Kabanata 004: The Deal With A Devil

2140 Words
ELIZABETH'S POINT OF VIEW “Oh, you're here,” Napalingon ako kay Vin na kababalik lang galing sa kusina. Dala niya na ang cookies at juice na ni-request ni Mateo kanina. “Yeah...” sagot naman ng ‘daddy’ ni Mateo na ngayon ay nakaupo sa solo sofa na nasa kabilang side ng babasaging mesa na nasa tapat namin. Daig ko pa ang sasalang sa isang interview ngayon. Straight na straight lang naman ang pagkakaupo ko atsaka tikom na tikom ang bibig. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang tamang posisyon ko ngayon. Masyadong malakas ang t***k ng puso ko dahil kinakabahan ako. At hindi ako komportable sa presensya ng lalaking 'to. Oh God! Bakit ko ba kasi siya nakitang hubo't-hubad at nakipagtalo pa talaga ako? Bakit din naman kasi hindi pumasok sa utak ko na baka daddy ni Mateo ang lalaking 'to?! Punyeta, wala pa akong twenty-four hours dito sa loob ng mansyon pero grabe na ang mga pangyayari at kahihiyan na naranasan ko. “State your name,” “H—Huh?” gulat na reaksyon ko matapos marinig na magsalita ang lalaki. Sandali akong nagangat ng tingin sa kaniya, pero kalaunan ay nagiwas na rin ako ng tingin dahil nakakapanghina na makipagtitigan sa mga mata niya. “Elizabeth Madrigal po, twenty-eight year's old po...” simpleng sagot ko. Dahil nga nakayuko ako ay nahagip ng tingin ko si Mateo. Nakatingala at nakangiti ito sa akin ngayon. Kumuha siya ng cookie pagkatapos ay inabot 'yon sa akin. “For you, Eli,” aniya sa matamis na pananalita. Kinakabahang tinanggap ko naman 'yon atsaka ngumiti pabalik sa kaniya. Ang batang 'to... parang pinapakalma niya ako. “Daddy, I want her to be my tutor and nanny.” Nasamid ako sa sarili kong laway dahil direktang pagkakasabi 'non ni Mateo. Nanlalaki pa ang mga mata na bumaling ako sa daddy niya. Naka-decuatro na ito ngayon, habang nakahalumbaba at ang braso ay nakalapag sa sandalan ng sofa na kinauupuan nito. Nako! Nakakatakot ang vibes! Bagay talaga maging devil! “At bakit sa tingin mo ay papayag ako, Mateo?” Napalunok ako dahil sa malamig na boses nito. Nakababa na lang ang tingin ko at na-kay Mateo. “Because I wanted her. I won't be a brat anymore kung iha-hire mo si Eli. She's a good person.” Tila hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi ng bata. Grabe naman. Ganoon niya ba talaga ako kagusto na magalaga sa kaniya? Parang pumapabor sa akin ang lahat ng nangyayari ah? Ganito ba talaga kapag will ni Lord? Rinig ko ang mahinang pagtawa ng daddy ni Mateo. Pasimple akong tumingin sa kaniya at hindi inaasahan na nagsalubong ang paningin namin. Napaigtad ako dahil sa gulat, pero hindi ko pinutol ang titigan naming dalawa. “A good person... huh?” nakangisi nitong sambit. Nanindig ang balahibo ko. Bigla ba namang nag-play sa utak ko ang flashback ng mga pangyayari sa loob ng kwarto ng lalaking 'to. Mabilis na akong nagiwas ng tingin. Parang hindi ko na kayang makipagtitigan pa sa kaniya 'eh. “Yep! I want her, daddy. Wala rin siyang family, wala siyang tirahan kaya dito na lang siya.” Napangiwi naman ako dahil sa detalye ng current life ko na inisang bagsakan lang ni Mateo. Ang harsh pakinggan, pero wala 'eh—totoo naman talaga ang sinabi niya. Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Walang ni-isang nagsalita, kaya mas lalo na akong kinabahan. I think, hindi ako iha-hire ng lalaking 'to. Kaya siguro hindi ito makapagsalita. “Daddy! What's your answer?” biglang basag na lamang ni Mateo sa katahimikan. Hinawakan ko ang kamay ng bata. Para kasing naiiyak na siya dahil sa isipin na hindi masusunod ang gusto niya 'eh. Tumingin naman siya sa akin. “Ano ka ba, Mateo. Hindi magandang sinisigawan mo ang daddy mo,” saad ko. Lumambot ang ekspresyon sa mukha ng bata bago ay yumuko ito. “He's not answering, Eli. I really wanted you to be with me here...” Napangiti na naman ako dahil sa sinabi niya. “Ang sweet niya talaga...” sambit ko sa isipan ko. Ginulo ko ang buhok ni Mateo pagkatapos ay lakas loob nang umayos ng upo atsaka sinalubong ang tingin ng daddy niya. Nakatingin din ito sa akin at mukhang hinihintay ang mga susunod kong sasabihin. “D-Daddy ni Mateo... alam ko long awkward ang unang pagkikita natin—marahil ay ayaw mo akong i-hire dahil 'don. Pero please...bigyan mo po ako ng chance na patunayan ang worth ko dito.” Never in my life na naisip kong magmamakaawa ako para lang makuha ang isang trabaho—pero heto ako ngayon, nagmamakaawa sa demonyo na 'to. Naghintay ako ng sagot niya. Pero mga mare! Tinitigan niya lang talaga ako. Nakakaiyak na! Nakakaiyak na ang katahimikan. Bagsak na bagsak na ang balikat ko at tanggap ko nang hindi ito ang future na para sa akin. Pero bigla namang nagsalita ang daddy ni Mateo. “Vin, take Mateo somewhere,” “What?! No!” agad na protesta ni Mateo nang marinig ang sinabi ng daddy niya. Oh my God! Papatayin niya na ba ako? Ide-despose niya na ba ako?! “T-Teka naman, s-sabihin mo na lang po kung 'di niyo ko iha-hire—” “Shut up, will you?” pagputol naman nito agad sa sasabihin ko. Naitikom ko kaagad ang bibig ko't bumaling may Mateo. Hawak-hawak na siya ni Vin at iiyak na rin ito. “Don't you dare hurt her, Vhon!” biglang sabi ni Mateo kaya nagulat ako. Ano raw? Vhon? Sino si Vhon? Napansin kong natigilan silang tatlo, pagkatapos ay yumakap na lang si Mateo kay Vin at agad na rin silang umalis. Naiwan kaming dalawa ng daddy niya rito sa salas—mukhang ito ang Vhon na tinatawag ni Mateo kanina. Vhon... Vhon siguro ang pangalan ng lalaking 'to. Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Kulang na lang ay tawagin ko na ang lahat ng santo dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko. “What the f-ck are you doing? Bakit ganiyan ang itsura mo?” tanong niyo sa akin. “N-Nakakatakot ka 'eh. Malay ko ba bigla mo na lang i-despose ang katawan ko, Sir...” makatotohanang sagot ko sa kaniya. Totoo naman 'eh! Kahit gaano katabal ang dila ko ay wala pa rin naman akong laban sa lalaking 'to. “Idiot,” rinig kong sabi niya kaya napantig ang tenga ko. Mabilis pa sa alas cuatro na sinamaan ko siya ng tingin. Salubong na salubong ang kilay ko. “Tinawag mo ba akong idiot?! Hindi ako bobo 'no? Totoo naman po kasi talagang nakakatakot ka, kahit nga po anak mo ay takot din sa'yo.” Oh God! Elizabeth! Heto ka na naman sa walang preno mong bibig. Kung bakit ba naman kasi nakakapikon ang lalaking 'to! Nakakainis! Kitang-kita ko kung paanong tinarayan niya ako. Kaya mas lalong naginit ang ulo ko. Jusko! Papatayin niya na nga lang ako pero bibwisitin niya pa ako. Bibigyan niya pa yata ako ng dahilan para hindi matahimik ang kaluluwa ko pagkatapos ah? “Ms. Madrigal, stop overthinking,” Umiling-iling ako. “Kahit sinong nasa posisyon ko ngayon ay mago-overthink po talaga sir!” protesyon ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay. Sandali siyang natahimik pagkatapos ay bumuntong hininga. Aba? Parang pinapakita niyang wala akong kwentang kausap ah? Minasahe niya rin ang sintido niya bago siya nagsalita. “Wala akong sinabi na ayaw kitang i-hire, at wala rin akong sinabi na may gagawin akong masama sayo—patayin ka, to be exact. You're overthinking too much.” Totoo nga naman ang sinabi niya... pero kahit na! Hindi pa rin magaan ang loob ko sa kaniya. “My son, Mateo... pick you himself. I believe in him, kaya hahayaan ko siya sa gusto niyang mangyari. The only problem is...” Tinitigan niya ako. Pigil ko ang paghinga ko habang magkatitigan kami ngayon. “Can you even fulfill your duty, Ms. Madrigal?” Simple lang ang tanong niyang iyon, pero bakit pakiramdam ko ay may iba pa 'yung ibig sabihin? “How can I be sure that you wouldn't do anything perverted with my son—” “Mawalang galang na po!” May pa-hampas effect pa ako sa lamesa. Hindi ko na pinatapos pa ang gusto niyang sabihin dahil hindi ko na agad ito nagustuhan. “Anong ibig mong sabihin sa perverted?! Hindi po ako manyak!” Nakakagigil ang lalaking 'to! 'Yan ang problema niya?! “Hindi porket nakita o tinignan ko ang hubad mong katawan kanina ay manyak na ako. Dahil una sa lahat, ay hindi ko ho ginustong makita ka sa ganoong sitwasyon—” “But the way you look at my body, it looks like you wanna devour me.” Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Agad din naginit ang mukha ko. Jusmiyo! Tinatraydor ako ng sarili kong katawan! “H-Hindi pa rin ibig sabihin 'non na manyak ako, sir! Virgin ako! Never been touch and never been taste! First time kong makakita ng...n-ng walang saplot na lalaki. Kaya normal ang reaksyon ko.” Ahhh! Ang tanga mo, Elizabeth! Bakit hindi mo itinanggi?! Nakita ko na ang pagtaas ng isang sulok ng labi niya. “So inaamin mong naakit ka sa katawan ko, huh?” Natampal ko na lamang ang buong mukha ko. Halos sambunutan ko na rin ang sarili kong buhok dahil sa inis at gigil ko sa lalaking 'to. Humugot ako ng malalim na paghinga. Pinakalma ko na muna ang sarili ko pagkatapos ay seryoso nang tumingin sa kaniya. “Sir, seryoso ako sa trabaho ko—kung iha-hire niyo ako. Mahilig ako sa bata, matalino din naman ako ket papaano kaya pwede niya akong maging tutor. Naging babysitter din ano noon—kaya suitable ako para maging nanny ni Mateo. Pero kung ayaw niyo ho talaga akong i-hire dahil pakiramdam ko ay manyak ako dahil nakita kitang walang saplot—then nirerespeto ko po ang desisyon mo.” Tumayo na ako. “Aalis na po ako.” Tumalikod na ako at akmang aalis na nang hawak niya naman ang kamay ko. Pangalawang beses na itong nangyari—pangalawang beses, pero grabe ang t***k ng puso ko. Agad akong lumingon at tumingala sa para tignan siya. “I told you, na wala akong balak na hindi kai-hire, Ms. Madrigal.” Baliw ba siya? Baliw siguro siya 'no? Eh kung ano-ano ang binintang niya sa akin—na manyak ako pagkatapos ganito ang sasabihin niya? “Sir, kung pinagtitripan niyo po ako—” “Mateo and I are both celebrities, kaya hindi mo ako masisi if I'm just being cautious.” Natigilan ako dahil sa narinig ko. "Celebrities? Artista kayo?” Hala? Kaya pala kakaiba ang charisma nilang dalawa ng anak niya. Binitawan niya na ang braso ko. “Yeah, he's a childstar and a model—same as me. There was a time that we hired someone to watch over him. Pero may hindi magandang ginawa ang babaeng 'yon sa anak ko.” Napasinghap ako dahil sa sinabi niya. “Ah... so planado ang ginawa mo kanina? Na ipakita sa akin ang hubad mong katawan? As a trial?” Nangunot ang noo niya. “What? Of course not! That was all a coincidence, Ms. Madrigal.” Tumango-tango naman ako. “Okay... so, tinatanggap mo ako sa trabaho, Sir?” “Yeah, of course. We'll talk about the rules, as well as your payment.” Nagliwanag ang mukha ko dahil sa tuwa matapos marinig ang sinabi niya. Pera! Payment daw! Shet! “Sure 'yan, Sir? Tanggap na talaga ako? Wala nang bawian 'yan ha?” ngiting-ngiti kong tanong sa kaniya. Nakangiti rin siya ngayon. Pero pansin ko ba ang labi niya lang, dahil ang mga mata niya ay hindi kasama sa mga ngiti niya. “Yeah, fifty thousand per month. Kailangan mong turuan ng basic education ang anak ko, take care of him inside of the mansion and accompany him even on his shootings.” Napa-thumbs up ako. “'Aba, 'yun lang pala 'eh—” “And lastly...” Ay may last pa? "An extra fifty thousand pesos – to warm my bed and take care of every single need I have through the night." Tila nag-echo sa tenga ko ang sinabi niya sa akin. Noong una ay hindi ko na-gets 'yon, pero nang ma-gets ko ay agad na naginit ang mukha ko. Parang sasabog sa init! Pulang-pulang na siguro 'yon ngayon. “A-Ano?! Ayo—hoy! Sir! Joke lang 'yon diba?!” Laglag ang panga ko habang nakatingin lamang sa papalayong bulto ng katawan ng daddy ni Mateo. Ni hindi ko nga alam kung ano talaga ang pangalan niya 'eh. Tapos inalok na ako ng ganoon?! “Ha! Anong akala niya sa akin? Init na init? F-ck you ka, sir! Hindi ako manyak 'no!” pabulong na saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD