WARNING: This chapter contains mature contents.
ELIZABETH'S POINT OF VIEW
Tahimik at malamig. 'Yan lang naman ang atmosphere sa loob ng van na kinaroroonan ko ngayon.
Mahabaging langit. Talagang hindi ko pa yata time para mamatay dahil buhay pa rin ako ngayon kahit muntik na akong i-despatsya kanina.
“Eli, kumain ka na?”
Nagbaba ako ng tingin sa batang nagsalita. It was Mateo, of course. Nakaupo siya sa tabi ko—no, to be exact ay nakahiga siya sa lap ko at nakatingin sa akin.
Tipid na ngumiti naman ako. “B-Busog pa ako, Mateo...” sagot ko naman sa kaniya bago ay kinagat ang ibabang labi ko.
Pasimple pa akong tumingin sa mga lalaking nasa harap na row ng upuan at nakasilip din sila dito sa pwesto namin.
Jusko! Bakit parang wala naman silang tiwala sa akin? Parang iniisip nila na kaya kong saktan ang cute na batang 'to!
“Hmm... natatakot ka ba, Eli?” tanong na naman sa akin ni Mateo.
Peke akong tumawa. “Ano ka ba? Hindi ah?”
Nag-pout naman siya. “Namumutla ka,” aniya kaya nakaramdam ako ng konting hiya.
Hala?! Halata bang takot na takot ako ngayon? Sino ba naman kasi talaga ang hindi natatakot?
Matapos akong muntik nang patayin kanina ay wala akong choice kundi ang sumama sa kanila dahil sinabi ni Mateo na gusto niya raw akong maging tutor at personal nanny niya.
Jusko po! Alam kong naghahanap ako ng trabaho at tirahan—pero hindi ko naman lubos akalain na sa ganitong paraan ako makakahanap 'non! Sobrang unexpected. Sobrang nakakamatay!
Napalunok ako at mas yumuko pa, para bumulong sa tenga ni Mateo.
“Siguro ka ba talagang kilala mo ang mga taong 'to?” may halong takot at pagaalala na tanong ko sa kaniya.
Tumango naman siya atsaka ngumiti sa akin. “Yes... personal guard ko si Vin, while the others are guard sa bahay namin,” simpleng sagot niya lang sa akin.
Napaawang naman ang labi ko. “Hala Lord! Sinampal naman ako ng kahirapan ng batang 'to,” saad ko na lamang sa loob ng isipan ko.
Biruin mo? May personal guards, at MGA guards daw sa bahay!
Jusko naman, Elizabeth!
Anong klaseng pamilya ba ang pagtatrabahuan mo ngayon?
Napalunok na naman ako. “G-Ganoon ba? E-Eh sino ba ang p-papa mo? Akala ko ba patay n ang daddy mo? Sino ka ba talaga? Bakit may mga guards ka—”
Napahinto ako sa pagtatanong dahil biglang himagikhik si Mateo. Umupo na rin siya ng maayos atsaka bigla pang hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
“Don't be afraid, Eli. No one will hurt you,” aniya pa habang nakangiti pa rin ng matamis sa akin.
Isa pa 'to.
Six year's old lang ba talaga ang batang 'to?
Bakit parang napaka-galing at matured niya namang magsalita?
Bumuntong hininga ako atsaka ginulo ang buhok ni Mateo. “Oh siya sige, hindi na. Umupo ka na ng maayos dahil baka matumba ka.”
Tumango naman siya pagkatapos ay sinunod ang isipan ko. Napansin kong nakatingin pa rin samin ang mga lalaki sa harap pero hindi ko na lamang pinansin.
Nasa ikatlong row ng van kasi kami ni Mateo, kaming lang dalawa habang ang iba ay nasa harap na. Gusto kasi ni Mateo dito, at mukhang walang magagawa ang mga lalaking 'to kaya umupo na sila sa harapan.
Kaya mas lalo akong napapaisip kung ano nga ba talaga ang katauhan ng bata na 'to. Pananamit pa lang naman kasi ay mapaghahalataan mo nang anak ng mayaman. Kaya mas lalo akong kinakabahan!
What if hindi ako magustuhan ng ‘daddy’ ng bata na 'to? Baka bigla na lang akong i-despose na parang isang basura! Nakakatakot!
—
Hindi naman masyadong mahaba ang byahe namin. In-fact ay mga thirty minutes ay huminto na ang van—at ngayon ang eksaktong pagkakataon na 'yon.
“Eli, hold my hands...” tawag pansin sa akin ni Mateo nang bumukas na ang pinto sa gilid namin.
Nanginginig ang mga kamay na ginawa ko naman ang gusto niya. Hinawakan ko ang kamay niya atsaka inalalayan siya pababa ng van.
Nang makababa kami ay halos masilaw at manlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang isang napakalaking mansyon sa harapan ko. Minimalist ang theme ng mansion na ito, at talaga namang napakagandang tignan.
Napalunok na naman ako at mas lalong kinabahan. Ramdam ko ring tagaktak na ang pawis sa noo ko at malapit na ring mamawis ang mga kamay ko.
“Follow me,”
Natuon ang atensyon ko sa lalaking nagsalita, walang iba kundi ang tinatawag nilang Vin. Nakapamulsa itong nagsimulang maglakad sa pathway na talaga namang parang gawa pa sa marble. Mayroon pa ngang fountain sa kaliwang gilid, at iba't-ibang uri ng nagagandahan halaman at bulaklak. Para akong nasa loob ng isang museum na lahat ng nakikita o nasa paligid at atraksyon.
“Let's go! Let's go, Eli! Ipapakilala kita kay Daddy, hihi ” excited na sigaw ni Mateo habang hinahatak pa ako.
“T-Teka, 'yung mga gamit ko—”
“The men will handle it, just follow me for now, will you?” mukhang iritado nang sabi ni Vin kaya mabilis pa sa alas cuatrong nagsimula na akong maglakad habang hawak-kamay pa rin kami ni Mateo.
Mukha siguro akong out of place ngayon. Paano ba naman. Maduming tsinelas, simpleng t-shirt at tokong na short lang naman ang suot ko. Pero ang nilalakaran ko ngayon ay parang tirahan ng mga hari at reyna dahil sa sobrang ganda.
Hindi ko na nga alam kung saan ako titingin nang makapasok kami sa loob 'eh. Sobrang daming furnitures at mga frames sa pader na nadadaanan namin. Parang may art exhibit sa loob! Jusko.
Ang ipinagtataka ko lang ay wala akong halos nakikita na nga trabahante—for example ay mga maids or katulong. Impossible naman kasi na wala dahil sa sobrang laki ng bahay na 'to. Hindi naman 'to kayang linisin ng iisang tao lang.
“Mateo, wala ba talagang mga maid dito?” tanong ko kay Mateo habang naglalakad kami.
Papalapit na kami sa isang malawak na espasyo ng mansyon, sa palagay ko ay ito na 'yung salas. Pero may nakikita rin akong hagdan na paakyat sa second floor. Maging mga pintuan na mukhang mamahalin.
Tumingala sa akin si Mateo. “Meron, baka pinapasok muna sila ni Vin,” sagot niya naman.
Hindi ko gets ang sinabi niya pero tumango na lamang ako.
Pinapasok? Saan naman kaya?
“Wait here for now, the boss are still doing something—”
“No, I want him here now!” pagputol ni Mateo sa sasabihin sana ni Vin. Naka-crossed arm pa nga ang bata at masungit ang mukha ngayon kaya napangiwi na ako.
Tinaasan naman siya ng kilay ni Vin. “Oh really? Kung ganiyan ka aakto sa harap ng daddy mo, siguradong hindi mo magugustuhan ang mangyayari, Mateo.”
Mukhang natakot naman si Mateo sa sinabi ni Vin dahil napahawak sa legs ko ang bata.
Bahagyang nangunot ang noo ko bago ako tumingin kay Vin. “B-Bakit po takot siya? Sinasaktan po ba siya ng daddy niya?” walang preno kong tanong.
Mukhang hindi nagustuhan ni Vin ang tanong ko dahil humakbang siya palapit sa akin atsaka pinantayan ang mukha ko.
“Elizabeth... right?”
Tumango ako.
“You won't last here, kung mas paiiralin mo ang curiosity mo't walang kaprenohan ng bibig mo.”
Napaatras ako dahil sa sinabi niya. Nagiwas na lang ako ng tingin.
Totoo naman. Kung gusto ko nga naman na magtrabaho dito, kailangan ay hindi ako lalampas sa line.
I can't crossed the line. Kailangan ko lang maging tutor at nanny ni Mateo kung mapagdesisyon man ng daddy niya na i-hire ako.
“Don't scare her!” biglang singit ni Mateo kaya napunta naman sa kaniya ang atensyon namin. Talagang magkasalubong ang kilay niya at mukhang galit siya kay Vin.
Ramdam ko rin naman kasi ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit may ganitong tensyon sa pagitan ng isang six year's old na bata, at personal guard nito?
Anong klaseng household ba itong napasukan ko at parang masyadong aggressive ang mga tao rito?
“I'm not scaring her, Mateo...” Umiiling-iling si Vin. “You know what? Forget it.”
Tumingin sa akin si Vin. “Follow Mateo, ituturo niya ang kwarto niya—”
“No!!! Ako na, I'll change my clothes all by myself!” biglaang sigaw ng bata at agad na nagtatatakbo paakyat ng hagdan.
Bakas ang gulat sa mukha ko dahil sa naging reaksyon niya. “Na paano 'yon?” bulong ko pa sa hangin.
“Follow him, you'll be his nanny afterall.”
Parang umurong ang dila ko't hindi ako agad nakapagsalita. Naglakad naman na palayo si Vin at hindi ko na siya natanong pa kung saan banda ang kwarto ng bata.
Natampal ko na lamang ang noo ko.
“Punyeta ka, Elizabeth! Ano bang pinagagagawa mo? Trabaho 'to! Trabaho! Kailangan mong magtino kung gusto mong magkaroon ng trabaho at matutuluyan.” Sermon ko sa sarili ko habang naglalakad ako paakyat ng hagdan at yakap pa ng sariling mga braso.
Lord, ito ba talaga ang gusto mo? Ito ba ang plinano mo para sa akin?
Nang sa wakas ay makarating na ako sa second floor ay halos malaglag ang panga ko dahil sa bumungad sa akin.
“s**t, saan ang kwarto ni Mateo?” bagsak ang balikat na tanong ko sa hangin nang makita ang MGA pinto!
Napakamot na lamang ako sa ulo ko atsaka nagsimula nang tahakin ang hallway.
Sa totoo lang, nakakahiyang itapak ang tsinelas ko sa sahig. Ang ganda kasi 'eh, malinis pa. Parang bawat hakbang ko ay sinasampal ako ng kahirapan.
“Hanggang dito mag mga furniture pa rin...” bulong ko ulit nang makita ang nga nakahilerang furnitures at mga paintings sa bandang kaliwa.
Napahinto ako nang makita ang pinakadulong pinto na bukas.
“Aha! Talaga naman ang batang 'yon oh? Di pa sinara ang pinto.” Agad na akong naglakad palapit 'don sa pinto.
Baka kung ano nang ginagawa ni Mateo 'eh. Baka masyadong mataas ang cabinet niya or what. Edi ako pa ang may kasalanan kapag nahulog siya.
Nakangiti kong tinulak ang pinto atsaka sinigaw ang pangalan ni Mateo.
“Mateo! Bakit hindi mo ako hinintay—”
Pero hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil tila umurong ang dila ko sa aking nadatnan.
Hindi si Mateo ang nasa harapan ko ngayon at nasa loob ng kwarto. Kundi isang lalaki na walang saplot! Mula ulo, hanggang paa ay kitang-kita ko.
Tumutulo pa ang tubig na galing sa basa niyang buhok. Kitang-kita ko rin ang matambok niyang pwet at—
Napatakip ako ng mukha ko at akmang mabilis na isasara na sana ang pinto. Pero bigla na lang nitong hinatak ang braso ko, sabay sarado ng pinto bago ako tinulak 'don.
Nakasandal ako ngayon sa pinto habang nakaharang naman sa harapan ko ang
hubo't-hubad na katawan ng lalaki.
Hawak niya rin ang dalawang kamay ko na naka-diin pa sa pinto na nasa likod ko.
“Who the f-ck are you?” malutong niyang tanong sa akin. Ramdam na ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa mukha ko.
Alam kong dapat akong matakot sa lalaking 'to. Pero bakit hindi mapigilan ang sarili ko na tumitig sa eight pack abs at... at—malaki nitong hotdog?!!
“Oh my God! Totoo ba 'yan?! T-T-ngina! Bakit ang haba at ang taba?!” Hindi makapaniwalang bulong ko.
“I said who the f-ck are you?!” biglang galit na tanong din ng lalaki kaya nanlaki ang mga mata ko't napatingala na ako sa kaniya.
Mahabaging langit... s-sino ang lalaking 'to?
Pinagpala na sa ibaba, at pinagpala rin sa itsura?!