Yui's P.O.V
"Welcome to Royal University where your rank is everything" Carmen said sarcastically
"what do you mean?" tanong ko naman
Andito kami ngayon sa Cafeteria, dito niya ako dinala sa kadahilanang hindi daw magandang ipaliwanag ang nais kong malaman ng nakatayo sa hallway at breaktime na daw so better eat while explaining para may lakas daw siya sa pagkukwento
"Well sa University kasing ito, napakahalaga ng rank mo, if you are at the bottom pit ayun ang kahihinatnan mo" sabi nito at tinuro ang isang grupo ng kababaihan habang pinapalibutan ang isang lalaking may makakapal na salamin, baggy pants, polo at bowtie, medyo napataas ang kilay ko nang makita kong binuhusan ng orange juice nung isang girl yung ulo nung lalaki
binalik ko nalang ang tingin ko kay Carmen, hindi ko hilig ang mangialam sa business ng ibang tao, cause I really don't care, kahit pa pagsusuntokin or saksakin nila yung nerd na yan
I'm an Assassin, hindi ko trabaho ang magligtas ng mga taong hindi marunong lumaban, I kill people, I am no hero
"Wala ka bang balak tulungan siya? like those heroic people sa mga libro na nababasa ko na kapag may nakikitang mali ay gagawa ng paraan para itama, you know what I mean" sabi nito na nakapagpataas lalo sa kanang kilay ko
"Do I have to?" she was taken aback on what I've said
may sinabi ba akong mali?
I really don't see any reason para tulungan ang nerd na iyon, first of all wala akong mahihita sakanya, second wala akong mapapala kung ililigtas ko siya at thirdly matuto dapat siyang lumaban hindi yung nag-aabang lang siya ng tutulong sakanya
"Now I'm doubting kung Nerd ka ba talaga" sabi nito at seryosong tumingin sakin
Ooohhh so napansin niya rin sa wakas na hindi ako isang nerd, I can't help but to roll my eyes
nangalumbaba naman ako at tinitigan siya sa kanyang mga mata
"Did I say that I'm a nerd?" tanong ko sakanya, tama naman diba?
I never told her na nerd ako
now that I think of it nakakapagod din magpretend na Nerd ah, wala pang 24 hours simula nung magpanggap ako pero here I am making Carmen doubt about this disguise of mine, may nakapansin na agad na hindi ako isang nerd, mas mahirap pa pala ito kaysa sa mga pagpapanggap na ginawa ko dati
I tried being a maid, janitress, business woman, lady in a higher class at marami pang iba, and being a nerd is harder than I thought
"No?" sagot naman nito
I smirked because of that, I just got things under control, ang dali lang paikutin ng lahat sa mga kamay ko
"See? I never told anyone that I'm a nerd, kayo ang nagconclude niyan so kasalanan niyo na yun" I said portraying my point na nagpatango-tango sakanya
she's too gullible and naive
"Sabagay ang baduy mo kasi manamit. Because of your nerdy get-up medyo najudge kita dun ah hahahahaha" tatawa-tawa naman nitong saad
"Not because I'm a bit weird and walang sense of fashion, Nerd na ako. Hindi lang talaga ako sanay sa maiiksing skirt at fitted shirts (Liar!) but still I'm not that awkward with people you know? kaya I don't really classify myself as a Nerd" sabi ko dito at pinagpatuloy nalang ang pagkain
"Anyways about the rank that you are talking about just awhile ago? can you explain it to me further? Tell me kung ano ba talaga ang meron sa University na ito" bahagya mang kumunot ang kanyang noo ay pinagbigyan parin naman niya ako
"I never thought na mag-aaral ka dito nang wala kang kaalam-alam sa pamamalakad sa eskwelahang ito." saad niya at nagkibit balikat nalang ako
wala naman kasi talaga akong pake nung una, ang importante lang naman sakin ay maexperience kong mag-aral, wala akong panahong magresearch kung ang plano ko lang naman ay mag-aral at mag-lie low sa trabaho ko, but then I never thought that this school will be this interesting
"Ang Eskwelahang ito ay nahahati sa apat na grupo, The Spades, Clover, Diamonds and Hearts" napataas naman ang kilay ko, ano to? deck of cards lang ang peg? napangisi ako sa naisip, it sounds interesting
"bawat grupo ay pinamumunuan ng tinatawag nilang Queen at King" sabi niya at bahagyang huminto upang tignan ang reaksyon ko
sinenyasan ko naman siyang magpatuloy and I saw her rolled her eyes
"Kapag mataas ang rank mo or you became either the Queen or King, gagalangin ka ng lahat ng estudyante maski ng mga professors at staff ng eskwelahan, ganun kaimportante ang rank dito, but if you became the Joker, ikaw ang magiging laruan ng lahat, Joker is the lowest rank, you will be the entertainer of all, mas gugustuhin mo nalang na hindi mapabilang sa mga rank at mabuhay ng normal kesa maging isang joker, because you will live your whole life wishing you never existed if that ever happens" pananakot nito but I never even felt a slightest bit of fear, I felt thrilled, buti pala at dito ako inenroll ni Daddy, this will be interesting
"Ikaw? anong rank mo and in what group do you belong?" walang pag-aalinlangan kong tanong, napakunot man ang noo niya ay binigyan parin niya ako ng nagmamalaking ngiti bago magsalita
"I'm the Queen of Hearts, how'd you know na may rank ako?" nakangiti ngunit nagtataka nitong saad
how? first of pagdating namin dito sa Cafeteria hindi siya pumila doon sa line sa counter, dirediretso lang siya at bumili as if walang taong nauna sakanya doon, secondly walang bakanteng upuan dito tapos nagulat ako nung bigla siyang pumunta sa isang occupied space without even saying a word ay umalis agad ang mga estudyanteng nakaupo doon and lastly Intuition I guess, instinct lead me to that theory
"Instinct. let's just get back to the topic about the ranks" tipid kong sagot sakanya at iniba na ang topic, wala akong planong ipaliwanag sakanya lahat ng naobserved ko, nakakatamad
"Kung may ranking sa estudyante mayroon ding ranking sa apat na Grupo, sa Royal University may tinatawag na Annual Competition, dito ginaganap ang Ranking ng mga Organizations. it's the fight of Pride, Dignity and Glory. Naglalaban-laban ang mga Org. with their blood ang sweat para hindi mapunta sa huli ang rank nila because if that happens, paglalabanin ang grupo nila at kung sino ang matatalo ay iyon ang panibagong joker and no one wants that, as of now sa ranking ng apat na grupo Clover is on the lead, pumapangalawa ang Spade at nagpapalitan ang Diamonds at Heart sa panghuling pwesto" what a messed up University is this? lahat ng bagay dito ay nakabase sa mga rank, kapag wala kang rank balewala ka, kapag mayroon igagalang ka, kapag kasali ka sa org. na nasa pinakababa maaaring ibully ka. gosh!
"What's that Annual Competition?" hindi ko mapigilang itanong.
how can that stupid competition will either pull you up or pull you down? it's just so overrated, like kung mananalo ka you're the best, may rank ka at sasambahin ka ng lahat, if you lose, you're the worst at mas lalo ka pang idadown
"I can't tell you the exact details." kinakabahan niyang saad habang tumitingin-tingin pa sa paligid "The Highest Council warned everyone during the assembly when they hail the new Queens and Kings of the 4 Organization, they announced that starting that day there will be an annual competition and no one should tell anyone about the description of the said competition in and out of the school premises, cause there is corresponding punishment" napipilan ako ng dahil dito, looks like hindi ko siya mapipilit na sabihin sakin kung ano ang annual competition na tinutukoy niya
Wala akong mapapala sa mga estudyante ng University na ito kung itatanong ko sakanila ang tungkol sa Annual Competition gayong nawarning-an na pala sila, I better know it myself then.
"Then how about telling me about the 4 groups you mention" utos ko dito, medyo narealize ko nalang na medyo naging bossy yung dating ng pag-utos ko matapos kong sabihin iyon, buti hindi niya pinansin.
"well I can't say much about the other groups since hindi ako miyembro doon but as far as I know sa apat na grupong nabanggit ko ang Heart Organization ang nagtatanggol sa lahat, we help those people na pinapahirapan ng iba pang organisasyon, isa lang ang hindi namin kayang gawin, ang iligtas ang isang joker, dahil iyon ay nakasaad sa rules na gawa ng Highest Council, if any organizations happened to interfere anyone while bullying or playing with a joker, that organization will be disbanded" napakunot-noo ako
"So hindi lang pala apat ang grupo dito? you keep on mentioning about that Highest Council, sino sila?" naguguluhan kong tanong, sabi niya may kataas-taasan pa eh
"We don't classify them as a Group, because they are the rulers of this University, They are called the Highest Council, and they were consist of the Princess which you have met awhile ago, Prince, Empress and the most powerful among all, The King of all Kings, which is the Emperor walang sinuman ang kayang pumantay sakanya" mahabang saad ni Carmen, napangisi naman ako
"Cool, I want to meet the rest of them" excited kong tugon na bahagyang nagpagulat sakanya
"Never ever run into them, dahil kapag sila ang nakalaban mo, hinding hindi kita matutulungan, banggain mo na lahat but not them, delikado silang mga tao Empress, they are monsters, specially the King" nahihintakutan namang pahayag ni Carmen na nagpangisi lang lalo saakin
"Then mas lalo ko silang gustong mameet" I said grinning from ear to ear
A Grim reaper like me vs Monsters? ano kayang mangyayari?