Yui's P.O.V
Kaya pala medyo aloof si Carmen at Sian sa isa't isa. never ko silang narinig na nag-usap kahit na lagi kaming magkakasama na tatlo depende nalang kung may itatanong about something pero madalas ako lang ang kinakausap nila na parang hindi nag-eexist ang bawat isa. tapos ang Veronica at Carmen na iyon laging nag-aaway na akala mo mga batang nag-aagawan ng candy.
Ngayon naiintindihan ko na ang punot dulo ng lahat
No, let me rephrase that...
Ngayon kilala ko na kung sino ang punot dulo nitong lahat,
It's the Emperor that everyone hails in this university
tama nga si Carmen, he created chaos inside the Royal University.
He started a war the moment he stepped inside this school
Wala sa sariling naglalakad ako sa Field
I just decided to ditch my classes for the whole day, wala ako sa mood pumasok at ipilit ang sariling makinig sa mga boring lectures samantalang nasa ibang dimensyon naman ang utak ko.
Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko ang problemang kinakaharap.
I am Death Scheduler, I am an assassin who easily creates a plan to kill people and yet here I am having a hard time planning on what to do to stop the clash between the four organization.
Kaya't hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin ako ng plano on how can I make those two (Carmen and Veronica) well not just those two but rather the 4 organization's Queens and Kings make up with each other.
I might create a huge change at maaalala ng lahat ng estudyante ng Royal University ang pangalan ko kapag nagawa ko iyon, and kung suswertehin at isipin ng hari na kinakalaban ko siya, he might show himself to me at mananalo ako sa pustahan namin ni Damie. I decided to call him Damie from now on, masyadong panglalaki ang Damian at hindi bagay saking bigkasin iyon
tsaka walang pakialamanan! kanya-kanyang trip yan sa buhay.
napahinto ako sa paglalakad ng maramdaman kong may mabilis na bagay na papunta sa direksyon ko
based on it's velocity and speed, hindi maipagkakailang maliit lang ang bagay na iyon, it doesn't appear to me na binato ito, more like hinampas ito kaya ganun nalang kabilis ang paggalaw nito papunta sa direksyon ko, while the pressure by that thing proves that umiikot-ikot pa ito palapit sakin so hindi ko masasabing may corners ito so most probably it's round, so it's a ball? baseball or tennis ball I guess?
hindi na ako nag-abalang iwasan pa ito, uminat-inat pa ako para mag-mukhang wala talaga akong ideya sa bolang papatama saakin
nang malapit na iyon saakin ay pinikit ko nalang ng mariin ang mga mata ko ngunit agad akong napalingon nang may malakas na sumigaw
"MISS! TABI!" and before I knew it tumama na ang bola ng baseball sa noo ko
f*cking sh*t! kung sino man ang pumalo ng bolang ito malamang galit sa mundo
t*ngin* ang sakit!
pero kahit gaano kasakit ay hindi ko parin mapigilang mapangisi
tama yung unang hula ko, it's a baseball
"Miss okey ka lang?" tanong ng isang baritonong boses ngunit hindi ko na inabala pang iangat ang tingin ko dito at napasapo nalang sa natamaang noo
F*ck! gigilitan ko talaga sa leeg ang hinayupak na may kasalanan nito!
"Miss?" pagtawag nito sa atensyon ko ngunit wala ang pansin ko sakanya at pilit na pinapakiramdaman ko ang sarili
nanlalabo na ang paningin ko at nabibingi narin ako, kumikirot pa ang napuruhan kong noo
bigla akong umangat sa ere na siyang kinagulat ko ngunit bago pa man ako makapalag ay agad na akong pinanawan ng ulirat
~~~~~~~~~~~~~~~~
Nang magmulat ako nang mata ay agad na sumalubong saakin ang puting kisame, mabilis akong umupo at inalala kung ano ba ang nangyari
nang maramdaman kong sumakit ang ulo ko ay saka ko lang naalala ang lahat
Oo nga pala, hinayaan ko nga palang matamaan ng baseball ang ulo ko
nang humupa ang kirot na naramdaman ko sa noo ay nilibot ko ang paningin sa paligid, kung nasaan ako ngayon
it will be too cliché kung magpapanggap akong hindi ko alam kung nasaan ako ngayon like 'where am I?' or 'anong ginagawa ko dito?'. obviously? saan ba dinadala ang mga estudyanteng napupuruhan sa loob ng eskwelahan?
Wala akong ibang makita sa lugar kundi ang table ng school nurse pero wala naman yung nurse, mga glass cabinet sa paligid na obvious naman kung ano ang nasa loob, may mga kama rin sa kaliwa ko that was probably divided by those curtains hanged using curtain rods ngunit bahagya itong nakahawi kaya nakikita ko ang mga puting kama
bigla kong narinig ang pinto na bumukas kaya't agad na nabaling doon ang tingin ko
"OMG! Kyaaaah! thank goodness you're awake! kung hindi ka pa talaga nagising ay baka sinaksak ko na sa bunganga ni Christian yung baseball bat niya!" a girl with a black bob cut hair hyterically said
she looks familiar, I think I've seen her somewhere
mabilis siyang lumapit sakin at umupo sa may maliit na space sa hinihigaan ko
"Are you okey? may masakit pa ba sayo? sira-ulo kasi ang Christian na iyon eh, sinabi ko nang wag masyadong malakas dahil baka makatama siya hindi nakikinig, tapos ngayong nangyari na yung kinatatakutan ko, iniwan ka ba naman at sakin pinabantay dahil may laro daw siya, wala talagang konsensya sa katawan ang lalaking iyon!" she's so transparent, irritation is visible in her beautiful face kaya hindi ko mapigilang matawa
"Why are you laughing? OMG! Naapektuhan ba ang utak mo dahil sa lakas ng impact ng pagkakatama ng bola sa ulo mo?" napailing nalang ako dahil sa lawak ng imagination niya
That was just a simple hit on the head, madalas nga ay hinahampas pa ako ng malakas sa batok ng kung ano-anong bagay para mawalan ako ng malay, I even experienced na tuhurin sa mukha, buhay pa naman ako hanggang ngayon so nothing's new, sanay na ako sa sakit sa katawan
"Don't over react, Miss who-ever-you-are, I'm fine...still alive and kicking" malumanay kong saad at bahagya pang tumawa
"Oh! Where are my manners?" bulong nito bago magsalitang muli "I'm Hera Bautista, you are?" pagpapakilala nito at nilahad pa ang kanang kamay
"Empress" tipid kong saad saka tinanggap ang kamay niya
"Anyways I'm really sorry about what happen....." tinaas ko ang kanang kamay ko at tinapat iyon sa mukha niya para maputol siya sa pagsasalita, medyo naiirita na kasi ako
bukod sa ang ingay niya, ang O.A. niya pa
at hindi ko ikakailang hanggang ngayon masakit parin yung noo kong napuruhan ng hinayupak na bolang iyon, tapos ito siya nagdadadaldal, dinadagdagan lang niya ang sakit ng ulo ko. tahiin ko bibig nito eh tapos isasabay ko na rin yung tinatawag niyang Christian na may kasalanan ng lahat kung bakit masakit ulo ko, tatapyasin ko ulo niya para mafeel niya yung sakit ng ulo ko ngayon
pasalamat sila Currently living a Normal and Ordinary life ako ngayon!
Normal and Ordinary pa bang matatawag ang pagkalaban sa Hari ng Highest Council?
Well atleast hindi ako pumapatay ngayon ng tao which is a good news para sa lahat ng living creature on earth!
Napabuntong hininga muna ako bago binalingan si Hera, nakakapagod din patahimikin ang isang ito
"Look....I told you I'm fine, but if you insist on making it up to me, an apology from the person behind all of this is fine with me" I smiled weakly
sana naman tumalab na ang drama ko sakanya para lumabas na siya at makapagpahinga na ako ulit
bigla namang nanlaki ang mata niya sa sinabi ko
"Bakit hindi ko naisip iyon?! Sige Empress maiwan muna kita, babalik din ako dala-dala ang abnormal na iyon" she excitedly run, muntik pa nga siyang madapa dahil sa pagmamadali kaya napailing nalang ako
I massaged my temple before slowly leaning my back on the bed
madadagdagan nanaman ang maiingay sa buhay ko.