KINABUKASAN maaga pa lang gumising na si Clarissa,tumungo agad sa cr saka naghilamos at nag sipilyo pagkatapos niya ay nagbihis na siya at tumungo na sa loob ng Mansion.Hindi niya alam kung dumating ba kagabi si Doña Isabel dahil nakatulog na rin siya kaya nagtimpla na siya ng kape para makainom at makakain na ng agahan.
Pagkaupo niya sa bangko ay siyang pagpasok ni Doña Isabel kaya agad siyang tumayo at nagbigay galang sa amo.
"Magandang araw po Madam"aniya sa amo.
Hindi ito sumagot at nakatingin lang sa kanya kaya nagtataka siya baka may nagawa na naman siyang mali na di niya nalalaman.
"K-kakain na po ba kayo Madam ipaghahanda ko na po kayo"aniya dito.
"H-hindi na ako na ang magtitimpla para sa akin"anito sa kanya.
Sabay kumilos na nga at siya naman ay nanatiling nakatayo dahil hindi niya alam ang gagawin.Ng maya't maya ay bigla itong lumingon sa kanya kaya naabutan nitong nakatingin siya dito kaya agad siyang nagbawi ng tingin,pero nag iwas din ito agad ng tingin sa kanya kaya naninibago siya sa ikinikilos nito ngayong araw eh kahapon lang ang sungit sungit nito sa kanya.
"Maupo ka na Clarissa tapusin mo na ang kinakain mo"narinig niyang wika nito.
"O-okay po Madam"mahina niyang wika at umupo na.
Nagulat pa siya ng umupo sa harapan niya ang Doña habang binaba ang dala nitong baso sa mesa.Naiilang tuloy siya dahil kaharap niya ito.
"May gusto sana akong tanungin sayo Clarissa"anito habang humihigop ng kape.
"A-ano po yon Madam?
"Gaano na kayo katagal magkaibigan ni Monica?tanong nito na kinatingin niya.
"Ahm tatlong taon na kami magkaibigan ni Monica Madam"
"Anong alam mo tungkol sa kanya?
"Tulad po ng ano Madam?
"Tulad ng buhay niya,family,lovelife yung ganon"
"Ah yon po ba..ano..kasi nung nagkakilala kami kamamatay pa lang ng nanay niya kaya hindi ko nakita,tapos yung tatay niya nag DH six months na kami nagkakilala nun,at sa lovelife naman niya pagkaalam ko nakadalawang bf lang eh tapos ngayon wala na"
"Naghirap ba sila?
"Ano nakakain din naman ng tatlong beses sa isang araw"
"Okay"anito.
Nagtataka siya kung bakit ito nagkakaenteres sa kaibigan niya huwag nitong sabihin na aalukin ng trabaho tapos igagaya lang sa kanya.
"Bilisan mo ng kumain dahil may ipakikita ako sayo Clarissa"
Tumango lang siya at binilisan ng kumain,pagkatapos niyang kumain ay sinama siya ng Doña sa ikalawang palapag ng bahay at tumungo sila sa kwarto na nakasulat Joanna Carlota.Pumasok ito sa loob at pinapasok din naman siya saka nagtatatakang nakatingin lang sa ginang na may lungkot sa mukha nito.
"Alam mo bang nagkaanak din ako pagkatapos mamatay ni John Carlo?simula ng ginang.
Bigla na naman siyang kinabahan dahil alam niyang galit ito sa kanya noon.
"H-hindi ko po alam Madam na nagka anak pala kayo ulit"mahina niyang sagot.
"Nagkaanak kami pero ninakaw ng katulong namin at mula noon nawala siya parang bula na hindi namin mahagilap"
"P-po?nabigla niyang wika.
"Umaasa pa rin kami hanggang ngayon na muli namin siyang makita para makuha namin ang aming anak Clarissa"
"Nahanap nyo na po ba Madam?tanong niyang naaawa sa ginang.
Tumingin ito sa kanya at kinabahan tuloy siyang bigla kaya umiwas siya ng tingin.Nagulat siya ng lumapit ito sa kanya at bigla siyang niyakap nito,nabigla siya at hindi siya nakakilos na parang tuod lang habang yakap siya nito.
"Thank you Clarissa"anito sa kanya.
Lalo siyang naguguluhan at hindi niya alam kung bakit ito nagpapasalamat sa kanya,ah dahil siguro nagawa niya ng maayos ang trabaho niya kaya ngumiti siya.
"Wala po iyon Madam ginagawa ko lang po ang trabaho ko ng maayos"sagot niya.
Hiniwalay siya nito at hinawakan siya sa mukha na nakangiti ito sabay umiling iling.
"That is not what I mean Clarissa atsaka sorry kung ginawa ko yon sayo na dapat hindi ko ginawa siguro dahil inisip ko kaya namatay ang John Carlo ko dahil sayo pero believe me hindi na ako galit sayo inunahan lang ako ng pride ko"anito sa kanya.
Napalunok siya habang nakatingin lang sa ginang at hindi niya alam ang kanyang sasabihin.
"I'm sorry Clarissa hindi ko naman talaga gustong pahirapan ka dahil hindi ako ganon at alam kong kilala mo ako"
"A-alam ko po Madam pero okay lang po sa akin yon mabuti pa nga po kayo nagpapakain sa katulong at may matutulugan"
"No..hindi ganon Clarissa hindi tama ang ginawa ko kaya patawarin mo ako"
"Okay na po Madam"ngiti niyang wika.
"Clarissa napakabait mong bata noon at hanggang ngayon mabait ka pa rin"
"Salamat po Madam"
"Tita Isabel..tawagin mo akong ulit Tita Isabel dahil gustong gusto ko yon"ngiti nito sa kanya.
"Po?
"OO Clarissa at mula ngayon dito ka na titira hindi ka magtatrabaho dahil iyon naman talaga ang balak ko na kukunin kita hanggang sa hindi pa kayo nagkakasundo ng Tatang mo"
Lalo siyang nabigla sa sinabi nito at kumurap kurap pa siya baka sakaling panaginip lang ang lahat ng ito.Ngumiti ito sa kanya at hinawakan siya muli sa mukha.
"Nung sinundan kita sa inyo at nalaman kong galit ang Tatang mo sayo gusto na talaga kitang tulungan para may pupuntahan ka pansamantala"
Ngumiti siya dito at gusto umiyak pero nagpigil lang siya at hindi pa rin nagsasalita.
"At nung gabing sinundan kita sa bahay ng kaibigan mo na akala ko bahay nyo mula dun may natuklasan na ako at kagabi ko lang nakompirma ang positive result"
"Ano po yon Ma..Tita Isabel?
"Kaya ako nagpapasalamat sayo dahil sayo nahanap ko na ang hinahanap ko"
"Dahil sa akin ano po yon?
"Si Monica ang kaibigan mo Clarissa siya si Joanna Carlota ang nawawala kong anak"
Nagitla siya sa narinig mula sa ginang ang kaibigan niya anak ni Tita Isabel ang ninakaw ng katulong?ang liit naman ng mundo na ang kapatid ng kababata niya noon ay maging matalik niyang kaibigan ng hindi niya nalalaman.
"H-hindi ko..hindi ko po inaasahan to Tita parang..parang sa mga palabas lang nangyayari ang lahat ng to"aniya.
"Ako din Clarissa hindi ko inaasahan na ikaw din pala ang maging dahilan ng muli kong matagpuan ang anak ko"
"Nalaman na po ba to ni Monica?
"Hindi pa..hindi ko pa sinabi sa kanya"
"May katibayan po ba kayo na si Monica nga si Joanna Carlota Tita Isabel?
"OO..pinapaimbistigahan ko na dahil sa hanagarin kong malaman kung sino siya sa buhay mo akala ko pamilya mo pero iba ang lumabas na resulta"
"Paano pong nangyari yon Tita?
"Lumabas sa imbistigasyon ang pangalan ng mga magulang niya at kilala ko ang mga magulang niya ang katulong namin dati at driver namin"
"Parang ang liit ng mundo Tita"
"Maliit nga talaga Clarissa na kung sino pa ang pinalayas namin noon siya pa pala yung maging dahilan na matagpuan ko ang anak ko"
"Ano pong balak ninyong gawin ngayong alam nyo na ang lahat Tita?
"Hihintayin kong uuwi ang tatay ni Monica saka ko siya kausapin"
"Alam nyo din po kung kailan uuwi si Tito Cesar?
"Hindi ko alam pero maghihintay ako dahil siya ang gusto kong kausapin bago si Monica"
"Kayo po ang bahala Tita Isabel"ngiti niya dito.
"Clarissa thank you so much"
"Huwag po muna kayong magpapasalamat Tita saka na po kapag tanggap na kayo ni Monica bilang tunay niyang Ina"
"Alam ko at sana lang madali niya kaming matanggap ni Tito Romulo mo bilang mga magulang niya"
"Sana nga po Tita saka alam na po ba ni Tito Romulo ang tungkol dito?
"OO sinabi ko na at nabanggit narin kita sa kanya na ikaw ang dahilan kaya ko natagpuan si Joanna Carlota"
Ngumiti siya dito saka pinagala ang paningin sa loob ng kwarto"ang ganda po ng silid bagay na bagay kay Monica kay Joanna pala"
"Thank you Clarissa and I know Joanna gonna like it too"
"Hindi po maarte si Monica Tita Isabel katunayan siya yung taong kilala ko na mukha lang maarte pero hindi pala"
Niyakap siyang muli ni Tita Isabel at umiyak ito,pinayapa naman niya ang kalooban ng ginang dahil ramdam niya kung gaano ito kasaya ngayon dahil nakita na nito ang anak,kung buhay talaga ang isang tao kahit gaano pa katagal na panahon ang lilipas talagang makikita't makikita mo talaga.Pero sa kaso ni John Carlo mahirap na wala ng pag asang makita pa ito kung hindi nakita ang bangkay nito malamang kinain na ng kung anong mabangis na nilalang sa ilalim ng dagat.Sa isiping yon hindi niya napigilang umiyak dahil muling naalala ang matalik na kaibigan.
"Clarissa bakit?tanong ni Tita Isabel.
Nagpahid siya ng luha at sinagot ito"naalala ko lang po si John Carlo"
Mapait itong ngumiti sa kanya"gusto ko ng tanggaping wala na ang John Carlo ko Clarissa dahil ayoko ng umasa pa,natagpuan ko na ang bunso ko pero siya ni hibla ng buhok hindi na namin nakita pa"
"Gusto ko na rin pong pakawalan ang sarili ko sa nakaraan Tita Isabel"
"Gawin mo..yon ang gawin mo Clarissa dahil okay na ako ngayon"
"Salamat po Tita"aniyang niyakap muli ang ginang.
"Halika may ipapakita ako sayo"ani ng ginang sa kanya.
Sumunod siya at dinala siya ng Tita Isabel sa kwarto naman ni John Carlo.
"Bakit po Tita?tanong niya dito.
"From now on ikaw na ang gagamit nito dahil ikaw at si John Carlo ay parang iisa na rin"ani ng Tita Isabel.
"Tita Isabel?
"Please Clarissa pagbigyan mo na ako habang dito ka sa akin"
"Pero Tita nakakahiya naman po ang ganda ng kwarto para sa akin"
"Wala ka namang ipinagkaiba sa amin Clarissa you knew since before you like our own family"
"Pero Tita.."
"Please hija gusto kong bumawi sa ginawa ko sayo kaya pumayag ka na please"anito sabay hinawakan siya sa mga kamay.
Ngumiti siya at tumango"okay po Tita"
"Thank you hija"anito at muli siyang niyakap ng mahigpit"you are my lucky charm Clarissa"ani ng ginang.
"Thank you po ng marami Tita Isabel"ngiti niya dito.
Ngumiti ito"may mga gamit ka na sa closet Clarissa use it habang dito ka sa akin"
"Po?Tita sobra sobra na po ang lahat ng ito"
"Maliit na bagay lang to Clarissa at masaya ako kaya hayaan mo na sana ako okay?
"Kung iyon po ang makakapagpasaya sa inyo Tita hindi ko po kayo tatanggihan"
"Good girl"ngiti nitong wika.
SANTA MARIA CALIFORNIA
Pinuntahan ni Doña Socorro si Dom sa Condo Unit nito dahil hindi na naman ito umuwi sa bahay nila.Ilang araw na silang iniiwasan ng anak mula ng nalaman nito ang kasinungalingan ng asawa.Hindi tuloy niya maiwasang sisihin ang sarili dahil pumayag siya sa pakiusap ni Gustavo.
Pagdating niya sa Condo ay agad niyang binuksan ang pinto dahil may duplicate key naman siyang dala at nadatnan niyang parang dinaanan ng ipo ipo ang loob ng Condo sa daming kalat pinagala ang mga mata at nakahiga sa sofa si Dom na katabi ang maraming bote ng alak na natumba pa ang iilan.
"Dom anak?aniya dito.
"Hmmm"ungol nito at hindi nag abalang magdilat ng mata.
"Dom anong ginawa mo sa buhay mo?aniya dito.
Dahan dahan itong nagmulat ng mga mata at biglang bumangon pagkakita sa kanya at umupo ng maayos.
"What are you doin' here?tanong nito.
"Umuwi ka na mag usap tayo"
"After what all you have done to me you still have guts to see me?
"Hijo sinunod ko lang ang Papa mo dahil sinabi niyang pagdating natin dito sasabihin din naman niya ang totoo sayo"
"What for?bakit nyo kailangang magsinungaling sa akin?sasabihin pagdating dito what the use of doing that after all?asik niya dito.
"Sa pag aakalang iyon lang ang paraan para paghiwalayin kayo ni Clarissa"
"That's bullshit!!!!sigaw nito sabay tapon ng bote ng alak.
"Aaahhh Dominic!gulat na wika ng Ina.
"Sinaktan ko ang babaeng mahal ko dahil sinunod ko ang gusto ni Papa na akala ko..na akala ko may sakit talaga siya yon pala wala!Mama how could you do this to me na ikaw nalang ang taong inaasahan kong matanggap ang relasyon namin ni Clarissa but look what you've done Mama you disappointed me!!
"I'm sorry hijo I'm so sorry"umiiyak nitong wika.
"Buy me a plane ticket right away at tatanggapin ko ang sorry mo if not then you may go and you will never see me again I swear!
"Dominic..."
"You may go now!
"Kausapin mo ako ng maayos Dom please"
"Hindi ko na magagawa yan dahil malaki ang kasalanang ginawa ninyo sa akin lalo na kay Clarissa!anito sabay hinawakan ang Ina at kinaladkad palabas.
"No..No please Dominic don't do this to me hindi ko kayang magalit ka sa akin hijo please I'm sorry"ani ng Ina.
"Go out now I don't wanna see your face!anito sabay pabalyang tinulak ang Ina saka sinara ang pinto.
"Dom please open up mag usap tayo!narinig niyang wika ng Ina pero hindi niya pinakinggan.
"Dom please okay..okay..susundin ko na ang gusto mo pagbuksan mo ako"ani ng Ina sabay pagkatok sa pinto.
Natigilan siya at nilingon ang pinto ng marinig parin niya ang sinabi ng Ina ay pinagbuksan niya na ito.
"Dom!ani ng Ina sabay niyakap siya nito.
Hindi siya kumilos at hinayaan lang ang Ina.
"Huwag ka ng magalit sa akin anak please hindi ko kaya"ani ng Ina at hinawakan siya sa mukha.
"Mama kilala nyo ako hindi ako magkaganito kung wala kayong ginawang kasalanan"
"Alam ko naiintindihan ko..alright bibili ako ng plane ticket para makauwi ka na sa Pilipinas para kausapin si Clarissa"
"T-talaga Ma?hindi siya makapaniwala.
"Yes son you can go"
"Thank you Mama thank you so much"aniya at niyakap ang Ina.
"Para sa kaligayahan mo anak"
"Paano si Papa?
"Ako na ang bahala sa kanya hindi na tayo makikinig sa kanya simula ngayon basta magkakampi tayo"
Tumango siya at ngumiti sa Ina sabay niyakap ito muli.Nagpapasalamat siya at pagbibigyan siya ng Ina kahit hindi niya alam kung mapapatawad pa siya ni Clarissa sa ginawa niya dito.
Umuwi sila sa bahay upang kausapin ang ama niya ay sabihing uuwi ito ng Pilipinas sa mga susunod na araw.
"Uuwi ako ng Pilipinas upang kausapin si Clarissa"aniya sa ama.
"Hindi ako hihingi ng tawad sa ginawa ko Dominic"sagot ng ama.
Nagkatinginan sila ng kanyang Ina saka siya sumagot.
"I don't need your apology dahil hindi mahalaga sa akin yan ang mahalaga ngayon ay makakauwi ako"sagot niya.
"Hindi ko alam kung anong pinainom ng babaeng yan sayo kung anong klaseng lason kaya ka nababaliw sa kanya"
"Mahal ko siya"
Hindi ito sumagot at tumalikod lang sa kanila,hindi na rin siya nag abalang kausapin pa ito.
"Makakauwi ka within this week hijo"ngiting wika ng Ina.
"You can come with me Ma"
"Dito lang ako anak hindi ako pwedeng mawalay sa Papa mo at alam mo yan"
"Alright Ma and thank you"
"No problem..I just hoping na matatanggap ka ulit ni Clarissa hijo"
"Bahala na po basta ang importante nandon ako"
"Good luck hijo"ani ng Ina at niyakap siyang muli.
Sa silid naman ay tinawagan ni Don Gustavo ang taga pangalaga ng kanilang bukirin.
"Yes Ramirez it's me"
"OO may iutos sana ako sayo"
"Paalisin sa lupain ko si Carlito kasama ang pamilya niya"
"Yes pati sa bukid at kailangan mawala na sila sa tinitirhan nila bago ako uuwi dyan"
"Okay right away"
"Thank you bye"aniya sabay pinatay na ang tawag.
"I let you go Dominic pero tinitiyak kong hindi mo sila makikita"aniya sa sarili.
Two days later ay ready na ang ticket ni Dominic pauwi ng Pilipinas and he is so excited to see Clarissa again kahit hindi niya alam kung matatanggap pa siya ng dalaga pagkatapos ng ginawa niya.Sinaktan niya ito ng walang dahilan na ang tanging dahilan niya ay sinaalang alang niya ang kalagayan ng kanyang ama noon na akala niya ay totoong may sakit ito sa puso pero wala pala at pawang kasinungalingan lamang bagay na pinaniniwalaan niya dahilan nasaktan niya ang pinakamamahal niyang babae.
NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT
It's been a months only pero pakiramdam niya mahabang panahon siyang nawala dahil sa California ay para siyang nasa maliit na mundo lamang lalo na't nalaman niya ang pagsisinungaling ng kanyang ama.
"Saan po kayo Sir?tanong ng driver.
"Sta.Rosa"aniya dito.
Ilang minuto pa ay narating na nila ang kanilang Mansion at kaagad siya pinagbuksan ng katulong na tinawagan na ng kanyang Ina para sabihing darating siya ngayong araw.
"Magandang araw po Señorito maligayang pagbabalik po"ani ni Sanya.
"Thank you Sanya"aniya at tuloy tuloy ng pumasok sa loob.
Diretso siya sa kanyang kwarto at naligo agad dahil balak niyang puntahan ang bahay ng dalaga.Pagkatapos niyang maligo ay nagmamadali na siyang nagsuot ng mga damit at ng makitang maayos na siya ay nagmamadali ng bumaba ng hagdan.
"Señorito hindi po kayo kakain dito?tanong ni Sanya.
"No Sanya mamaya pa ako uuwi"aniyang nagmamadali.
Nagkibit balikat nalang niyang sinundan ang batang amo na kararating lang ay aalis din agad.
"Mang Tado yung susi ng kotse?
"Eto po Señorito..hindi ko na po ba kayo sasamahan?
"Thank you!no need Mang Tado"aniya sabay kuha ng susi at gumawi na sa driver seat.
Agad pinasibad ang kotse upang tumungo sa gusto nitong puntahan.
"Clarissa I'm sorry for everything"usal niya.
"Sana maintindihan mo ako kung bakit ko nagawa yon"aniya ulit.
FLASHBACK
Buong araw niyang hindi pinansin ang tawag at text ni Clarissa dahil nag aalala siya sa kalagayan ng ama.Hanggang sa pagsapit ng gabi ay nakalabas na ito ng hospital at kailangan madala agad sa US para doon operahan dahil hindi na kaya ng mga Doctor dito dahil malala na umano ang sakit ng ama.
"Papa bakit hindi nyo sinabi sa amin na may sakit kayo?tanong niya sa ama habang nakahiga ito sa hospital bed at nanghihina.
"Sorry son ayoko lang mag alala kayo ng Mama mo"mahina nitong wika.
"Don't worry we will gonna take you to US para magamot ka agad Papa"aniya.
"Sure son"anito.
Ng bigla na naman nag ring ang cellphone niya at si Clarissa ang tumawag.
"Sasagutin ko lang po ang tawag"aniya.
"Si Clarissa ba yan?tanong ng ama.
"Yes Papa my girlfriend"
"Aah!m-my heart..."ani ng ama sabay hawak sa dibdib nito.
"Papa!?
"Gustavo!?
Panabay pa nilang wika ng Ina at dinaluhan ang ama.
"P-papa?
"D-Dominic please do me a favor for..for last time"mahinang wika ng ama habang nakahawak parin sa dibdib nito.
"Sure Papa sabihin nyo lang"aniyang mababakas ang matindin pag alala sa mukha niya.
"C-can you leave Clarissa for me s-son please?
"Pa?nabigla niyang wika.
Dahil hindi niya inaasahan na hihilingin iyon ng ama kahit batid niyang hindi nito gusto ang dalaga para sa kanya.
"P-please I-I don't really like her for you Dominic ka-kaya pagbigyan mo na ang kahilingan ko ngayon ba-baka hindi na ako magtatagal"nanghihina nitong wika.
"Papa please don't say that"
"C-can you please?
"Papa?
"Gusto kong mamatay akong masaya Dominic at iyon lang ang kasayahan ko"
"No Papa don't say that mabubuhay ka pa ng matagal"
"Promise me now na iiwan mo na si Clarissa"
Napalunok siya at ngayon pa lang ay nasasaktan na siya.Hanggang sa tumango nalang siya sa kanyang ama kahit mabigat sa dibdib niya.
Bumiyahe ang kanyang Ina at ama ng madaling araw dahil kailangan na nitong masuri agad ng Doctor.At siya ay susunod na lamang sa mga magulang.
Masakit sa kanyang iwan si Clarissa at sabihing ayaw niya na dahil mahal niya ito pero wala siyang magawa dahil ang kalagayan ng kanyang ama ang inaalala niya ayaw niyang maging sanhi na pag atake nito sa puso kung magmamatigas pa siya.
Palabas na siya ng Mansion at patungo na sa kotse para pumunta ng Airport ng marinig niyang tinawag siya ni Clarissa.Tiningnan niya ito at ngayon pa lang ay nasasaktan na siya durog na durog na siyang iiwanan ang babaeng mahal niya.
"Dominic?
Napalunok siya habang nakatingin lang sa dalagang papalapit sa kanya,at gusto niya itong yakapin at halikan dahil namimiss niya na ito.Pero hindi niya na magawa dahil nangako na siya sa kanyang ama na iiwan na niya si Clarissa.
"Dom nag aalala ako sayo mula pa kahapon dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag ko at hindi ka rin nag reply sa mga text ko sayo akala ko kung ano na ang nangyari sayo"anang dalaga sa kanya at akmang hahawakan siya nito.
"No!aniya
"Bakit Dom?
"Because I need to go now baka mahuhuli ako sa flight ko!matigas niyang wika at humakbang na.
At nagtitimpi sa totoo niyang nararamdaman,nasasaktan siya.
"Dom sandali lang babalik ka naman dito di ba?tanong ni
Nilingon niya ito at muling akma siyang yayakapin nito pero umiwas siya.God so heartbreaking seeing the love of your life in pain.
"Hindi na ako babalik!aniya.
"D-Dom?usal nito pero nagsalita pa rin naman.
"Dom anong sinabi mo?
"Narinig mo ako Clarissa hindi na ako babalik dito kaya huwag ka ng umasa pa!
"Hindi totoo yan..paano ako Dom iiwan mo na ba ako?
"As I said I need to go now"muli niyang wika.
Hinawakan siya nito sa kamay ng akmang bubuksan niya ang pinto ng kotse.
"Dominic hindi ko alam kung anong kasalanang nagawa ko sayo at bakit mo ginagawa sa akin to"
"Wala ka na bang sasabihin?then get your hand off me!
"Gusto kong malaman kung anong dahilan kaya ka aalis Dom"
"Dahil gusto ko"
"Paano ang relasyon nating dalawa?paano ako Dom?
"Bahala ka na sa buhay mo atsaka nakuha ko na ang gusto ko sayo kaya hindi na kita kailangan pa"aniya pero ang puso niya parang pinipiga ng paulit ulit dahil masakit.
"H-hindi totoo yan!Dominic sinabi mong mahal mo ako di ba at nararamdaman kong mahal mo ako Dominic kaya bawiin mo ang sinasabi mo ngayon!ani ng dalaga at nakikita niyang naiiyak na ito.
"Hindi kita mahal Clarissa sinabi ko lang yon sayo para maniwala ka at naniwala ka naman?sa tingin mo ba magugustuhan kita sa itsura mo na yan?come on Clarissa mataas ang standard ko pagdating sa mga babae at wala ka ni kalingkingan sa babaeng gusto ko!aniya sa dalaga pero sa puso niya hindi ganon"Mahal kita Clarissa mahal na mahal but I need to do this I'm sorry sweetheart I'm so sorry"aniya sa sarili.
"Hindi Dom alam kong nagbibiro ka lang"ani ng dalagang niyakap siya ng mahigpit.
Pero marahas niyang tinulak ang dalaga kaya napasubsob ito sa semento.
"Clarissa!gusto niyang tulungan pero nagpigil siya"
"Dominic..."
"Sinabi ko na sayong hindi kita mahal hindi ba?kailangan mo bang ipagsiksikan ang sarili mo ha?hindi nga kita mahal!!asik niya sa dalaga.
"Dominic hindi ako naniniwala sayo alam kong mahal mo ako Dom kaya please huwag mong sabihin sa akin yan"aniyang tuluyan ng umiyak.
"Bobo ka nga talaga bagay lang sayo ang kinalalagyan mo ngayon dyan sa lupa!
"Dom please mahal kita kaya huwag mo akong iiwan mahal na mahal kita Dominic"aniya habang mahigpit niyapos ang binata.
Hinawakan ni Dominic ang kamay niya saka tinulak ulit ang dalaga at muli itong napaupo sa semento.Pero bumangon siya at lumuhod sabay hinawakan sa paa ang binata habang umiiyak siya.
"H-huwag Dom huwag mo akong iiwan utang na loob gagawin ko ang lahat huwag mo lang akong iiwan Dom"hagulgol niyang wika.
"Ang cheap mo talaga!
Humabol siya at bubuksan sana ang pinto pero nakalock na ito at kumatok sa windshield ng kotse pero hindi binaba ng binata ang salamin at hindi niya na ito makita dahil tented ang salamin.
"Clarissa I'm sorry! I'm so sorry!aniyang hindi na napigilang umiyak.
At hindi na nahihiya sa driver dahil hindi niya na kaya ang sakit eh,punong puno na ang dibdib niya at parang sasabog na siya.Umiiyak siya habang tinitingnan ang dalagang humabol sa kanya hanggang sa nawala na ito sa kanyang paningin dahil malayo na siya.
"I love you! I love you so much Clarissa!aniya.
END OF FLASHBACK
MAPAIT siyang ngumiti ng maalala kung paano niya sinaktan si Clarissa kaya hindi niya alam kung matatanggap siya nito o hindi na.
Pagdating niya sa lugar ng dalaga ay umibis na ng kotse at tuloy tuloy na sa looban at ngayon pa lang ay nagagalak na siyang makita ang dalaga.