ELIZABETH'S POINT OF VIEW
“Narinig niyo na ba ang balita mga mare?”
“Ah oo! Matapos ang sampung taon na pagtitiis ni Julia sa anak-anakan niya ay pinalayas niya na talaga! Grabe naman daw kasi ang ugali, wala raw respeto.”
“Nako! Tama lang 'yon, wala rin naman daw ambag sa buhay nila ang babae na 'yon, pabigat lang daw.”
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko't huminto na ako sa paglalakad. Sa mismong tapat ako ng mga chismosa huminto atsaka pabagsak na binaba ang dala kong mga bag sa harapan nila.
Napatingin naman sila sa akin at para bang gulat na gulat sa nakita.
Tinaasan ko sila ng kilay atsaka isa-isang tinignan mula ulo hanggang paa.
Una kong tinignan ang nasa bandang kaliwa “Hmm... naka-dress, laylay ang dede, pangit ang mukha at sunog pa,” panimula ko.
Nanlaki ang mga mata nito. “Anak nang—”
“In terms of panlabas na kaanyuan... you're five out of one hundred,” pagputol ko sa sasabihin niya.
Sunod ko namang tinignan ang nasa kanan. “And you—batang ina, check. Maitim ang tuhod, makapal ang kilay at hindi rin pantay. Mukha na ring kamatis dahil sa makapal na blush on.” Napailing ako.
“Gago ka ah—”
“Mabaho rin ang hininga, three out do one hundred,” pagputol ko naman sa sasabihin niya.
Pinulot ko na ang bag na kanina ay nilapag ko. Muli kong tinignan ang mga mukha nilang nanggagalaiti na sa galit.
“Bago kayo mag-chismisan sa labas, pwede bang pakiayos muna ng mga itsura niyo?” suhesiyon ko. “Mag-toothbrush rin kayo, masyado ng malaki ang ambag ng carbon dioxide na lumalabas diyan sa mga bibig niyo sa polusyon ng bansa natin,” masungit na sabi ko.
Nagsipagtawanan naman ang mga taong nakarinig din ng mga sinabi ko. Isa na rin ang mga tambay na kanina pa pala nakikinig.
“The best talaga ang mga rebat mo, Elizabeth!” sigaw ng isa sa kanila.
“Oh, mag-toothbrush na kasi kayo, Aling Maria at Rowena! Kayo pala dahilan ng polusyon eh!” segunda pa ng isa.
Ngumiti lang naman ako atsaka muling pinasadahan ng tingin ang dalawang chismosa.
“Oh siya, huwag niyong kalimutan ang bilin ko. Ito na ang huling pagkikita natin dahil lumayas na ako—hindi pinalayas.” Kumaway pa ako nang maglakad na ako palayo sa kanila.
Naglakad ako papunta sa sakayan ng tricycle at nang makarating ay kaagad na ring sumakay sa nauuna sa pila.
“Saan ka, ganda?” tanong ng driver sa akin
“Sa playground, manong,” sagot ko lang naman at hindi kalaunan ay bumyahe na rin kami paalis.
Ako si Elizabeth Madrigal, bente otso na ako at ako nga ang pinaguusapan ng mga chismosa kanina. Pero maling impormasyon naman ang nalalaman nila.
Hindi ako pinalayas ng madrasta ko—dahil kusa akong lumayas. Hindi ko na kasi kaya pa ang ugali nilang dalawa ng stepsister ko, nakakabaliw at nakaka-drain na.
Imagine? Sampung taon na magmula ng mamatay ang papa ko, at sampung taon na rin akong nagtitiis sa pangaabuso nila sa akin. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isipan ko't pumayag akong hindi magaral ng College para makapagtrabaho at makapag-ambag sa bahay.
Pero tignan mo! Ang ipinagkalat na chismis ay pabigat raw ako. Buhay nga naman oh! Sa bagay, kailan ba naging tama ang chismis diba?
Mabuti na lang pala at talagang lumayas na ako. Ang problema ko nga lang... ay saan naman ako titira ngayon?
—
“Thank you po, manong.” Inabot ko na ang bayad ko sa driver nang makababa ako. Andito na kasi kami sa playground ng bayan namin. At dito magandang tumambay para makapag unwind.
Malakas akong napabuntong hininga nang tumingin ako sa playground. Tahimik, at masarap ang simoy ng hangin. Dahil ang playground na ito ay ang harap lang naman ay dalampasigan.
Sakto rin na walang bantay kaya makakapasok ako't dito na muna ako.
“Ice cream, ganda! Sampung piso lang oh?” bungad sa akin ng nagbebenta ng ice cream na nasa tapat ng playground.
Napangiwi naman ako. “Grabe ka kuya ha? Hindi pa nga ako nakakapasok eh.”
Natawa naman ito dahil sa sinabi ko. Hindi pa nga ako um-oo pero inabutan niya na ako ng ice cream na nasa cup.
“Libre na 'yan! Ganda mo 'eh!” aniya.
Natawa naman ako atsaka kinuha 'yon. “So kung pangit ako ay 'di mo ako bibigyan ng libre, kuya?” pabiro kong sabi na tinawanan niya lang naman.
“Saan ba ang punta mo? Ang dami mong dala ah?”
“Ah, maghahanap ako ng trabaho...” simpleng sagot ko lang. Ayaw ko nang humaba pa ang usapan namin kaya nagpaalam na ako't pumasok na ako sa playground.
Mayroon naman itong bubong at mga bakod, kaya safe at malinis sa loob, malilim din kaya naman ay hindi mainit. Idagdag pa ngang malamig ang simoy ng hangin kaya perfect na perfect talaga!
“Ayyy! Sa wakas!” satisfied na sigaw ko nang naupo ako sa fake na Bermuda grass. Nakaharap ako sa dalampasigan at pinapanuod kung paanong kumikinang ang dagat dahil sa tirik na tirik na araw.
Maghahanap ng trabaho? Huh?
Saan naman ako hahanap ng trabaho?
Anong trabaho naman, ay bukod sa lahat—saan na ako titira?!
Bagsak ang balikat ko habang nagiisip ako't kumakain ng ice cream. Lumilipad ang isipan ko't tulala ako.
Hanggang sa bigla na lang mayroong nagsalita sa gilid ko.
“Can I have some?”
“Jusko!” malakas na sigaw ko dahil sa gulat.
Napahawak pa ako sa dibdib ko't nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa batang ngayon ay nasa tabi ko.
Isang batang lalaki na sobrang puti at itim na itim naman ang buhok at mga mata. Nakasuot siya ng simpleng t-shirt, short at sapatos pero mukhang mamahalin!
Nakatingala siya sa akin ngayon, at ang cute-cute niya!
“S-Sino ka? Saan ka nanggaling? Bakit bigla ka na lang sumusulpot?!” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Umiling naman ito. “No... andon ako kanina oh,” sabay turo niya sa slide na nasa likod namin.
Napangiwi naman ako at akmang magsasalita ulit nang unahan niya ako.
“Pahingi ako... ice cream,” aniya sa cute na tono.
Hindi na ako nagdalawang isip pang ibigay sa kaniya ang ice cream na binigay lang din sa akin. Halos kalahati pa naman ang laman non, at mukhang gustong-gusto niya talaga kaya binigay ko na.
Pinapanuod ko lang siyang enjoyin ang ice cream nang bigla niya naman akong samaan ng tingin.
“What are you looking at? Hindi ko na 'to ibabalik, you gave it to me already—kaya akin na 'to!” masungit na sabi niya.
“Ay aba? Sungit mo rin 'eh no? Ikaw na nga binigyan 'eh.”
Naka-pout lang ito, bago ay nagpatuloy ulit sa pagkain.
“Saan ka ba galing? Taga dito ka ba? Nasaan ang mama mo? Ang papa mo? Oh baka naman anak ka talaga ni Snow White—”
“Wala na akong papa—my mom is not here, at hindi ako taga-rito,” sunod-sunod na sagot niya sa mga tanong ko.
Napatango naman ako. “I see... pareha pala tayo. Wala na rin akong papa, at hindi ko naman alam kung sino ang mama ko.”
Gets ko ang nararamdaman ng bata na ito ngayon, dahil ganyan din naman ako noon. Nagmumukmok kapag malungkot ako.
“Really? Wala ka ring parents?” tanong niya sa akin at kumikislap pa ang mga mata.
“Ay? Tuwang-tuwa ka yatang wala akong magulang ah?” natatawa kong tanong sa kaniya.
“No... not really...” nakayuko niyang sabi bago ay natahimik.
Pinasadahan ko siya ulit ng tingin.
Confirm. Pakiramdam ko ay tumakas o naglayas ang batang 'to sa bahay nila.
“Hmm... anong pangalan mo? Sabi mo ay hindi ka taga-rito, eh saan ka nakatira? Na saan ang bahay mo?”
Hindi siya kaagad sumagot, nilapag niya muna ang walang laman na cup ng ice cream sa tabi niya pagkatapos ay niyakap ang tuhod niya.
“I'm Kiel—I mean Mateo... I'm six years old.”
“Huh? Kiel pero naging Mateo, ano ba talaga?”
Sinamaan niya naman ako ng tingin, pero naka-pout siya kaya ang cute-cute niyang tignan ngayon.
“It's Mateo, okay? Mateo ang pangalan ko.”
Tumango naman ako.“Six year's old lang ba talaga ang bata na 'to? Bakit ang galing magsalita at sumagot?” tanong ko sa isipan ko.
“Okay sige, Mateo. Elizabeth naman ang pangalan ko, pero pwede mo akong tawagin na Eli,” pakilala ko na lang din sa kaniya.
Nakatingin lang siya sa akin, habang ako naman ay ngiting-ngiti. Akala ko ngingitian niya ako pabalik, pero hindi!
“Hmmph! Ang pangit ng pangalan mo, ang dami mong kapareha!” masungit niyang sabi.
Nangunot naman ang noo ko't nanggigil na kinurot ang pisngi niya.
“Ahhh! Noo! Ouch!” sigaw niya.
“Ikaw na bata ka, matuto kang gumalang sa mas nakatatanda at maganda! Ang sungit-sungit mo ha?!” tumatawa pero nanggigil na sermon ko sa kaniya.
“Wahh! Opo! Wahh—stop it!” naiiyak niya nang sabi kaya tinigilan ko naman na siya.
Napahawak siya sa pisngi niya, naluluha ang mga mata atsaka nakangusong nakatingin sa akin. Ngiting-ngiti naman akong nakatingin din sa kaniya.
“Oh ano? Galit ka ba? Hmm?!”
Umiling naman siya. “No... sorry,” aniya bago ay niyakap na ulit ang tuhod niya. Bumalik na naman siya sa malungkot na aura.
Bahagya kong sinilip ang mukha niya. “Bakit malungkot ka? Ano bang dahilan at nagiisa ka dito? Alam mo bang delikado 'to? Baka bigla kang ma-kidnap.”
“Hindi naman ako nagiisa... they're always watching me...” halos pabulong niyang sabi pero narinig ko pa rin kaya agad na nangunot ang noo ko sa pagtataka.
Ano raw? Sino raw?
Akmang magtatanong ako nang bigla na lang may humatak sa mga braso ko't pinatayo ako.
“H-Hoy?! Sino kayo—bitiwan niyo ako!” malakas na sigaw ko sa dalawang lalaki na may hawak sa akin.
Hinanap ng paningin ko si Mateo,
papalapit na rin sa kaniya ang mga nakaitim na lalaki kaya sumigaw ako.
“M-Mateo! Takbo! Kidnapping yata 'to—hmpph!” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan ng isa sa may hawak sa akin ang bibig ko.
“You better shut up,” bulong pa nito sa tapat ng tenga ko.
“Hmmp! Hmmp!” pilit na sigaw ko pa rin para kay Mateo.
Pero napahinto ako nang mapansin na hindi naman nakakaramdam ng takot ang bata.
Kilala niya ba ang mga taong 'to?
“Let her go... she didn't do anything wrong...” biglang sabi ni Mateo. Pero hindi pa rin ako binibitawan ng mga taong may hawak sa akin.
Tama nga, kilala niya ang mga taong 'to. Wait—sila ba ang tinutukoy niya kanina napalaging nakamasid sa kaniya?
“Alam mo kung paano magalit ang daddy mo, Mateo...”
Naagaw ng taong nagsalita ang atensyon ko. Isa ito sa mga naglalakad palapit kanina. Nakapamulsa ang mga kamay nito sa trouser niyang suot. Tanned ang skin color at kulang amber ang mga mata. Nakangiti ito, pero parang nakapikit na halos ang mga mata—siguro ay singkit ito?
Daddy?
Akala ko ba patay na ang papa ni Mateo?
Napayuko si Mateo dahil sa sinabi nito. “Yeah...” tanging sabi ng bata. Hinawakan naman ng lalaki ang ulo ni Mateo pagkatapos ay ginulo ang buhok nito.
“You know what to do, right?” Tanong pa nito sa bata, pero sa akin siya nakatingin ngayon.
Nagpumiglas pa rin ako, hanggang sa nakawala na ang mukha ko sa pagkakahawak ng kalaki kaya nakapagsalita na ako.
“Hoy! Sino kayo? Anong gagawin niyo kay Mateo—kilala niya ba talaga kayo?!” lakas loob ng tanong ko sa kanila.
“What should we do about her, Vin?” tanong ng isa sa mga may hawak sa akin.
Tinignan ako ng lalaki mula ulo hanggang paa. “Dispose her,” sabi nito kaya natuod ako sa kinatatayuan ko.
“D-Dispose?! Baliw ka ba?! Ano ako, basura? S-Sa ganda kong 'to?!” inis na tanong ko sa lalaki.
“Mateo! Hindi mo ba ako tutulungan? D-Dahil ba kinurot ko ang pisngi mo?” nagsisimula na akong kabahan dahil nagkakaroon na rin ako ng ideya sa kung ano ang sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon.
Para akong nasa isang action movie!
Tinignan naman ako ni Mateo, walang emosyon ang mukha niya noong una pero mukhang may magandang ideya na pumasok sa isipan niya kaya napangiti siya't tumingala sa lalaking nasa tabi niya.
“Vin... I want her.”
Napangiwi ako. I want her daw, ano ako, bagay?!!
Bumaba naman ang tingin ng lalaki sa kaniya. “Are you sure? He'll be angry, Matt.”
Tumango ulit si Mateo atsaka nakangiting tumingin sa akin. “Yes, I like her. I want her to be my tutor... and my personal nanny. Ako na ang kakausap kay daddy na i-hire siya.”
Tila ba'y naubos na ang dugo sa mukha ko dahil sa mabilis na pangyayaring ito.
What the f-ck is happening.
Kanina lang ay namomroblema ako ng trabaho at tirahan. Pero ngayon naman ay mukhang magiging instant tutor at nanny ako ng isang misteryosong bata na nakausap ko?
Mahabaging langit! Sinuswerte ba ako, o minamalas?! Magiging instant tutor at nanny lang naman ako ng batang binigyan ko ng ice cream!