CHAPTER 7

1973 Words
NAkahiga ako sa aking kama dito sa aking kwarto sa aming dorm ni Nikishi. Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng dakpin siya ng mga rebelde at sa kabutihang palad ay nasagip din naman siya ng araw rin na iyon. May malaking pinsala nga lang siyang natamo sa may tagilirang bahagi ng kaniyang tyan dahil sa kaniyang pakikipaglaban sa mga ito ng siya ay dakpin kaya hanggang ngayon ay nagpapagaling parin siya sa Infirmary. Usap-usapan din na ang pagkilos na iyon ng mga rebelde ay isang hudyat ng pagsisimula ng alitan sa pagitan ng mga Royal Magian Academy at ng mga hukbo ng rebelde. Nabalitaan ko rin na hindi iyon nagustuhan ng mga makapangyarihang Clan dahil halos lahat ng mga anak nila ay nasa loob ng Royal Magian Academy. Dinoble ang siguridad sa paaralan na ito dahil iyon ang kagustuhan ng mga nakakataas. Umupo ako sa aking kama at tumigin sa bintana. Hindi maganda ang panahon ngayon. Makulimlim at nagbabadya ang pag-ulan. "Ore" Usal ko. Isang cute na tuta ang biglang sumulpot sa harapan ko. Isa siyang lion  na kapag maliit ay mukhang tuta na kawangis ng lion. Nakakamangha din pagmasdan ang kaniyang puti na tila kumikintab na balahibo. Sobrang lambot na balahibo. Lumakad ito papalapit sa akin at kiniskis ang kaniyang ulo sa aking binti at paa na nakalapat sa sahig. Hindi ko alam kung saan siya naglalagi dahil ang sabi niya lang sa akin ay bigkasin ko ang kaniyang pangalan kapag may kaylangan ako sa kaniya o nanganganib ang aking buhay. "Intayin mo ako. Magbibihis lang ako" Sabi ko dito at binuhat siya at inilapag sa aking kama. Ayos lang iyon dahil sobrang linis naman niya. Nagbihis ako ng isang dress na kulay skyblue at sandals na katulad ng kulay na iyon. Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking mahabang puting buhok na tila kumikintab din na tila isang pilak. "Samahan mo ko. Pupuntahan natin si  Nikishi. Ang una kong naging kaibigan" Lumakad na ako palabas ng Dormitory. Walang pasok ngayon kasi sabado kaya naman nagkalat ang estudyante sa bawat sulok ng Academy. Ramdam ko ang bawat titig ng mga taong madadaanan ko. Nasanay na rin ako sa kanila at sa mga titig na ginagawad nila sa akin. Kung nakakatunaw ang titig malamang matagal na akong natunaw. "Yiee. Ang cute" Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang sumulpot sa aking harapan. Mukha siyang bata pero alam kong magkasing edad lang kami. "Alaga mo?" Tanong pa nito habang kumikislap ang matang nakatingin kay Ore. Tila gustong-gustong hawakan ngunit hindi magawa. "Yes" maiksing sagot ko. "Nakakainggit naman. Pwede pahawak lang saglit? Please" sabi nito na may kasamang beautiful eyes at pagnguso. Inabot ko sa kaniya si Ore at malugod naman niya itong tinanggap ng may kasamang malawak na ngiti sa labi. "Yiieee. Ang lambot ng baliho. Ang ganda pa. Anong name niya?" Usal nito at mabilis lang na tinapunan ako ng tingin bago bumalik kay Ore. "Ore" sagot ko sa kaniyang tanong. Tumango-tango naman siya. Ilang sandali ay ibinalik na niya din sa akin si Ore. "Pasensya na" Bulong ko kay Ore. Alam ko kasing hindi niya nagustuhan ang pagbigay ko sa kaniya  sa babae. Ayaw ni Ore ng may humahawak na iba sa kaniya bukod sa akin. "I'm Verly Mufi, Fire elementalist. And you are?" Nakangiting pahayag nito. "Haia Sulivan" Tumango-tango naman siya at malapad na ngumiti. "Nice meeting you Haia. See you around" paalam nito na tinugunan ko lang ng isang tango bago naglakad. "Masaya siya Ore, sana maramdaman ko din yon para makangiti ako ng totoo" seryoso kong pahayag kay Ore. "Balang araw, matutunaw ang nakapalibot na mahika sa puso mo at muli ulit itong titibok kagaya ng pagtibok ng puso ng isang pangkaraniwan na nilalang" Wika ni Ore sa akin. Patuloy pa rin ako sa paglalakad papuntang Infirmary. "Alam mo ba kung bakit naging ganito ako? Hindi ako ganito noong bata ako" usal ko pa dito. "Alam ko ang dahilan Alethia. Isa kang mahalagang nilalang. Hindi ka maaring masaktan kaya mayroon kang hindi pangkaraniwang mahika" "Nasabi na din yan sa akin ni Lola Fina Ore. Hindi ko alam kung gaano ako kahalaga upang biyayaan ng delikadong mahika. Nakakasakal Ore. Hindi ako makagalaw ng maalaya at walang inaalala" Kumatok muna ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto ng Infirmary. Hindi na din nag komento si Ore sa huli kong sinabi. Tahimik lang din siyang nagmasid sa paligid. "Magandang umaga hija" Bati sa akin ng nurse ng infirmary. Ms. Reily ang nakalagay sa nameplate niya. "Magandang umaga din po, si Nikishi Leyr po?" Wika ko dito. May tatlo kasing patient bed at natatakluban ang mga ito ng kurtina. Sa totoo lang ay ngayon lang ako nakadalaw dahil hindi muna pinayagan na makapasok dito noong nakaraang araw dahil sa naiwang matinding halimuyak ng di kaaya-ayang amoy ng Black Magic. "Middle bed" Ngiting sagot nito kaya naman tumango ako at nagpasalamat bago naglakad papunta kay Nikishi. Mahimbing na natutulog si Nikishi. Wala naman galos ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung nagising na ba siya o hindi pa. Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng bed ni Nikishi sa kaliwa. "Ore, siya si Nikishi Leyr. Mabait siya. Kinaibigan niya ako kahit kakikilala pa lang namin" pagkukwento ko kay Ore. "Delikado ba siyang tao Ore?" Tanong ko pa kay Ore na hindi tumutugon sa akin. "Hindi Alethia" sagot nito. Marunong tumingin si Ore sa loob ng isang tao. Kaya niyang malaman kung delikado ito o hindi. Alam niya kung may masamang hangarin ang isang tao. "Mabuti kung ganon" tugon ko dito. Bigla namang humawi ang kurtinang naghaharang sa dulong patient bed at dito sa middle bed kaya naman napalingon ako.   Napakurap ako ng magtama ang paningin namin ni Kyrios. Ang kaniyang mga mata ay mariin na nakatitig sa akin. Nakaupo siya sa bed at nakaharap sa aking gawi. Anong ginagawa niya dito? "Are you really like that? Emotionless?" He asked with his usual voice. Malalim at malamig. "I don't know" I honestly answered. Nagtiim bagang siya. His eyes darkened. Para bang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi pero hindi ko naman maintindihan kung anong mali sa sinabi ko. Wala naman. Hindi ako nakapalag ng mabilis niya akong hinigit kaya naman nahulog si Ore na nakakalong sa aking kandungan at mabilis akong napaupo sa kaniyang tabi. Mabilis niya sinara ang kurtinang nagsisilbing harang sa bed na ito at sa kabilang bed kung nasaan si Nikishi. "What are you doing?" Tanong ko dito. Hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakahawak sa pulsuhan ko. "I am just wondering, how emotionless you are" He said while looking at me with those brooding eyes of his. Nagtaka naman ako sa kaniyang sinasabi dahil hindi ko siya maintindinhan. Tinatanong ba niya ko kung gaano ako kamanhid? I was about to say something when he quickly pulled me closer to him and in just one swift move our lips met. Parehas kaming nakamulat habang magkalapat ang aming mga labi. Ilang sandali pa at gumalaw ang kaniyang labi na tila pinapalalim ang halik. Hindi ko mabasa ang emosyon na isinisigaw ng kaniyang mata. Wala sa sariling napapikit ako dahil sa panghihimasok ng dila ni Kyrios sa aking bibig na tila may hinahanap doon. He bite my lower lips kaya naman mahina akong napaungol. Wala sa sariling nagpadala ako sa kaniyang matatamis na halik at tumugon na rin. Hinihingal ako ng kumawala kami sa halik na iyon. Hindi ko alam kung anong nangyari. Mabilis na hinawakan ni Kyrios ang aking kamay bago ito inilapat sa kaniyang kaliwang dibdib. Napatingin naman ako doon. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng kaniyang t***k ng puso. His heart is beating so fast and loud. Hindi ko alam kung bakit ganito kabilis ang t***k ng puso niya. Hindi pangkaraniwan. Ibang-iba sa t***k ng puso kong malamya at walang kabuhay-buhay. "Do you know what's the meaning of my heart beating abnormaly?" He asked with his usual tone. Malalig na malalim. Umiling ako. Hindi ko talaga alam kung anong ibig sabihin at kung bakit. Curious akong napatitig kay Kyrios. Nag iintay ng sagot sa kaniyang sariling tanong. "Find out the answer by yourself" His eyes darkened again before he let go my hand and walk away.  Bumuntong hininga ako. Gusto ko man na malaman ngunit malabo. I touched my lips. That was my first kiss and sadly, I don't feel anything. -- Huminga ako ng malalim, makalipas ang ilang minuto ay bumalik ako sa pwesto ko kanina bago ako hinigit ni Kyrios. Umupo ulit ako sa upuan sa tabi ng bed ni Nikishi. "Sorry Ore" Paumanhin ko kay Ore na ngayon ay nakaupo na sa tabi ni Nikishi. "Natagpuan mo na pala siya" makahulugang wika ni Ore. Magsasalita na sana ako ng makita kong gumalaw na si Nikishi. Nagmulat siya ng mata at napatingin sa akin. I gave her a weak smile. Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit siya nakahiga sa mga oras na ito. "Haia" walang siglang sabi niya. Tila hindi pa bumabalik sa kaniyang normal na lakas. "Wag ka munang umimik. Hindi pa bumabalik ang lakas mo" Mga ilang oras ang lumipas ng mapagpasyahan kong umuwi muna sa dorm. Ang sabi ng nurse ay bukas pa makakalabas sa infirmary si Nikishi. Naglalakad ako sa hallway ng mapansin kong nagtatakbuhan ang mga estudyante patungo sa iisang direksyon. Anong meron? Muntik pa akong matumba ng mabunggo ng ilang mga estudyanteng nagmamadali. Bitbit ko parin si Ore kaya napapahigpit ako ng hawak sa kaniya kapag may nakakabunggo sa akin. "Ore" Isang banggit ko palang ay alam na ni Ore ang nais ko na tila ba parang nababasa ang nasa isip ko. Agad siyang nawala at naglaho. Wala sa sariling sumunod ako sa mga estudyanteng nagtatakbuhan. "Bilisan natin, baka wala na tayong maabutan" Nakarating ako sa Cafeteria dahil sa aking pagsunod sa mga estudyante. Oras na kasi ng hapunan. Ang tagal ng itigil ko sa infirmary. Hindi ko namalayan na gabi na pala. Sobrang dami ng estudyante na tila may pinapalibutan. Kumunot ang aking noo dahil sa pagtataka. Lumakad ako papalapit sa kumpol ng estudyante at nakisiksik upang makita kung ano ang nasa gitna ng mga estudyanteng nagkukumpulan. "God. Can someone stop this fight?" "Kanina pa siya pinipigilan ni Fenrell at Reiko pero hindi siya maawat" "Ano ba kasing nangyare" "Hindi ko din alam, basta bigla nalang pinagsusuntok ni Kyrios ang talong lalaking iyan" "Bakit daw" "Hindi nga din alam nina Georgina, basta nalang itong tumayo at sinugod ang kabilang table" Napatitig ako sa lalaking walang pigil na binubugbog ang isang lalaki samantalang ang dalawa ay wala ng malay at duguan. Napako ako sa aking kinatatayuan. Naalala ko bigla ang nangyari sa amin kanina sa infirmary. Hindi ko alam na ilang oras na pala iyong nakalipas. "s**t, Kyrios. Stop it. Mapapatay mo siya" Nagmamakaawang wika ni Georgina. Lumapit pa ito at hinawakan ang braso ni Kyrios ngunit mabilis na hinawi ni Kyrios ang kamay niya kay Georgina. Everyone gasped when they saw what happened. Napaupo si Georgina sa sahig dahil sa lakas ng pwersa ni Kyrios. Napatingin naman ako sa lalaking namamaga na ang mukha at nagkukulay ube na ang kalahati ng mukha nito. "P-pa-rang a-a-wa, ta-m-ma n-na" Rinig wika ng lalaki. Ngayon ay nakapatong na si Kyrios sa lalaki at walang pigil parin na pinapaulanan ng suntok. Napapikit ako ng mariin. I shoudn't invovle myself but something is pulling me to stop Kyrios. Iyon nga ang ginawa. Lumakad ako sa gitna kung nasaan si Kyrios at ang lalaki. Everyone stiffened. Ramdam ko ang kanilang pananahimik na para bang hindi nila inaasahan na makigulo ako sa pangyayaring ito. Wala na akong pake sa kung anong pwedeng isipin nila. Simula pa naman nung una ay wala na akong pake sa kanila. Hinayaan ko nalang tingnan nila ako ng may pag-aalala lalo na at nasaksihan namin kanina kung paanong iwinaksi ni Kyrios si Georgina na parang wala lang. Nakakatakot ang presensya ni Kyrios. Para bang madadamay lahat ng pipigil sa kaniya kaya walang nagtatangka. "Kyrios" Mahina kong usal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD