"There was once a little girl who loves her family so much, a girl who once had a complete and happy family, masaya sila kahit hindi sila mayaman, being together was enough for them but one day, the little girl's father received a phone call, galing sa lawyer ng Ama ng daddy niya, ayon sa lawyer nito her grandfather is dying at sa daddy niya ipapamana ang lahat. and without any second thought, umalis siya, the little girl begged for him to stay but he didn't. yung kuya niya yung naging kasangga niya sa mga taong lumipas ng wala ang kanyang ama then after 3 years sumunod namang umalis ang kuya niya at sinundan ang kanilang ama. everyone left her all alone, yung mommy nalang niya yung kasama niya, nangako pa itong hindi siya iiwan, but then iniwan din siya nito bandang huli, her mother died from giving birth to her little sister." napabuntong hininga nalang ako at binaling ang tingin sa Dirty Ice cream na nasa cup na hawak hawak ko
"and there she promised herself to never ever care for anyone for she believes na iiwan lang rin siya ng mga ito sa huli kaya kung hindi niya bibigyang halaga ang mga ito ay paniguradong hindi na siya masasaktan pa" pagtatapos ko sa istoryang kinukwento ko ay saka ko binigyan ng matamlay na nginitian si Draven
"I love your smile, pero kung ganyan lang rin ang ngiti mo, I prefer na umiyak ka nalang" seryoso nitong saad at hinawakan ang kanang kamay ko, sa hindi ko malamang dahilan ay hindi man lang ako umangal sa pagkakahawak niya sakin, I was too focused on looking at his eyes, his deep serious looking eyes that is currently looking deep into my soul
"Para sakin, the little girl should never generalize people, you see hindi pareparehas ang mga tao, hindi lahat iiwan siya, sigurado akong may taong darating para sakanya na hinding hindi siya iiwan at hinding-hindi siya sasaktan" napakagat ako sa labi ko para pigilan ang mga luhang nais nanamang lumabas sa mga mata ko
"sana meron nga, because all her life that little girl have been praying for that someone, that someone that will save her from her own nightmare" sabi ko at nag-unahan nanaman ang mga luha ko sa pagbagsak
bakit ba napakahina ko? at bakit ba hinahayaan kong makita ako ni Draven na ganito? why am I letting this guy see the fragile side of me?
"Meron Andromeda but she need to take a risk first to know that, kailangan niyang tumaya dahil kung hindi ay hindi niya malalaman ang kahihinatnan nito. she will live her whole life regretting each opportunity that she didn't grab, she will live her whole life being afraid of the future and forgot how to live and enjoy the present. Take a risk Andromeda and it will be worth it at the end"
napatulala ako sa mga sinabi niya
Take a risk?
mabilis akong tumayo at agad na pinunasan ang mga luha ko
"I think I'm done here, just forget everything I said atsaka tigil-tigilan mo narin ang pangungulit mo sakin, hindi mo ako madadaan sa pacute mo!" sabi ko at halos mapasalamatan ko ang lahat ng santo ng makakita ako ng taxi kaya't agad na pinara ko iyon
ngunit bago pa man ako sumakay sa taxi nang huminto na iyon sa harapan ko ay nilingon ko muna si Draven saka ngumiti ng pagkatamis-tamis
"but thank you Draven, thank you for listening, thank you for everything" I said at pumasok na sa taxi at sinabi sa Driver kung saan ang bababaan ko
~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Andromeda my dear princess, thank goodness you're here, kanina pa kita hinihintay" nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Lola pagkaapak na pagkaapak ko palang sa loob ng mansion, mabilis na nilakad niya ang pagitan namin at niyakap ako ng napakahigpit at pinugpog ako ng halik
Oh no, she's here again, madadagdagan nanaman yung mangingialam sa buhay ko, this is bad.
She is Cynthia Verillo, My Grandmother sa father side, wala naman akong galit sakanya or what, I just hate people controlling my life and she's good at it
"Lola I'm happy to see you too, but I really need to go to sleep na, pagod na po ako at sobra na akong inaantok" sabi ko habang dahan-dahang inaalis ang pagkakayakap niya sakin
nakita ko naman ang panghihinayang na nakarehistro sa mukha nito
"Okey fine, but atleast eat the pasta that I prepared for you" sabi nito with her eyes full of hope na papayag ako
at dahil wala akong choice kung hindi ang pumayag, napabuntong hininga nalang ako saka tumango-tango sakanya
I just can't say no to her, I cannot disrespect her at sagut-sagutin siya, wala siyang kasalanan sakin, she's kind and sweet, saka matanda na siya
"I especially made this for you and Cassy, kaya lang ay nauna nang kumain ang kapatid mo kanina dahil ngayon ka lang umuwi, come on, eat it....tell me how it taste like" sabi nito matapos ilapag sa tapat ko ang inihain nitong pasta
kinain ko naman ito at hindi na nag-abalang sabihin sakanya yung opinions ko about her pasta, mabilis na naubos ko ito at uminom ng isang basong tubig saka tumayo
"It's good, pwede mo nang palitan yung chef dito lola" I said at nagdirediretso na sa kwarto ko, I heard her called my name but I didnt stopped walking
I just......don't trust her. I respect her but I just can't afford to get attached to someone again and get hurt badly once they leave me.
nang makarating ako sa kwarto ko ay agad na umupo ako sa kama ko
why am I like this? why can't I trust anymore?
binagsak ko ang sarili sa kama, parang sirang plaka naman na nagpaulit-ulit sa utak ko ang huling mga salitang binitiwan ni Draven
"...take a risk Andromeda and it will be worth it at the end"
"...take a risk Andromeda and it will be worth it at the end"
"...take a risk Andromeda and it will be worth it at the end"
"...take a risk Andromeda and it will be worth it at the end"
Take a risk? but how?
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bored na bored na pinagmamasdan ko lang sila Rodolfo at Chelsea habang nagbabangayan
hindi ba sila napapagod mag-away?
Three days have passed simula nung huli kaming magkita ni Draven, hindi na ito muling nagparamdam pa matapos iyon at hindi ko alam ang dahilan ng biglaan niyang paglaho ng parang bula
I should be happy dahil wala nang asungot sa buhay ko but Why am I disappointed? bakit namimiss ko siya?
"Froglet! mukha kang palaka!" sigaw ni Rodolfo kaya't nabalik sakanila ang atensyon ko, malakas na binatukan ni Chelsea si Rodolfo dahil sa sinabi nito
"Ouch My brain!" reklamo ni Rodolfo at sinamaan ng tingin si Chelsea
"Wag kang maarte, wala ka nun! tsaka makasabi ka kasi ng mukhang palaka eh mukha ka ngang butete!" sigaw ni Chelsea and the rest is history
I just rolled my eyes
para silang timang, sinasayang lang nila ang laway nila at effort sa pagsisigawan
"By the way Andromeda dear, I heard awhile ago that there's an upcoming Fieldtrip Next month? Camping and such sa isang Isolated island ang trip nila ngayong taon, join tayo?" tanong ni Rodolfo sakin
"Kayo nalang" walang gana kong sagot at nangalumbaba nalang na tumingin sa labas ng bintana
"Ayaw namin! gusto namin kasama ka! sumama ka na Andromedaaaaaaaaa!" pag-iinarte ni Chelsea at shinishake pa ang kanang braso ko
"Ayoko nga! wala akong hilig sa mga ganyan" saad ko at pilit na hinahatak ang braso ko upang maalis sa pagkakahawak ni Chelsea
"Hindi kami sasama kapag hindi ka sasama! kaya sumama ka na Andybabyyy!" sabi naman ni Rodolfo at nakisali sa pag-iinarte ni Chelsea, hinawakan narin nito ang kanang braso ko at nakipagtulungang ishake iyon
kaya ang resulta nahihilo na ako
"Tigilan niyo ko, ayoko nga sabi!" sabi ko ngunit hindi sila nagpaawat at patuloy parin sa ginagawa nila
"Dali naaaa"
"Andybabyyyy sumama na tayo!"
"Sama na us!"
"Gora na tayo, dali naaaa"
"Andromedaaaaaa"
"Fieldtrip tayooooo"
"Takte! Oo na! sasama na kung sasama!" inis kong pagsuko sa kakulitan nilang dalawa
"YEHEY! HIGH FIVE!" sigaw ni Chelsea at nakipag-apir pa kay Rodolfo
"I told you magaling is me to pilit-pilit people eh" ano daw sabi ni rodolfo?
I just rolled my eyes at mariing pinikit nalang ang mga mata ko
bakit ba hinahayaan ko ang dalawang ito na guluhin ang payapa kong buhay?