NAGTATAKA siya ng malamang wala na sa tinitirhan nilang bahay ang pamilya ni Clarissa.Bakit?Saan lumipat ang mga ito?Nagtanong siya sa mga kapitbahay hindi din nila alam kung saan na lumipat at kahapon lang daw umano nag alsa balutan ang pamilya ng dalaga.Pero ang ipinagtataka niya ng sinabing matagal na pinalayas si Clarissa ng mga magulang nito at hindi nakasama sa pamilyang nag alsa balutan.Malaking katanungan sa kanyang isip ang lahat ng nangyayari.Anong nangyari sa dalaga mula ng iniwan niya ito?Siya ba ang dahilan kaya nagkakagulo ang pamilya ni Clarissa?
"Damn it!mura niya sa sarili habang nakaupo sa kotse.
At hindi pa siya umalis doon tila bang umaasang nandon lang ang pamilya ng dalaga at makikita niya pa ito.Ngayon saan niya hahanapin ang dalaga at ang pamilya nito?
"My God Clarissa what happened I don't really know and where I am going to find you now"aniyang tila nahihirapan.
Maya't maya ay tinawagan niya si Benjie upang humingi ng tulong.
"Yes?sagot nito.
"Bro"aniya.
"Dominic are you here?
"Yes bro"
"When did you arrived?
"A while ago and bro I need your help please"
"Welcome back..what is it?
"May kakilala kang detective right?
"Uh-huh!why?
"Tulungan mo akong hanapin si Clarissa at ang pamilya niya"
"Si Clarissa?hindi ba iniwan mo na yon?
"It's a long story bro at ngayon kailangan ko siyang mahanap muna so please tell your friend at magbabayad ako kahit magkano"aniya.
"Yeah okay tatawagan ko ang kaibigan ko,ang gulo nyo naman kasi"
"Sorry bro na biktima ako ni Papa"
"Wait bakit wala sa bahay nila ang pamilya ni Clarissa?
"Umalis daw sila kahapon at hindi nakasama si Clarissa"
"Means naunang umalis si Clarissa before them?
"Exactly at sabi ng kapitbahay pinalayas siya sa kanila at malakas ang kutob ko na ako ang dahilan"
"Oh man! Ginulo mo talaga ang buhay niya bro but wait hindi kaya ang Papa mo rin ang nagpalayas sa pamilya niya knowing na umuwi ka dito?atsaka pagmamay ari nyo ang lupa na yan right?
Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan malamang tama ito dahil kahapon lang umalis ang pamilya ng dalaga so baka nga ang Papa niya ang may kagagawan kung bakit nag alsa balutan ang pamilya ni Clarissa.
"Bro are you still there?untag ni Benjie.
"Y-yeah..anyway please do what I told you bro"
"Sure no problem"
"Thank you bro bye for now"aniyang pinatay na ang tawag.
"Papaaaaaaaa!!!!aniyang hindi niya napigilang sumigaw dahil sa galit.
"Aaaahhhhh!!!aaaaahhhhh!!!ulit niyang sigaw at parang gusto ng pumatay ng tao.
"Papa why?why are you doing this to me whyyyyyyyyyy!????sigaw niya at hindi na napigilang umiyak.
Hindi niya alam kung kanino siya magagalit,sa kanyang sarili ba o sa kanyang ama.Siya na walang nagawa hanggang ngayon para protektahan ang babaeng mahal niya,ang ama niyang hindi niya alam kung bakit ayaw nito kay Clarissa para sa kanya knowing na kilala nito ang pamilya ng dalaga.At lalo siyang naiiyak sa isipin dahil sa kanya nagkagulo gulo ang buhay ng pamilya ni Clarissa pero ngayon ayaw niyang sumuko,ayaw na niyang magpadala sa kasinungalingan ng kanyang ama.Poprotektahan niya si Clarissa pati ang pamilya nito sukdulang itakwil siya ng kanyang ama wala siyang pakialam dahil minsan niya ng pinagbigyan ang ama at nagdudulot lamang iyon ng sakit sa babaeng sinaktan niya ng walang dahilan.
"Clarissa I'm so sorry!I'm so sorry kung nasaktan kita!usal niya sa sarili.
Saka tinawagan ang number ng kanyang ama sa California pero hindi ito sumasagot at maaaring iiwasan siya nitong maka-usap.
"The hell with you Papa!nagngingitngit niyang wika.
NAGISING si Clarissa na masama talaga ang kanyang pakiramdam pero pinilit niyang bumangon dahil hindi naman porket sinabi ni Tita Isabel na hindi siya magtatrabaho eh magpi-feeling Doña na rin siya.
"Aaray ko!ang sakit ng ulo ko!mahina niyang wika.
At hindi niya namalayang nakapasok na pala ang Tita Isabel niya kaya naabutan siya nitong dumadaing.
"Clarissa bakit?agad nitong wika sabay lapit sa kanya.
"W-wala po Tita Isabel"mahina niyang wika.
"Clarissa namumutla ka may lagnat ka ba?ani ng Tita niya sabay sapo sa kanyang noo.
"Wala po to Tita pagod lang siguro to"
"Oh I'm sorry hija kung napagod kita"
"Okay lang po yon Ti...bwaaahhh"aniyang kaagad tinakpan ang bibig dahil nasusuka siya.
"Nasusuka ka halika sa bathroom alalayan na kita"aniya sabay inalalayan ang dalaga.
Nagsusuka siya pagdating sa bathroom pero wala naman siya mailabas na kahit ano dahil wala naman siyang nakain.Todo himas naman sa kanyang likod si Tita Isabel.
"Clarissa dadalhin na kita sa hospital para matingnan ka okay?
Nangangamba siyang malaman ng Tita Isabel ang kalagayan niya pero alam niyang mapilit ito.
"M-magpapahinga lang po ako Tita mawawala din to"
"No hija kailangan natin magpa check up,halika magbihis ka ng damit at sasabihin ko kay yaya Lucing na ipaghanda ka ng pagkain"
"Tita..."
"Huwag ng matigas ang ulo okay halika na"
Wala na siyang magawa kundi ang sumunod kay Tita Isabel dahil sa huli ito din naman ang masusunod.Pagkatapos niyang magbihis ay bumaba na sila at nakahanda na ang pagkain niya sa mesa,madali lang siyang kumain dahil hindi siya ganado kaya umalis na sila upang tumungo sa hospital at hinanda na ang sarili sa maaaring mangyari.Siguro oras na para sabihin niya sa Tita ang nangyari sa kanya at kung anong dahilan kung bakit siya pinalayas ng Tatang niya at hindi lang yon,itinakwil na siya ng Tatang niya.
Pagdating sa hospital ay agad siyang inasikaso ng kakilang Doctor ng Tita Isabel niya,dahil wala naman talaga siyang sakit at isa lamang iyon sa senyales na buntis siya at malamang naglilihi kaya madali siyang natapos at agad tinawag ang kanyang Tita ngayon pa lang nahihiya na siya at kinakabahan.
"Doc ano pong sakit ng alaga ko?tanong ng Tita niya.
"Mrs.Buenavista wala po siyang sakit ang pamumutla at pagsusuka niya dahil lamang iyon sa nagdadalantao siya"
"W-what!?tila hindi makapaniwalang wika ng Tita.
Sabay tumingin ito sa kanya kaya nagsalita siya bago pa ito magalit sa kanya"magpapaliwanag po ako Tita Isabel"
"No..no it's okay I understand nagulat lang ako"anito at tumingin sa Doctor"how many months Doc?
"Two months and one week"
"Oh my God!ani ng Tita sabay tumingin ulit sa kanya.
"But she's fine right?
"Yes she's fine siguro kailangan niya lang magpahinga dahil medyo maselan ang kanyang pagbubuntis,bawal sa kanya ang mapagod masyado at kailangan nating mag ingat lalo pa't hindi pa masyadong kumakapit ang fetus"
"Okay Doc thank you so much"aniya at sabay na silang lumabas ng silid ng Doctor.
Wala siyang imik habang naglalakad sila patungo sa parking lot kung saan doon naghihintay ang driver ng Tita niya.
"Clarissa hija why didn't you tell me about this?
"Pasensya na po kayo Tita natakot po kasi akong hindi nyo ako tatanggapin magtrabaho oras na malaman nyong buntis ako kasi kailangan ko po ng pera para sa amin ng anak ko"
"Oh my God Clarissa! I don't know na buntis ka hija kaya patawarin mo ako Oh my God I almost committed a sin!
"Wala naman po kayong kasalanan Tita gusto ko po yon para magkapera"
Niyakap siya ng kanyang Tita at malamang umiyak ito dahil naririnig niyang suminghot singhot ang Tita.
"Kung alam ko lang na buntis ka hindi ko sana ginawa yon,ngayon mas nakokonsensya ako dahil sa ginawa ko sayo at hindi ko alam kung anong kabaliwan ang pumasok sa utak ko para gawin yon sayo Clarissa"
"Tita huwag nyo na pong isipin yon wala namang nangyari sa akin atsaka maayos naman kami ng anak ko"
"Thanks God na okay parin kayo ng anak mo hija kung hindi...hindi ko mapapatawad ang sarili ko"
Ngumiti siya sa kanyang Tita at masaya siya dahil nauunawaan siya nito.
"Hindi po kayo galit sa akin Tita dahil buntis ako na walang asawa?
"Talamak na ang mga ganyan Clarissa hindi lang ikaw kaya bakit ako magagalit sayo? Proud ako dahil hindi mo ikinahiya ang bata kahit sabihing magiging dalagang ina ka"
"Ginusto ko po kung bakit siya nabuo sa katawan ko"
"That's good you know how to face the consequences of what you did that's only shows how strong you are Clarissa"
"Thank you Tita"
"Let's go home and hoping you gonna tell me everything now hija"
"Sasabihin ko po sa inyo ang lahat Tita Isabel dahil alam nyo na pong buntis ako"
"You have to hija dahil kung hindi magtatampo ako sayo"
Ngumiti siya at umuwi na ulit sila sa Mansion,pagdating sa Mansion ay pinagtimpla siya ng Tita Isabel niya ng gatas kahit tumanggi siya ayaw nito at huwag daw siya masyadong magkikilos.Para tuloy itong nanay niya at hindi ibang tao bagay na nagpapalungkot sa kanyang mukha dahil naalala niya ang kanyang pamilya.
"Here hija inumin mo yan para maging malusog ang baby mo at ikaw din"ani ng Tita sabay bigay ng gatas sa kanya.
"Thank you po Tita Isabel"ngiti niyang wika.
"You're welcome!now tell me what happened yan ba ang dahilan kaya nagalit ang Tatang mo sayo?
Nagpakawala muna siya ng buntong hininga saka sinimulang ikwento sa Tita niya kung paano sila nagkakilala ni Dominic at kung bakit nagalit sa kanya ang Tatang niya dahilan na itinakwil siya nito.
"Oh my God!oh my God Clarissa!ani ng kanyang Tita Isabel.
Sabay niyakap siya nito pagkatapos niyang mag kwento.
"Napakawalang hiya niyang tao para gawin sayo yan Clarissa"ani ng kanyang Tita.
"Sinabi ko nga po sa sarili ko na huwag na sana magkatagpo ang landas naming dalawa dahil kung mangyayari yon malamang mapapatay ko siya dahil sa galit ko"
"My God pagkatapos ng lahat ng pinangako niya at ginawa niya sayo,iiwan ka ng ganon ganon lang Clarissa?
"Hindi ko nga rin po alam kung bakit eh kung bakit niya ako iniwan ng walang dahilan"aniyang gusto na namang maiyak.
"No..it's okay hija don't talk now at huwag mong iiyakan ang katulad niyang walang isang salita he's not worth it hija dahil sinira niya ang samahan ninyong pamilya pati ang buhay mo"
Tumango siya at niyakap ang kanyang Tita Isabel"thank you Tita at nandyan kayo para sa akin"
"I will always be here for you hija and for your baby of course"ani ng Tita Isabel niya.
Ng araw ding iyon ay tinawagan ni Clarissa si Monica para papuntahin sa Mansion sa kagustuhan narin ng Tita Isabel niya para may kasama umano siya pero sinabi ng Tita na wala siyang babanggitin ng kahit na ano tungkol sa totoo nitong pagkatao yung kikilos lang siya ng normal na tulad ng dati.Kaya naman niyang umakting na enosente,pinapasundo ng Tita niya sa driver nila ang kaibigan at ilang minuto pa ay dumating na ito sa Mansion at nasa living room lang din sila ng kanyang Tita para hintayin ang pagdating nito.
"Monica!aniya.
"Clarissa?ani naman ng kaibigan.
Tumayo siya at pinuntahan ang kaibigan na malamang namangha din ito sa ganda ng Mansion.Nagyakapan sila ni Monica at nagkukumustahan.
"Kumusta ka na dito girl?mahinang tanong ng kaibigan.
"Okay lang ako..halika sa maupo tayo"aniya dito.
"Uy nakakahiya sa Madam"mahina nitong wika.
"Okay lang yan sabi ko sayo mabait siya"
Pagdating nila sa living room ay nagbigay galang si Monica kay Tita Isabel.
"Magandang araw po Ma'am"nahihiya nitong wika.
"Magandang araw din sayo hija,maupo ka"ngiti ni Tita Isabel na gustong gustong niya ng yakapin ang anak pero nagpigil siya.
"Salamat po Ma'am"
"Tita Isabel narin ang itawag mo sa akin dahil alam kong matalik kayong magkaibigan nitong si Clarissa kaya gusto ko ganon din itawag mo sa akin"
"Ah eh nakakahiya naman po Ma'am"
"Huwag ka ng mahiya pagbigyan mo na ako please"
Nagkatinginan sila ng kaibigan at ngumiti lang sa kanya si Clarissa kaya kiyeme siyang ngumiti sabay tumingin sa ginang.
"Kung yan po ang gusto nyo Ma'...este Tita Isabel pala"ngiti niya.
"Thank you hija..sige maiwan ko muna kayo ha para makapag usap kayo..Clarissa hija ikaw na ang bahala sa kaibigan mo okay?ngiti nitong wika sa kanya.
"Okay po Tita salamat po ulit"
"My pleasure hija okay I'm going up..ahm by the way you can tour Monica inside the Mansion if she wants to or kung gusto mo at hindi ka napapagod"
"Okay po Tita gagawin namin yan thank you po"
"Alright enjoy"ani ng Tita at umakyat na sa taas.
"Uy girl ang bait naman pala niya kahit mukhang masungit"ani ni Monica pagkaalis ng Tita Isabel.
"Sabi ko sayong mabait siya eh"
"Siyanga pala Clarissa anong trabaho mo sa kanya?
"Wala pa sa ngayon dahil alam na ni Tita Isabel ang kalagayan ko"
"O talaga tapos anong sabi niya sayo nagalit ba?
"Hindi naman masaya pa nga siya para sa amin ng baby ko"
"Mabuti namam pero sinabi mo na ang lahat?
"OO Monica dahil ayokong maglihim sa kanya"
"Mas maigi nga girl..komportable ka naman ba dito?
"Komportable pero hindi ko pa rin maiwasang isipin ang pamilya ko Monica"
"Kaya nga eh sana matanggap ka na talaga ng Tatang mo para magkasama na kayo ulit"
"Sana nga Monica...halika gusto mo bang makita ang buong Mansion?
"Kaya mo bang lumakad?
"Ikaw naman sympre hindi naman ako lumpo ah"
"Buntis ka kasi girl kako baka mapagod ka"
"Okay lang yan para may exercise na rin ako"sagot niya.
At nilibot nga nilang magkaibigan ang buong Mansion pagkatapos nitong makita ang buong Mansion ay umupo sila sa likod sa tabi ng swimming pool.
"Grabe ang laki at ang ganda naman talaga ng Mansion Clarissa"ani ng kaibigan.
"OO nga"
"Swerte ng kanilang mga anak ano?
Sa isip niya..oo swerte mo Monica dahil anak ka ni Tita Isabel pero sympre sa isip niya lang yon.
"OO Monica at anak niya yung kababata ko noon na namatay dahil sa akin"aniya.
"H-ha?ano?namatay dahil sayo?paano nangyari yon bakit?sunod sunod nitong tanong sa kanya.
Kaya sinabi nalang niya sa kaibigan ang tungkol sa childhood friend niya para hindi narin ito mag usisa kung bakit mabait ang Tita Isabel niya sa kanya.
"Grabe noh parang sa mga pocketbook ko lang yan nababasa ang mga tadhana tadhana na yan girl pero sa kwento mo pwede rin palang magkatotoo sa totoong buhay,biruin mo after so many years nagkita parin kayo ulit?wika ng kaibigan pagkatapos niyang mag kwento tungkol sa kababata niya.
"OO nga siguro kung buhay pa ang kaibigan ko malamang magkikita din kami ulit"
"Mahirap na yata girl baka kinain na ng kung ano sa dagat..sorry ha"
"Hindi okay lang baka nga ganon na ang nangyari kaya hindi na siya natagpuan pa"
"Pero girl sigurado kang hindi na galit sayo ang Tita Isabel mo?tanong nito na parang nag aalala sa kanya.
Ngumiti siya sa kaibigan atsaka umiling ito"hindi na Monica kaya huwag ka ng mag alala sa akin okay?
"Sige sinabi mo yan eh saka may tiwala naman ako sayo,siyanga pala kailan mo balak bumalik sa inyo?
"Baka bukas babalikan ko ulit ang pamilya ko Monica dahil ayokong sumuko kahit ilang beses pa akong ipagtulakan ni Tatang"
"Dapat lang Clarissa dahil kahit anong mangyari mga magulang mo pa rin sila"ani ng kaibigan.
Tiningnan niya ito atsaka nagtanong"Monica halimbawa lang ha..halimbawang malaman mong ampon ka lang ng kinagisnan mong mga magulang anong mararamdaman mo sa kanila?
"Bakit girl ampon ka lang ba ng Tatang at Nanang mo?
"Nagtatanong lang ako pero hindi ako ampon ah"
"Sana nga girl hindi ka ampon"
"So anong sagot mo?pwede mo rin akong tanungin para malaman mo ang sagot ko"
"Uhm..kung malaman kong ampon lang ako ng mga magulang ko sympre tatanungin ko sila kung sino ang tunay kong mga magulang at hahanapin ko sila"
"Hindi ka ba masasaktan na malaman ampon ka lang?
"Sympre masasaktan dahil sila yung nakagisnan ko eh mula pagkabata"
"So saan ka magagalit sa mga taong umampon sayo o sa mga magulang mo?
"Dipende sa sitwasyon kung inabandona nila ako kaya ako nakuha ng ibang tao sympre magagalit ako sa kanila"
"Kapag hindi ka nila inabandona kunwari naiwan ka dahil may nangyayaring p*****n o kung anumang trahedya magagalit ka pa rin ba sa kanila?
"Hmmm parang hindi siguro dahil hindi nila kagustuhan yon eh malay ko bang tanga ang mga magulang ko"biro nitong wika.
"Loka loka ka talaga"ngiti niyang wika.
"Pinapangiti lang kita ang seryoso kasi ng mukha mo eh parang totoo talaga yung pinag uusapan natin.Siguro sa mga babasahin lang yan nangyayari ang mga ganyan"ani ni Monica.
"Siguro nga girl dahil imposible naman talaga nangyayari sa totoong buhay di ba?
"Correct!
"Ma'am Clarissa pinapatawag na po kayo ng Doña para kumain"ani ni Julie ang isa sa mga katulong sa Mansion.
"Sige susunod na kami"aniya dito.
Sabay na silang pumasok muli sa loob ng Mansion at diretso sa dining area nadatnan nilang nakaupo na doon si Tita Isabel at malamang sila nalang ang hinihintay.
"Maupo na kayo para sabay na tayong kumain"anito sa kanila.
"Salamat po Tita Isabel"ani ni Monica.
"Salamat po Tita"wika din ni Clarissa.
Natutuwa siya habang pinagmamasdan ang dalawa,sa isip niya parehong mabait si Monica at Clarissa kaya siguro magkasundong magkasundo ang dalawa.Naisip niya tuloy ang kanyang panganay kaya pinilig niya ang ulo upang mawala ito sa isip niya dahil gusto niyang maging masaya ngayong araw dahil nakasalo niyang kumain ang kanyang bunso.Pinagmamasdan niya ito habang kumakain,ang gandang dalaga kahit wala masyado itong make up..namimiss tuloy niyang alagaan yung paslit pa lang ito pero inagaw sa kanya ang pagkakataong alagaan at palakihin ito sa piling niya ngayon nakita niya isang ganap na dalaga na.
"Tita Isabel?untag ni Clarissa dahil nakikita niyang lumuha ito.
"H-ha?ahm bakit hija?tanong niyang nag iwas ng tingin.
"Naalala nyo na naman po si John Carlo ano?kunway tanong niya kahit alam na niya ang dahilan dahil nandito si Monica.
"Ha oo hija inisip ko lang kung hindi siya nawala siguro kasing laki nyo na rin siya"
"OO nga po Tita baka nga mas mataas pa yon kay Tito Romulo"
"Sana masaya na siya ngayon dahil masaya na tayo ngayon"
Tumango tango lang siya sabay ngumiti sa ginang at silang dalawa lang ang nagkakaintindihan sa kanilang pagtitinginan sa isa't isa.
Samantala..nagpunta si Dom sa Department Store nila para puntahan doon ang dalaga.Dahil alam niyang nasa duty ito ngayon kung saan man ito tumutuloy pansamantala.
"Anton nasaan si Clarissa?agad niyang tanong sa Manager.
"Sir pinaalis po ng Papa nyo dito matagal na"
"Whaaaattt!??mataas niyang boses.
"Tinawagan po ako ng Papa nyo nung isang araw para tanggalin sa pwesto niya si Miss Moran na siya kong ginawa Sir Dominic"
"Oh my Goodness!!for God sake Papaaaa!!!wika niya sabay suntok sa pader.
"Pasensya na po Sir sumusunod lang ako sa utos"
"Anton saan ko siya pwedeng puntahan please tell me!
"Hindi ko rin po alam Sir pasensya na po"
"Sinabi din ba ni Papa na hindi mo dapat sabihin sa akin kung saan ko pwedeng puntahan si Clarissa?
"Hindi po Sir Dominic maniwala kayo dahil wala po talaga akong alam kung saan nakatira ngayon si Clarissa"
"Alam mo ang nangyari sa kanya?
"Nabanggit po ni Monica sa akin dahil pinakikiusapan niyang pabalikin ko si Clarissa dahil pinalayas umano ito ng Tatang niya kaya kailangan ng trabaho bagay na tinanggihan ko dahil natatakot ako sa Papa nyo Sir"
Napalunok siya ng sunod sunod sabay bahagyang sinabunutan ang buhok.Grabe hindi niya alam na ang dami na palang nangyari sa dalaga mula ng iniwan niya at ang lahat ng yon kagagawan ng kanyang ama.
"Damn it!!mahina niyang mura sabay sipa ng pinto.
"Pasensya na po talaga Sir"ani ng Manager.
"Ibigay mo ang address ni Monica"
"Okay po Sir"anito sabay sinulat sa maliit na papel ang address ni Monica.
Pagkakuha ng address ni Monica ay lumabas na ulit at diretso sa kanyang kotse upang puntahan ang bahay ng kaibigan ni Clarissa.Si Monica nalang ang daan para mahanap niya ang dalaga.
"Clarissa sweetheart please wait a little bit more magkikita na tayo and this time I promise you hinding hindi na kita iiwan ulit no matter what"usal niya sa sarili.
Habang sa daan ay biglang nag ring ang kanyang cellphone at si Benjie ang caller kaya agad niya itong sinagot.
"Yes bro"sagot niya.
"Bro sorry pero wala pala sa bansa ang kaibigan ko nasa Europe siya kagabi lang at hindi ko alam yon"
"Ganon ba?wala ka na bang ibang kilala para matulungan tayo kahit ang mga magulang lang ni Clarissa bro at ako na ang bahalang maghanap kay Clarissa"
"Sige try ko yung isa pero hindi masyado magaling yon pero susubukan ko pa rin"
"Alright bro thank you in advance"
"Okay bro bye"ani ng kaibigan at pinatay na ang tawag.
"Papa I swear you gonna pay for this at hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa sa mga taong walang masamang ginawa sa inyo!!wika niya at napapadiin ang paghawak sa manibela.
Pagdating sa lugar nila Monica ay nagtatanong pa siya sa mga taong nadaraanan niya dahil hindi niya makita ang address na nakasulat sa papel.
"Miss maaari po ba akong magtanong?aniya sa babaeng nadaanan niya.
"Ano po yon Sir?
"Saan po banda ang address na to Miss?
Kinuha ng babae ang papel na binigay niya at nakita niyang napataas ito ng kilay sabay tumingin sa kanya.
"Bakit mo hinahanap Sir?
"Ahm may importante lang akong tatanungin sa may ari ng bahay na yan Miss"
"Pinsan ko ang may ari ng bahay..bakit sino ka ba?tanong ni Nanette.
"Oh really that's good then"aniya saka umibis ng kotse"I'm Dominic friend ng pinsan mo"aniya.
Sabay lahad ng kanyang kamay pero hindi nito tinanggap kaya marahan niyang binawa at napapakamot ng ulo.
"Dominic kalabaw?baka?o manok?
Bigla tuloy tumaas ang kilay niya dahil hindi niya na gets ang sinabi ng babae.
"Ano?
"Ha?ahm yeah Dominic Rox Fuentabella"
"H-ha?Fu-Fuentabella ba kamo?
"Yes"ngiti niya dito.
"Yung boss ng pinsan ko?
"Yeah"
"Ah so ikaw pala..pero wala ngayon ang pinsan ko nasa kaibigan niya"
"K-kaibigan?sino?saan?sunod sunod niyang tanong.
Sasagot na sana siya pero biglang nag ring ang kanyang cellphone at ng tiningnan niya ito si Monica ang tumawag kaya tumingin siya sa lalake.
"Excuse me sasagutin ko lang ang tawag"aniya.
Lumayo siya ng konte kay Dominic saka pa sinagot ang tawag.
"Hello insan"aniya.
"Insan huwag mong sabihin sa kausap mo kung saan o kanino ako nagpunta"bungad ni Monica.
"Ha!?saan ka pala bakit mo alam?
"Basta nakikita ko kayo pero hindi ako magpapakita sa kanya"
"Ah ganon ba bakit?
"Basta!wala kang sasabihin na kahit ano okay?
"Okay babe magkikita nalang tayo mamaya"kunway wika niya.
"A-ano babe?hindi yata nagets ng pinsan niya.
"Sige babe bye see you"aniya sabay pinatay na ang cellphone at lumapit sa lalake.
"Pasensya ka na tumawag yung boyfriend ko"aniya.
"It's okay..so can you tell me where's Monica?
"OO naman nasa kaibigan niya nga"
"Sino?
"Si Sharon Aguilar kilala mo?
Napakunot noo siya dahil ini expect niya si Clarissa ang babanggitin nito pero malay ba niyang maraming kaibigan si Monica.
"No I don't know her but I knew one of her friend name Clarissa Moran"
"Ah hindi ko kilala yon"simple niyang wika.
"Sigurado ka?
"May dahilan ba para magsinungaling ako eh sa hindi ko nga kilala lahat ng mga kaibigan ng pinsan ko!
"No..no not like that please don't get mad..sorry okay?
"Okay makakaalis ka na"
"Hindi ba uuwi ngayon ang pinsan mo?
"Hindi..malamang nakikiparty na naman yon"
"Okay!Pwede ba akong bumalik dito bukas?
"Ikaw ang bahala hindi naman namin pag mamay ari ang lugar na to"
"Alright tell you cousin I'll come back tomorrow"
"Sige"
Kumaway pa ito sa kanya bago umalis,pero hinintay pang makalayo ang kotse nito bago siya lumakad patungo sa bahay nila.Nakita ni Dominic sa side mirror kung saan pumasok ang babaeng kausap niya at napangiti siya dahil pagbalik niya dito bukas alam na niya kung saan pupuntahan si Monica.
Ng makita ni Monica na nakaalis na ang kotse ni Dominic saka pa siya tumuloy sa kanyang bahay.At nagtataka siya kung bakit biglang umuwi ng Pilipinas si Dominic pero hindi pa niya sinabi kay Clarissa na nakita niya si Dominic at nandito sa kanilang lugar.Bukas nalang dahil babalik naman siya sa Mansion kung saan nakatira ang kaibigan pansamantala dahil sasamahan niya itong umuwi sa kanila magbabakasakaling matatanggap na ito ng Tatang niya.
Pagdating sa loob ng bahay ay agad niyang kinausap si Nanette.
"O insan ang bilis mo ah"anito sa kanya.
"Insan anong sinabi mo sa kanya?anong sabi niya sayo?
"Tinanong kung saan ka daw sabi ko kina Sharon Aguilar ka nakikiparty"
"Anong sabi niya?
"Hindi daw niya kilala pero kilala niya ang isa sa mga kaibigan mo si Clarissa so sabi ko hindi ko kilala"
"Tapos?
"Parang nagduda,,sabi ko hindi ko naman kilala lahat ng mga kaibigan mo"
"Naniwala naman ba?
"Parang...teka sino ba siya bukod sa anak ng boss nyo?
"Siya ang lalakeng nakabuntis sa kaibigan ko at iniwan niya lang"
"Ano!?anak ng!!insan naman bakit hindi mo sinabi edi sana inumbagan ko na ang mokong na yon!aba't gago yon ah!anitong parang papatay ng tao.
"Insan chill ka lang huwag kang umasta ng ganyan sa harapan niya baka mahalata niyang kilala mo si Clarissa"
"Hindi ako makapagpigil sasabihin ko talagang kilala ko ang babaeng binuntis niya lang at iniwan at ngayon tinakwil pa ng Tatang niya dahil sa walang bayag na lalakeng yon!!
"Relax lang insan hindi natin sasabihin kung saan si Clarissa okay?
"Dapat lang noh baka guguluhin pa non at malamang sabihing hindi siya ang nakabuntis kapag malaman niyang buntis si Clarissa..naku mga lalakeng ganyan ang sarap balatan ng buhay!
Ngingiti ngiti nalang si Monica sa reaksyon ng pinsan niya,ito talaga ang galit na galit eh.