Yui's P.O.V
Tama nga siguro si Daddy, likas na matigas ang ulo ko. I often do the things na pinagbabawalan akong gawin
like today, I found myself walking up the stairs ng tower na siyang mahigpit na pinagbilin ni Carmen na wag kong pasukin
I'm hopeless.
but what can I do? I'm a thrill seeker, too adventurous para sumunod sa boring things such as do this and do that, I'm not that good with following orders
how did I end up here? it's because I got bored, mabilis kasing natapos yung pagtour saakin ni Carmen dahil may meeting daw yung Org. nila, wala naman akong ibang magawa so naisipan ko nalang na magtrespass sa Tower na ito
nang tuluyan kong maakyat ang dulo ay inilawan ko gamit ang flashlight ng phone ko ang paligid, hindi pinto ang sumalubong saakin at tanging ceiling lang ang mayroon dito, ngunit napakunot ang noo ko ng makita kong tuloy-tuloy parin ang hagdan at nakadikit iyon sa ceiling, kaya't nilapitan ko ang dulo niyon at kinatok-katok trying to find some hidden passage, yung ibang parteng kinatok ko ay naglikha lang ng karaniwang tunog na maririnig kapag kinatok mo ang semento, ngunit ng katukin ko ang isang parte doon sa bandang ulunan ko ay saka ko napansin ang pagkakaiba nun, gawa iyon sa kahoy. wala pang ilang segundo ay mabilis na tinulak ko iyon and luckily hindi naman ako nahirapan
tuluyan ko nang nakita ang liwanag, agad na inakyat ko na ito at napatingin sa paligid.
Wow!
ang ganda dito, kita ko ang buong eskwelahan mula sa kinatatayuan ko
Paano kaya nagawang ipagdamot ng hari na iyon ang ganito kagandang tanawin?
tuluyan akong lumapit sa railings at halos mapanganga ako sa ganda ng tanawin
nagpasya akong ilabas ang phone ko at napangiti habang pinipicture-an ko ang paligid
"What are you doing?" tanong sakin ng kung sino, nakangiti lang ako at nakatuon parin ang atensyon sa pagkuha ng litrato
"Taking pictures, I never thought na may ganito sa eskwelahang ito" I unconciously answered not minding na hindi lang ako nag-iisa sa tower na ito
"You should also take a picture at the back of this tower, it's a place full of flowers" sabi pa nito, maglalakad na sana ako at susundin ang sinabi niya
ngunit doon ako tuluyang natauhan
H-hindi ako nag-iisa?!?
nanlalaki ang matang nilingon ko yung lalaking kanina pa ako kinakausap ng hindi ko namamalayan, napaatras pa ako ng ilang hakbang palayo dito
He was just boredly looking at the scenery habang nakatukod ang siko nito sa railings at nakangalumbaba
"K-kanina ka pa dyan?" gulat kong tanong kaya't nilingon ako nito at binigyan ng malamig na titig
brrrr! so cold!
"I was here all the time since you came barging in, I was just sitting right there" sabi pa nito at tinuro ang isang bahagi ng rooftop na ito na may malaking payong at sinisilungan ang isang one seater sofa at coffee table na may nakapatong na tatlong piraso ng libro
hindi ko iyon napansin doon kanina!
"Ah...eh....Anong ginagawa mo dito?" bumalik ang confidence ko ng maalala kong pag-aari ito ng hari
"Reading?" he said unsure if it should be the answer to my question
sinandal nito ang likod sa may railings before he crossed his arms at lalo pa akong pinakatitigan
"Well, para sa kaalaman mo. P-pag-aari ito ng hari! yung sa highest council, bawal ang pumunta dito" I said trying my best to sound as if I know everything
nakita ko siyang napatango-tango at hindi nakatakas sa aking paningin nang sumilay sa kanyang mga labi ang isang pilyong ngiti
"how about you? why are you here? close kayo?" doon ako tuluyang napalunok, anong isasagot ko?!
I'm not good at lying!
"Y-yes, friends kami kaya pwede ako dito" sabi ko saka tumingin sa ibang direksyon upang hindi niya mabasa ang pagkatarantang nararamdaman ko
F*cksh*t ano nang gagawin ko?!
ito na yata yung oras para tumakas ako.
while my escape plan was already processing in my mind ay naramdaman kong nagsimula siyang maglakad kaya't napalingon ako sakanya
pumunta ito sa sinabi niyang pwesto niya kanina pa at umupo sa one seater sofa saka kinuha yung librong unang niyang nadampot, binuklat niya iyon at sinimulan nang magbasa
"If you are planning to leave, you can go, I won't stop you" sabi nito without bothering to look at my direction
napanguso nalang ako dahil sa ginawa niya, sungit naman neto!
tuluyan ko nang kinalimutan ang escape plan ko at pinagpasyahang makipagchikahan sakanya tutal excused naman daw ako buong araw hihihihi, dumiretso ako sa harap niya at hindi man lang ako pinukulan ng tingin nito, nilapag ko sa sahig ang natitirang libro sa coffee table bago nag-indian sit dito, wala akong balak dumihan yung palda ko at umupo sa sahig na walang sapin noh?!
napangiti ako ng mag-angat siya ng tingin sakin at taasan ako nito ng kilay
"What are you still doing here?" malamig nitong tanong saakin
"Cold mo naman! gusto kitang kausap eh masama ba?" mataray kong saad then I crossed my arms
I saw him smirked at umiling-iling bago muling ibaling ang tingin sa libro
"You have no idea" sabi lang nito na pinagsawalang bahala ko nalang
"Anyways the truth is I lied, actually hindi talaga kami close nung tinatawag nilang hari, hindi ko pa nga nakikita iyon eh. ikaw nakita mo na ba siya? sabi ni Carmen sa Hari daw itong tower na ito, bakit kaya wala siya dito?" curious kong saad and I just saw him shrugged na para bang walang pakielam
"Wala ka bang ibang nakikitang taong umaakyat dito?" tanong kong muli, umiling lang naman ito kaya't napabuntong hininga nalang ako
"Why? you want to meet the Emperor?" tanong nito na nagpangisi sakin ng maalala ko ang nasa isip ko
gusto ko lang naman malaman kung anong mangyayari kung magtagpo ang landas namin ng Highest Council
"Yup" masigla kong sagot sakanya na nagpakunot sa noo nito at muli akong balingan ng tingin
"Why?" nagtataka nitong saad, napangalumbaba naman ako at pinatong ko ang siko sa kanang hita bilang suporta
"Well to be honest I have no particular reason. I just find him interesting. I heard a lot of things about him that's why I want to see it with my own eyes, I don't want to judge people by other people's perception you know?" I just boredly said and rolled my eyes
"Look for him then, I dare you" sabi niya sakin as if hinahamon ako, nagkislapan naman ang mga mata ko
It's a challenge!
number one fact about me, wala akong hamong inuurungan!
"Anong price ko kapag nahanap ko siya?" excited kong turan, tinaasan naman niya ako ng kilay saka nginisian
"tell me what you want" saad nito kaya't napaisip naman ako
hmmm? ano bang gusto ko?
bigla naman akong napapalakpak nang may pumasok na bright idea sa utak ko
"Alam ko na! I want that!" sabi ko at tinuro ang sofa na kinauupuan niya
kumunot naman ang noo nito at labis na nagtaka
"Matigas kasi itong coffee table, masakit sa pwetan kaya gusto ko yang Sofa na inuupuan mo" at first ay hindi na process sa utak niya kung ano yung pinupunto ko ngunit ng tuluyan niyang magets iyon ay tumawa siya ng napakalakas.
may nakakatawa ba sa sinabi ko?
Nang mahimasmasan ito ay saka lamang ito muling nagsalita.
"Fine, I'll give it to you if you find the Emperor" he said habang iiling-iling parin at hindi makapaniwala sa nirequest kong price
"If and only if, but if you don't....you have to pay the price" nakangisi niya pang dugtong na nagpakunot ng noo ko
"Pay the price? magkano?" nagtataka kong tanong sakanya na hindi naman niya inabalang sagutin at muli nalang nagbasa
napangiti nalang ako ng malawak
I'm gonna win anyway so why bother knowing?
buti nalang pumunta ako dito.
I'll finally have my favorite spot in this university once I find that Emperor.
pero saan ko kaya sisimulan ang paghahanap sakanya?