SImula kahapon ay hindi ko na nakita pa si Nikishi. Marahil ay nagtatampo iyon sa akin dahil sa mga binitawang salita ko sa kanya.
Kahit kagabi ay hindi ko na siya nakita pa nung nagdinner ako. Iniiwasan niya talaga na magkatagpo ang landas namin.
Ngayon ay naglalakad ako upang pumunta sa Laboratory. Iyon ang unang subject namin.
"Narinig mo na ba yung balita? May isang estudyante ang nadakip ng mga rebels"
"Oo, may mga nakapasok na rebels dito kagabi sa may Magian Forest. Specifically"
"I wonder kung paano sila nakapasok. Diba ang barrier ng Academy na ito ang pumoproktekta sa atin sa rebels kaya hindi basta basta."
"Nakakapagtaka na hanggang ngayon ay hindi pa iyon inaaksyunan"
"Maybe because hindi naman ganon kapowerful yung family nung estudyanteng nadukot or takot pumunta sa kuta ng mga rebelde. Diba delikado don"
"Sabagay, kung hindi naman importante sa family yung estudyante na iyon ay hahayaan nalang siguro nilang mamatay iyon kaysa mag take ng risk."
"Alam mo ba kung sinong estudyante yon?"
"I think it's from Leyr Clan. I just overheard it. Babae daw"
Tumigil ako sa paglalakad ng marinig iyon. Wala sana akong balak pakinggan sila pero nasa unahan ko sila at ang bagal nilang maglakad dahil sa malakas nilang pagkukwentuhan.
Agad akong tumakbo sa kabilang dereksyon. Madami ang napapatingin sa akin at nagtatagal iyon ng ilang segundo ngunit di ko na lamang iyon pinansin dahil nagmamadali ako at wala akong pake sa iniisip nila.
Nang makarating ako sa dorm ay mabilis akong pumasok at pumunta sa pinto ng kwarto ni Nikishi.
Kumatok ako ng ilang beses ngunit walang sumasagot kaya napagpasyahan ko na buksan ang pinto.
Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kaniyang kwarto. There's no sign of Nikishi. Ibig sabihin kahapon pa siyang wala at hindi pa siya bumabalik hanggang ngayon.
Naalala ko na kahapon ay dumeretso ako sa Magian Forest. Iyon ay ang part ng Academy na madaming puno. Duon ako pumunta kahapon at nagpahinga.
Agad akong napapikit sa aking naiisip. Baka sinundan ako ni Nikishi don at saktong pag alis ko ay baka doon siya dinukot ng mga rebelde.
Lumabas ako ng dorm namin at tumakbo ulit ako papunta sa main building.
Agad akong dumiretso sa SSG office. Kailangan kong makalabas ng paaralan na ito. I need to find Nikishi. Kung tama nga ang aking narinig kanina na wala pang umaaksyon ay ako na mismo ang aaksyon para sa una kong naging kaibigan.
Walang katok katok na pumasok ako sa SSG office kaya naman umangat ang paningin ng apat na taong nasa loob ng silid na ito sa akin.
Malaki ang SSG office at sa bawat sulok ay may table doon. I saw Fhana on my right and Reiko on my left Sila ang malapit sa pinto. Sa dulo naman ay si Kyrios at Georgina.
Kita ko sa gilid ng aking mata ang kanilang paninitig sa akin. Agad akong naglakad papunta sa Table ng aking pakay.
I saw Kyrios looking at me intently. Tila binabasa nito ang aking iniisip at mapapakunot noo na lamang kapag hindi siya nagtatagumpay.
"Give me a gate pass" I said with a serious tone.
We are all informed that we need a gate pass para makalabas sa Academy na ito. Alam ko rin sa sarili ko na hindi basta basta sila nagbibigay ng gate pass. I am just trying my luck at kapag hindi parin gumana ay dadaanin ko na ito sa dahas.
"For what reason" He said with a batitone voice ngunit hindi mawawala ang panlalamig doon.
I gulped. Think Haia. Think.
Napatitig naman ako sa kaniyang mata na tila nanghihipnotismo at bumaba iyon sa kaniyang matangos na ilong pababa sa kaniyang mapupulang labi.
Wala sa sariling binasa ko ang ibabang labi ko.
"Excuse me Miss"
Napalingon naman ako kay Georgina. I saw her eyes widened pero nakabawi din agad ito.
"You can't just ask for a gate pass without any valid reason" sabi nito ng hindi manlang ngumingiti. Pansin ko na sa kanilang lahat ay siya ang pinaka seryoso.
"I need a gate pass para makalabas" I said.
"Go back to your work Georgina. I can handle her"
Wala naman nagawa si Georgina at bumalik na sa kani-kanilang ginagawa.
"Just give me a gate pass, nasasayang ang oras ko sa inyo" Inilahad ko ang aking kamay.
"Again. For what reason?" He asked again. Tila nagtitimpi sa akin.
"I need to save my friend. Rebels abducted her yesterday and no one will gonna rescue her" I can't lie. s**t.
I saw his eyes darkened and his jaw clenched.
"Let the Academy handle that problem. Go back to your classroom" He said with a finality in his tone.
"Okay, can I ask a question?"
Nananatili ang kaniyang pagtitig sa akin. Simula kanina ay pansin ko na hindi pa niya inaalis ang tingin sa akin. Kahit nang magsalita si Georgina kanina ay sa akin pa rin siya nakatitig.
Hindi siya sumagot kaya naman nagsalita na ako.
"Alam mo ba kung san nagkukuta ang mga rebelde? I'm just curious" sabi ko habang umaarte na kuryuso lang talaga ako.
"I can't tell you" Sabi nito na para bang alam niya ang laman ng utak ko.
"Alright" saad ko at lumabas na ng SSG office.
Naglakad ako palabas ng mainbuilding. Kung hindi niya sasabihin, gagawa ako ng paraan para malaman iyon.
I can imagine Nikishi's face crying because of those awful rebels. Malamang ay matatakot sa hindi kaaya-ayang mga mukha ng rebelde. Sigurado din ako na karamihan sa mga estudyante na pumapasok dito ay hindi pa nakakakita ng rebelde.
I walked towards the huge gate. May nakita akong dalawang guard na tila nagbabantay sa malaking harang na iyon.
"Where do you think you're going?"
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang isang malamig na boses. I turned around to see the owner of that voice.
"Kyrios" I murmured.
Tila nakinig naman niya ang akin sinabi kaya natigilan siya ngunit nakabawi din agad. I gulped.
"I am just going to have a chat with the guards" pagpapalusot ko.
"Do you think you can fool me?" Malamig na turan nito gamit ang kaniyang malalim na boses. Umiling naman ako.
"Gusto mo sumama ka pa" I said then continued walking.
Nang makarating ako sa harap ng dalawang gwardiya ng gate ay agad naman silang yumuko upang magbigay galang.
"Hi po" I greeted.
Nagulat naman silang dalawa at napatingin sa akin at nanlalaking mga mata. Ilang segundo pa ay tila hindi pa rin sila natatauhan kaya naman kumaway ako sa harap nila.
"H-Hello"
Bati ng isa na tila kinakabahan pa.
"Alam niyo ba kung saan ang kuta ng rebelde?" Pagtatanong ko sa mga ito.
"Sa may Graveyard fo--"
"Let's go" ani ni Kyrios at hinawakan ang aking palapulsuhan bago ako hinigit pabalik sa main building.
I smirked.
"Let's go" I said
And In just a snapped we're now in Graveyard Forest. Kyrios grip tightened.
Halos mapangiwi ako dahil masyadong humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa akin.
"Let me go" sabi ko habang kumakawala sa kaniyang kamay.
"No" may diing wika nito.
Hindi ko na lang siya pinansin at napatingin nalang ako sa aking paligid. Puro nagtataasang puno ang aking nakikita. Hindi ito ordenaryong kagubatan dahil dati itong malawak na libingan. Napatingin ako sa lupa. Kapansin-pansin parin ang mga lapidang tila napabayaan na ng panahon.
Nawala ang atensyon ko sa paligid at napunta iyon sa kamay namin ni Kyrios. Naramdaman ko kasi kanina na unti-unting bumababa ang hawak niya hanggang sa magtagpo ang kamay namin. He interwind our hands.
"Don't let go. You don't have any idea how dangerous this forest is."
Duon ko napansin na makulimlim ang kalangitan sa lugar na ito. Hindi katulad sa academy na maaliwas. Tila may sariling panahon ang lugar na ito.
My eyes widened when I saw the tree started to move. Tila nakaramdam iyon na may kakaiba o kaya ay may trespassers sa paligid.
"s**t" I heard Kyrios cursed.
"What are we gonna do?" I asked him.
Tumingin lang siya sa akin bago nagsimulang tumakbo kaya nahatak ako.
"Let's get out from here. I can't just burn this whole forest"
Napatango naman ako. Hindi pwede na sunugin niya ang buong forest na ito dahil malalagot siya panigurado kay Headmaster at mabibigyan siya ng punishment. That's not a good idea.
I used my wind magic to slice those hungry-looking tree. Hindi ko alam kung paano sila nagkaroon ng paa at kamay. Patuloy lang kami sa pagtakbo at patuloy parin ang mga puno sa paghabol sa amin.
Wala silang mata pero alam nila kung nasaan kami. Malaking malaking bibig lang ang meron sila at naglalaway iyon na parang gutom na gutom.
"Fvck" I cursed.
Napatingin ako sa ugat na pumulupot sa aking paa. Napatigil sa pagtakbo si Kyrios dahil napahigpit ang hawak ko sa kamay niya. Nakita naman niya ang sitwasyon ko kaya mabilis siyang nagpakawala ng Fire balls.
My eyes widened for the nth time because of his fire. It is color blue. The hottest and the most dangerous fire.
Kumalat ang apoy na hinagis ni Kyrios sa ugat na pumulupot sa akin kaya naman nagpakawala ako ng hangin upang hindi ito pumunta sa aking paa pero nagkamali ako ng ginawa. Kinain lang ng apoy ni kyrios ang aking hangin. Tila nagsilbe pa itong fuel upang lalong lumaki ang apoy.
"Don't worry" Saad ni Kyrios at hindi ko napansin na may hawak siyang blue flame sword. Mabilis niyang hinati ang ugat kaya nawala na ang pumupulupot sa akin.
"This is not good" sabi ko habang nakatingin sa kulay asul na apoy na kumakalat at mas lalong lumalaki.
I snapped when I remembered why I am here.
"Let's find their base"
Sabi ko at ako na ang humigit sa kamay ni Kyrios. Nagpatianod naman siya.
Hinihingal na tumigil ako sa harap ng napakalaking mansion.
I stiffened.
Kita ko sa gilid ng aking mata ang paglingon ni Kyrios sa akin. Tila nagtaka sa aking naging reaksyon.
I felt the strong invisible barrier.
"Is this really the rebel's base?" wala sa sariling tanong ko.
"No, Those fvcking hunger-looking tree led us to wrong direction. They can manipulate directions that's why rebels decided to reside in Graveyard Forest" Kyrios said with his usual serious, deep and cold voice.
I gulped. Hindi ko alam kung ilang beses na akong lumunok pero tila hindi nawawala ang bara sa lalamunan ko. I don't know what to feel. I can't feel anything inside me but my body is trembling. Lalo na ang aking kamay.
"Are you okay?" Tanong ni Kyrios habang titig na titig sa akin samantalang ang mga mata ko ay nakatutok sa mansyon sa aking harap.
"Can you burn that mansion into ashes?" I asked Kyrios.
"Yes" He answered quickly.
"Can you do that now?"
Mabilis na napaharap ako kay Kyrios ng hawakan niya ako sa balikat at mabilis na itinagilid paharap sa kaniya.
"Why are you trembling? Is there something wrong about that mansion?" Tanong nito habang mariin na nakatingin sa akin. As if he is solving some kind of difficult puzzle.
Hindi ako nagsalita. Tumitig lang ako sa kaniyang mata na tila maaalis non ang hindi ko maipaliwanag na nangyayare sa katawan ko.
Pinisil niya ang kamay kong kanina pang nakahawak sa kamay niya.
"I can't do that. That mansion infront of us belongs to the 2nd powerful clan in this world. If I burn that mansion, It means I am declaring a war" pag eexplain ni Kyrios sa akin.
"You knew" I simply said.
Kumunot ang noo ni Kyrios habang nakatingin sa akin.
"Everyone knew. Rebels attacked this mansion several months ago and there's a missing person. It's all over the news" Kibit balikat na turan nito.
Huminga ako ng malalim at bumaba ang tingin ko sa aking kamay na hawak ni Kyrios.
Napatitig ako sa kamay naming magkahawak. Hindi ako makapaniwala na buhay pa rin siya hanggang ngayon.
My cursed magic gone berserk earlier when those creepy tree attacked us. Naramdaman ko iyon kaya naman nakakapagtaka na hindi man lang naapektuhan si Kyrios ng aking kakaibang mahika. Hindi niya binibitawan ang kamay ko mula kanina kaya malabo talaga ang mga pangyayari para sa akin.
Paanong hindi siya naaapektuhan kung lahat ng nahahawakan ko ay namamatay kapag nagwawala ang kakaibang mahika ko?
Who are you Kyrios?