Yui's P.O.V
Napalingon-lingon ako sa paligid, pilit na hinahanap si Carmen
sh*t, I'm lost!
kanina kasi matapos naming kumain at matapos niyang ipaliwanag sakin lahat ng patakaran ng eskwelahang ito, she decided to tour me around, Excused na daw ako sa class ko ngayong araw para makabisado ko daw muna yung pasikot-sikot ng paaralan but then I got distracted nung makakita ako ng puppy, hinabol ko iyon and when I reached it ay agad na binuhat ko ito
then when I roam my eyes around, wala na si Carmen at hindi ko na alam kung saang lupalop na ako ng Royal University dinala ng mga paa ko
napakamot nalang ako sa batok ko at tinignan ang asong hawak ko
it has a color of brown na may parang white spot sa uluhan niya, mabalbon din ito at napakataba
pinanggigilan ko ito at binalewala nalang ang pagkaligaw
"What your name little baby?" tanong ko dito, napanguso nalang ako ng wala akong makitang dog tag sakanya
paano ko malalaman yung pangalan niya at kung sino ang nagmamay-ari sakanya
"Chawee?" rinig kong sabi ng kung sino na siyang dahilan kaya't pilit na kumakawala sakin yung tuta, dahan dahan ko itong nilapag at nagtatakbo naman ito papunta dun sa tumawag sakanya
pag-angat ko ng tingin ay sinalubong ako ng dalawang pares ng mga mata na parang kinikilatis ako
Sino naman kaya ito?
Well I don't care anyways, kailangan ko pang hanapin si Carmen
walang paapaalam na naglakad na ako paalis kahit wala akong ideya kung saan ako makakapunta sa direksyong tatahakin ko, baka lalo akong maligaw
tanungin ko kaya dun sa lalaki kanina yung daan papunta sa cafeteria? baka andun si Carmen at hinihintay ako since sa labas ng cafeteria kami nagkahiwalay ni Carmen
wala naman sigurong mawawala kung magtatanong ako diba?
napagdesisyunan kong bumalik and luckily nandun parin yung lalaki kanina habang buhat nito ang alagang aso
pumunta ako sa harapan niya na siyang kinagulat nito
"Saan yung daan papuntang cafeteria?" I asked then smiled at him
I'm trying to act friendly para sagutin niya yung tanong ko
nakita ko namang kumunot ang kanyang noo ngunit kalaunan din ay ngumiti
"Follow me" sabi nito at nagsimula nang maglakad kaya't sinundan ko naman siya
"Bago ka lang ba dito?" he asked curiously na siyang ikinatango ko
"Yeah, hindi ko pa alam yung mga pasikot-sikot kaya madali akong naligaw nung hinabol ko yung aso mo" I heard him chuckled kaya't sinamaan ko siya ng tingin, napansin naman niyang hindi ko nagustuhan ang ginawa niya so he faked a cough bago muling magsalita
"His name is Chawee, it's surprising na hinayaan ka niyang buhatin mo siya. mailap kasi ito sa mga taong hindi niya kilala" nakangiti niyang saad
"Well mailap talaga siya nung una dahil tinakbuhan niya ako but I manage to earn his trust and I guess narealize niya siguro na wala akong masamang gagawin sakanya" I said at napangiti nalang rin habang inaalala kung gaano kalayo ang tinakbo ko mahabol lang si Chawee
"now that I think of it, kanina pa tayo nag-uusap but we still don't know each others name" sabi nito habang tatawa-tawang napailing, saglit siyang huminto sa paglalakad at hinarap ako saka nilahad ang kanan niyang kamay
"My name is Sian Geronimo" sabi nito, tinanggap ko naman iyon and introduce myself as well
"Empress Yui Lee" nginitian niya akong muli bago simulan ulit maglakad
"Empress it is?" tanong nito at tumango naman ako
"Yeah! just call me Empress" sabi ko. I kinda like that name, I feel like I'm somewhat belong in a Monarchy
Nang makarating kami malapit sa Cafeteria ay agad na nakita ko si Carmen kaya't tinawag ko ito, lumapit naman siya habang nanlalaki ang mga mata
she bowed down infront of the guy beside me which made me raised my right eyebrow, gayon din naman ang lalaking kasama ko at yumuko din na para bang nagbibigay respeto kay Carmen
"Mauna na ako Empress, it's nice meeting you" nakangiti nitong saad na siyang tinanguan ko lang bago siya umalis
nang tuluyan na siyang nakaalis ay napabaling ang atensyon ko kay Carmen na mukhang naestatwa sa kinatatayuan
"Carmen?" I said calling her at winagayway ko pa ang kamay sa harap niya, dun naman siya tuluyang nabalik sa reyalidad at hinawakan ako sa magkabilang braso at inalog-alog ako
"My gosh Empress! how did you met him?!" hindi makapaniwalang tanong ni Carmen, naiinis na winaksi ko yung mga kamay niyang nakahawak sa braso ko na inaalog ako, hindi parin kasi siya tumitigil
sh*t lang ha? nakakahilo kaya!
"Doon lang, napulot ko yung aso niya" sabi ko at lumingon sa dinaanan namin kanina pero napakamot nalang ako sa batok nang marealize ko na nakalimutan ko kung saan kami dumaan kanina para makarating dito
I am useless in directions
"Hindi mo ba siya kilala!?!" hysterikal niyang saad kaya't napakunot na ang noo ko, napaka-OA niya ah!
"He is Sian Geronimo!" sigaw niyang muli at hindi makapaniwalang tumingin sakin
"I know! nagpakilala siya sakin kanina!" mataray kong saad
"Then I guess you already know na siya ang mailap na hari ng Spades Org." she said sarcastically and my mouth turns into an O
mailap pala siya? hindi halata, ngiti nga ng ngiti eh tapos ang daldal pa
"Well forget it, itour mo nalang ako para hindi na ako maligaw ulit at hindi na ako makaencounter ng mga dugong bughaw nang hindi ka na maghysterikal dyan" turan ko at inunahan na siyang maglakad, I guess I'll act as if I don't care, ako nalang mismo ang mangangalap ng information about sa mga may rank sa eskwelahang ito para hindi niya isiping interesado ako sakanila.
nagsimula na ang paglilibot naming dalawa sa buong Royal University at nananakit na ang paa ko, hindi ko akalaing sobrang lawak pala talaga dito
while looking around something caught my attention kaya't naglakad ako papunta doon, I heard Carmen called my name pero hindi ako nakinig at patuloy na tinahak ang daan patungo doon.
napunta kami sa isang abandonadong building, actually it's not a building but rather a tower, malaking tower na may naglalakihang mga bintana, human sized to be exact, kung tatayo ako dito para sukatin I'm pretty sure na hindi ako mababagok, wala rin itong railings and any safety measures or something like supporting post at para lang itong malaking parisukat na butas, kaya madaling makakatalon ang kung sino mang may balak magpakamatay dito, walang balakid, feeling ko nga kapag nadulas ka sa pagakyat ng hagdan at natiming-an na nasa tabi mo yung bintana, bagsak ka agad sa lupa ng walang kahirap-hirap and if I guess it right the stairs na nakikita ko sa loob ng pintuan at mga bintana leads to the rooftop of this tower
papasok na sana ako ngunit mabilis akong pinigilan ni Carmen
"Don't Empress, Never enter that tower" seryoso niyang saad na nagpakunot ng noo ko
"Why?" I seriously asked ngunit imbes na sagutin ay tinalikuran niya lang ako at sinimulan ulit ang paglalakad
"Teka sagutin mo muna yung tanong ko, bakit bawal pumasok doon?" tanong kong muli kaya't tuluyan na siyang tumigil sa paglalakad at hinarap ako
"Because that's the Emperor's property" she said na pabulong ngunit may diin ang bawat salitang lumabas sa bibig niya
"And so? sabi ko sayo diba? I want to meet them" I said excitedly ngunit hinawakan niya lang ako sa magkabilang braso at seryosong pinakatitigan
"hindi mo gugustuhing makabangga or makilala siya kailanman, he brought war into this school since he entered this University and showed himself kaya't wag mo nang tangkain pang kilalanin siya" seryoso niyang saad at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay kinilabutan ako sa sinabi niya
"Basta kahit na anong mangyari, wag na wag kang papasok dyan. he hates it when someone tries to step foot into his property" sabi niya atsaka bumuntong hininga
"Halika na, marami pa tayong lugar na hindi napupuntahan" sabi nalang niya at naglakad na ulit
muli kong nilingon yung tower sa huling pagkakataon bago ko sinundan si Carmen