized to do good deed like general cleaning, environmental friendly event and a lot more. Spades are for the Geeks, well not really geeks though but it's for those student who loves things that doesn't exert to much energy and effort like reading, watching etc. while on the other hand Clover is the opposite of Spades, all the members of Clover are those students who loves sports" mahabang pagkukwento ni Veronica na kababakasan ng labis na lungkot
"But when the New Emperor arrived, nagbago ang lahat. Ang Grupong itinayo upang magkaroon ng masayang alaalang babaunin sa pag-alis ng paaralan ay naging dahilan pa ng malaking hidwaan." dugtong pa nito
"B-bakit? a-anong nangyari?" hindi makapaniwala kong tanong malungkot namang ngumiti sakin si Carmen at siya na mismo ang sumagot ng tanong ko
"He started a War. He created Ranks to divide us, he made us respect and bow down to those in the ranks at ang nasa ibaba ay plano niyang lalong hatakin pababa. that's how selfish he is, that's the kind of monster he is" may hinanakit na turan Carmen
"Bakit niya iyon ginagawa?" tanong ko at parehas lang silang umiling na para bang wala silang ideya sa kung ano ang nasa isip ng Haring iyon
"Walang nakakaalam, basta't simula nung dumating siya, nagkaroon na ng lamat ang bawat grupo. We are all fighting for the highest rank, gusto naming lahat na nasa itaas ang organization namin upang hindi kami masali sa pagpipilian ng Joker dahil kapag ang Org. na sinalihan mo ay bumaba ang rank ng dahil sa pagkatalo sa Annual Competition, sa inyo pipili ng bagong magiging joker, nang bagong magiging laruan ng lahat" saad muli ni Carmen, napatakip naman ako sa bibig ko dahil sa hindi ako makapaniwalang kaya iyong gawin ng hari
He's abusing his power!
ininom ko yung frappe ko at napatulala nalang habang kunot na kunot ang noo
Is he really a monster? why is he so heartless?
said by an assassin.
hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait.
I maybe heartless upon killing people na pinapapatay sakin but I have no plan on making someone's life miserable without any reasons.
bawat pagpatay ko ay may kalakip iyong rason na hindi alam ng kahit sino.
"Kung ganoon lang pala ang dahilan pwes sinasabi ko sainyo wala akong pakialam. kapag kasama niyo ako ayokong marinig na nagbabangayan kayo at nagsasakitan. Gusto kong magbati na kayo at kalimutan yung pagtatalo! make that Annual Competition a friendly game, kung may matatalo then so what? atleast you fought hard at ipangako niyong sa susunod na annual competition ay kayo naman ang mananalo, make that experience taught you how to be stronger than before" napatulala naman sila ng dahil sa sinabi ko kaya't hinawakan ko ang kamay nilang dalawa at seryosong tinitigan
"I am your friend and it hurts me seeing my friends like this" malungkot kong saad
sabay na napayuko silang dalawa. mas binigyan pansin nila ang binili kong frappe sakanila at hindi na nagabala pang magsalita kaya't napabuntong hininga nalang ako
ano kayang dapat kong gawin para matanggal ang lamat sa pagitan nila?