Kabanata 003: The Devil

1822 Words
ELIZABETH'S POINT OF VIEW “A-Ano—Ako po si E-Elizabeth—” Napalunok ako nang magtama ang paningin naming dalawa. Oh my God! Makapigil hininga ang face card ng lalaking hottie na nasa harapan ko ngayon. Maputi ito—parang hindi Pinoy! Itim na itim ang mga mata, pati na rin ang buhok. “I didn't ask for you name, woman!” Napapitlag ako dahil sa gulat nang bigla na naman siyang sumigaw. Nanlalaki pa ang mga mata ko nang makipag-eye to eye na naman ako sa kaniya. Mukhang galit na galit talaga siya ngayon. Ramdam ko na ang galit niya dahil mas mahigpit na ang pagkakahawak niya sa mga braso ko. “A-Aray ko, bitiwan mo po kaya muna ako—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang lumipat ang kamay niya sa mukha ko. Sakop na sakop ng isang kamay niya ang panga at pisngi ko. Pinatingala niya ako sa kaniya habang nanlilisik pa ang mga mata na akala mo'y isa siyang demonyo! “Who sent you?” malamig na tanong niya sa pagkakataong ito. Mas nanindig ngayon ang balahibo ko dahil sa malamig niyang boses. Para akong na-estatwa't umurong ang dila ko dahil pakiramdam ko na isang maling salita lang na lumabas sa bibig ko ay katapusan ko na. Pinilit kong umiling-iling para iparating sa kaniya na walang nagpadala sa akin dito. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganito siya kagalit ngayon—parang kayang-kaya niya akong patayin ngayon mismo. “You're not one of our maids... and yet you still insist on lying? Sa mismong mukha ko pa talaga?” Jusko! Ano bang sinasabi ng lalaking 'to? Hindi ba siya nakinig sa sinasabi ko kanina? Hinugot ko ang lahat ng lakas ng loob na mayroon ako para itulak siya. Pero hindi man lang siya halos matibag. Hindi makapaniwala ang ekspresyon sa mukha ko nang makita na nakangisi pa siya at tila inaasar ako ngayon. “Hmm? Planning to tell the truth now? Don't worry... hindi naman kita papatayin—” Yumuko siya't bumulong sa gilid ng tenga ko. “Papahirapan muna kita. Because bitches like you doesn't deserve to die easily.” Parang may kung anong turnilyo na pumitik sa utak ko dahil sa mga pinagsasabi ng lalaking 'to. This time, ay hindi niya hawak ang isang kamay ko kaya 'yun ang ginamit kong pansampal sa mukha niya. Gulat na gulat pa siya to the point na binitawan niya ang mukha ko at napaatras. Hindi yata makapaniwala na nag-landing ang palad ko sa pisngi niya. “Ano? Gulat ka 'no?!” kunot ang noo na tanong ko. “'Yan ang dapat sa'yo! Hindi ko alam kung anong problema mo, at bakit hindi mo ako tanungin ng maayos? Ni-hindi ko nga maintindihan 'yang sinasabi mong ‘who sent you’ ‘who sent you’ na 'yan eh!” Hindi ko na kaya! Ang palaban kong ugali ay hindi makakapagtimpi kapag ganitong inaapi ako. Alam kong... yummy ang lalaking 'to! Pero dahil sa pinakita niya ay demonyo na siya para sa akin! Demonyo na ang tingin ko sa kaniya! Isa siyang Devil! Capital D. E. V. I. L—DEVIL! Bahagya kong hinimas ang mukha kong masakit dahil sa panggigigil niya kanina. Sinamaan ko pa siya ng tingin. “Hindi ako pinadala ng kahit sino dito. In fact—biglaan lang na mapadpad ako dito.” Medyo kalmado na ang boses ko this time. Napapaiwas na nga ako ng tingin sa kaniya dahil hindi ko maiwasang makita ang malaki, mataba at mahaba niyang oten! Jusmiyo, legit ba 'yang size na 'yan?! “Imagine? Nakakita lang ako ng bata sa park, binigyan ko ng ice cream, kinurot ko ang pisngi pagkatapos may mga dumating na lalaking nakaitim at muntik pa akong i-papatay! Pero shwala! Dahil gusto ako nung bata ay heto ako ngayon sa mansyon na 'to.” Sinamaan ko na naman siya ng tingin pagkatapos kong mapaliwanag. “Heto ako't nasa harapan ng isang hubo't-hubad na lalaking may...” Bumaba na naman ang tingin ko sa oten niya. Jusmiyo! Ang laki talaga. Teka—bat ba kasi don ako tumitingin. Umiling-iling ako. “Ehem!” Pasimple kong tinignan ang reaksyon sa mukha ng lalaki. Blangko ang mukha nito. Wala man lang ka-emosyon-emosyon. Explanation ang kailangan niya diba? Binigay ko na ah? Bakit ganiyan pa rin ang reaksyon niya? “A-Ano na? Wala ka man lang sasabihin? Matapos mo akong gamitan ng dahas? Huh?!” masungit kong tanong. Nako, nako. Ang devil na 'to?! Akala niya ba uubra sa akin ang mga ganiyang ugali? Walang sinasanto ang bibig ko 'no! Tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa. Parang jina-judge ako. Eh siya naman 'tong ka-judge-judge ngayon dahil wala siyang kahit anong saplot na suot. “Ano na—” “Boss, young master has arrived along with his new uh... nanny. He's throwing a fit earlier and wanted to see you right away... are you done changing?” Napapihit ako paharap sa pintuan na nasa likuran ko. May kumatok at nagsalita mula sa labas. At kilala ko ang boses na 'yon. “S-Si Vin 'yon...” bulong ko sa hangin. Anong sinabi niya? B-Boss?! Boss?!! Napalunok ako habang nanlalaki ang mga mata. Sa tingin ko'y namumutla na ako ngayon dahil bumalik na ang takot na nararamdaman ko. Boss daw... boss... ang lalaking nasa likuran ko ngayon at walang saplot ay tinawag na boss ni Vin! Jusko! Baliw ka Elizabeth! Oo nga naman—kapareha nga naman ni Mateo ng itsura ang lalaking 'to! Itim na itim nga naman ng buhok at mga mata! Gusto kong sampalin at sambunutan ang sarili ko ngayon. Unang araw pero katangahan na kaagad ang ginawa ko. “I'm done, Vin... I'll be there in ten minutes.” Wala naman na akong narinig na sumagot mula sa labas. Vin! Bakit umalis ka na?! Dapat binuksan mo ang pinto at— “Tatayo ka lang ba diyan, babae?” Napaigtad ako nang biglang akong kausapin ng lalaking nasa likuran ko. “A-Ahh—ano 'eh—” “Get out.” Pagputol niya sa sasabihin ko kaya agad akong napaharap sa kaniya. Pero napayuko rin nang mag face to face na naman kami ng oten niyang mataba at mahaba. “A-Ano—” “I said get the hell out, I'm done listening to your rants.” Bigla akong nahiya dahil sa sinabi niya. Rants daw? Eh gusto niya ngang malaman kung sino ako diba... Nakayukong binuksan ko ang pinto. Mabilis pa akong lumabas pero dahan-dahan lang ang pagsara ko 'non. Tagaktak ang pawis sa noo kong parang nanghihina pa ang tuhod ko ngayon. Hindi ako makalakad! Punyeta! “Eli?” Napalingon ako sa munting boses na tumawag sa akin. Bumungad sa akin ang cute na mukha ni Mateo na nakakunot pa ang noo. “M-Mateo!” nauutal pero tuwang-tuwa kong tawag pabalik sa kaniya. “Bakit galing ka sa room ni Daddy?” nagtataka niya pang tanong ng makalapit siya sa akin. Para na akong mabubulunan dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Confirm... daddy niya nga ang lalaking 'yon—ang future boss ko! “A-Ahh—a-akala ko kasi 'yan ang room mo. Pero wala namang tao kaya lumabas na ako, hehe,” pagsisinungaling ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay. “Really? Okay!” Nabawasan ng tinik ang lalamunan ko dahil naniwala rin siya agad. Buti naman, Mateo! Baka himatayin na ako sa takot at kaba kung magtatanong ka pa. “Let's go down! Maybe dad is already there...” aniya bago ay hinawakan ang kamay ko. “Y-Yes!” pagsangayon ko naman at naglakad na rin kasama siya. “Eli, why are you sweating so much? May sakit ka ba? You have a fever?” sunod-sunod na tanong ni Mateo sa akin habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Pilit na ngiti lang naman ako't pinapakalma pa rin ang sarili ko. “A-Ahh! Ang init kasi 'don sa kwarto na 'yon eh. Pawisin kasi ako.” Tumango-tango naman siya. “I see...” Tumakbo na siya palapit sa sofa nang makababa na kami. Natigilan pa ako nang makita na andon si Vin. Nakapamulsa at nakatingin sa akin. Napalunok ako atsaka pilit na umakto ng normal ng papalapit ako sa kanila. Nang dadaan naman na ako sa tapat ni Vin ay saka naman siya nagsalita. “I warned you, didn't I?” aniya kaya napatingin ako sa kaniya. “That curiousity and sharp tongue of yours will do you no good, Miss Elizabeth.” Hala?! Alam niya bang nasa loob ako kanina? Tangina, nakakahiya naman! At talagang hindi niya binuksan ang pinto para isalba ako ha? “Oo na... salamat sa babala mo,” sagot ko na lamang bago ay kinakabahan pa rin naupo na rin sa sofa at tabi ni Mateo. “Where is he, Vin?” tanong ni Mateo kay Vin. “He'll be right here within ten minutes. By any chance, do you want something, Mateo?” Lumiwanag ang mukha ni Mateo dahil sa tanong ni Vin. “Yes! Carbonara please, and juice para sa amin ni Eli.” “Sure, wait here while I make some for ya'll.” “M-Mateo, nakakatakot ba ang daddy mo?” bulong ko kay Mateo. Napaisip naman siya. “Hmm... yeah? Hindi kami magkasundo ni daddy. Palagi siyang wala rito, at gusto niyang palagi lang akong nakakulong dito kaya naglayas ako ngayong araw.” F-ck. I'm doomed. Katapusan ko na! Haha! Goodbye, Elizabeth. Matapos ng mga kaganapan at mga sinabi mo kanina ay siguradong mapapatalsik ka sa trabaho na 'to. That man is a devil after all! Napahinto ako sa pago-overthink nang maramdaman ko namang hawakan ni Mateo ang kamay ko. “Don't worry, Eli. Siguradong papayag si daddy na i-hire ka. I'll promise him na hindi na ako tatakas from now on dahil may kasama na ako rito sa bahay.” Ngiting-ngiti niyang sabi. Parang hinaplos naman ang puso ko dahil sa sinabi ng cute na batang 'to. He's just six year's old, pero ganito na siya magsalita at umakto. Parang napaka-matured kumpara sa age niya. Ganito ba talaga ang mga batang kinulang sa atensyon ng mga magulang? Ganito ba talaga ang mga batang mayayaman? “Mateo.” Napalingon kami ni Mateo nang marinig ang tinig na tumawag tumawag sa kaniya. Napalunok pa ako nang magtama na naman ang paningin namin. Pababa na siya ng hagdan ngayon. Nakasuot siya ng simpleng dry fit na black t-shirt kaya bumabakat ang mga abs niya't biceps. Pinaresan niya ito ng loose na kulay gray jogging pants. Sh-t, ang hot niya kahit simple ang outfit niya. “Daddy...” tawag din ni Mateo sa daddy niya. Nakalapit na ito at nasa mismong harapan na namin. Hindi ko maiwasang mapayuko dahil nakaramdam na naman ako ng kaba. Lord, I promise—lilimitahan ko na ang bibig na 'to! Lalagyan ko na ng preno, so please— Sana hindi ako ipa-despose ng devil na 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD