Kabanata 005: The Amusement Park

2137 Words
ELIZABETH'S POINT OF VIEW “Eli! Swimming tayo!” Nangunot ang noo ko matapos marinig ang paraan ng pagtawag sa akin ni Mateo. “Mateo!” kunwari ay pagalit na sabi ko. Nasa gilid na siya ng pool nakaupo, nakatingin sa akin at kunot din ang noo. “W-Why?” Naglakad ako palapit sa kaniya pagkatapos ay namewang nang huminto ako sa harapan niya. “Isang linggo na ako dito pero Eli pa rin ang tawag mo sa akin. Diba sabi ko, Ate Eli?” “Oops!” tinakpan niya ang bibig niya. Napailing-iling na lang ako bago ay umupo na rin sa gilid niya. Isang linggo na magmula nang manirahan ako dito at magtrabaho. Sa isang linggo na nagdaan ay noong gabi nang paguusap ng ‘kontrata’ ang last long kita sa daddy ni Mateo. Ang madalas na nakakasalamuha ko lang ay si Vincent—ang head na guard raw ng bahay, pati na rin ang ibang katulong na pumupunta lang dito tuwing umaga, pagkatapos ay umuuwi rin ng gabi. Ang shala tuloy! Parang ako lang ang may privilege na matulog dito sa mansion, hehe. Bahagya kong sinampal ang sarili ko. “No! Elizabeth! Hindi ka dapat magdiwang dahil may isa ka lang problema!” saad ko sa isipan ko pagkatapos ay nag-crossed arm. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Lintek na boss 'yon eh! Hindi ko pa rin makalimutan ang huli niyang alok sa akin. Imagine? Fifty thousand, para pagsilbihan siya tuwing gabi?! Hmp! Mabuti nga at hindi ko nakikita ang lalaking 'yon dahil hindi ko talaga alam kung paano ako aakto sa harapan niya. Baka hindi ako makapagisip ng maayos kapag malapit siya sa akin. Argh! Nakakabaliw! Magkakalapit at magkakalapit talaga kaming dalawa dahil amo ako ng anak niya. Omg, bakit ba tinanggap ko pa ang trabaho na 'to? “ATE ELI!!!” “Anak ng tipaklong!” Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat nang biglang sumigaw si Mateo sa tapat ng tenga ko. “Mateo! Bakit ka ba sumisigaw?!” nanlalaki ang mga mata na tanong ko. “I've been calling you for three times!” Pinakita niya sakin ang mga daliri niyang naka-sign na tatlo. Napangiwi naman ako. Nang makabawi ay saka na ako tumayo pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya. “Halika na, mainit dito—mamaya na tayong gabi mag-swimming,” pagaya ko sa kaniya. Matamis naman siyang tumango bago tumango. Nang makapasok kami sa loob ng bahay, ay bumungad sa amin ang nakakabinging katahimikan. Ganto pala ang mga mansyon kapag konti lang ang nakatira 'no? Parang madilim... parang malungkot. “Ate Eli, let's cook some cookies?” “Sure, ipagluluto kita! Then after, mag-study na us ng letters and numbers, okay?” “Sure!” Ginugol namin ni Mateo ang nagdaang dalawang oras sa loob ng kusina. 'Don kami naghasik ng ingay, para mawala ang katahimikan sa loob ng mansyon. Ngayon naman, ay andito na kami sa salas at halos katatapos lang din naming magaral. Pabagsak akong sumandal sa sofa. Alas dos pa lang ng hapon, sobrang tahimik at wala na naman kaming magawa ni Mateo. Bumaling ako sa kaniya, nasa tabi ko siya ngayon habang kinakain ang last na cookie na hawak niya. Ang cute niya pang tignan dahil kumalat sa paligid ng labi niya ang chocolate. “Mateo, alam mo ba kung na saan ang daddy mo? Bakit parang isang linggo na siyang hindi umuuwi?” curious na tanong ko. Nagbabakasali na mayroong alam ang bata. Nagpatuloy siya sa pagnguya, pero nagsalita pa rin siya para sumagot. “Shooting...” simpleng sagot niya kaya napatango-tango ako. “Palagi bang ganito kapag may shooting si daddy mo? As in wala kang masama rito sa bahay?” Tumango siya. “Yep! Always me sa kwarto, but sometimes—sinasamahan ako ni Ilya—I mean Vin.” Nangunot ang noo ko. Hindi na ako nagsalita pero napaisip na naman ako. May napansin kasi ako sa isang linggo na magkasama kami ni Mateo. Madalas siyang nagkakamali sa pangalan ng mga tao dito sa loob ng bahay kapag nagsasalita siya. For example, 'yung name ng daddy niya. Palagi niyang unang nababanggit ang ‘Vhon’ them after ay susundan niya ng name na ‘Pierce’ o di naman kaya ay ‘Percival’. Tapos isa pa 'tong pangalan din ni Vin—na minsan ay nauunahan niya ng ‘Ilya’. Kaya minsan ay nalilito tuloy ako kung ano ba talaga ang totoong pangalan nila. Hindi ko rin naman pinagtutuunan ng pansin, at hindi ko rin tinatanong si Mateo kung bakit ganon ang nasasabi niya. Baka kasi mamaya eh ma-stress ko pa 'tong bata na 'to't matudas pa ako sa daddy niya. “Alam mo ba kung saan ang shooting ng daddy mo?” tanong kay Mateo. Nakatingala siya habang nakikipagtitigan sa akin ngayon. Parang nagulat siya sa tanong ko. “No po...” Bagsak naman ang balikat ko bago tumango. Hay buhay! Sa totoo lang, napaka-boring talaga dito. As in, kahit sobrang laki ng bahay ay wala naman magandang gawin. Alam mo 'yung feeling na parang bagong bili palang lahat dito? Malakas akong napabuga ng hangin bago tumayo. “Let's go, Mateo,” inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya. Lagot! Alam kong malalagot ako sa plano kong gawin. Pero hindi ko na kayang makulong kami dito. Hindi ko masikmurang malaman na kahit andito na ako ay tila ba paulit-ulit pa rin ang takbo ng buhay ni Mateo sa loob ng bahay na 'to. Tumayo naman siya. “Where are we going, Ate Eli?” tanong niya sa akin. Humagikhik naman ako. “Igagala kita sa mall—o kahit saan Mateo. Don't worry, may budget na binigay ag daddy mo rito.” Yep! That's right, may pera akong hawak ngayon, budget raw para sa mga gustong bilhin ni Mateo online. OO, ONLINE! Pero gagastusin namin 'to ngayon sa labas. Hehe! Pasensya na bossing, pero hindi ko kayang ikulong lang dito sa loob ang anak mo, baka mabaliw din ako rito. — “Wahhh! Is that a roller coaster?!” malakas at manghang-manghang sigaw ni Mateo. Parang kumikislap ang mga mata niya habang nakatingin sa mga rides dito sa loob ng amusement park. Hindi ko maiwasang mapaisip kung ito ba ang unang beses niyang pagpunta sa amusement park dahil grabe ang paglinga niya sa lahat ng nadadaanan namin. “Saan mo gustong sumakay?” nakangiti kong tanong sa kaniya. Hindi ko man makita ang labi ni Mateo dahil naka-mask at cap siya ngayon—ay alam kong nakangiti siya dahil nakangiti rin ang mga mata niya. Kailangan ko kasi siyang i-diguised, dahil nga isa siyang child actor—at sikat pa! Jusmiyo, baka bigla kaming tupukin ng mga fans niya. Baka gilitan na talaga ako ng leeg ng daddy niya. “'Don! 'Don sa parang may Octopus!” excited niyang sabi sabay turo sa Octopus na ride. Parang bumaliktad na kaagad ang sikmura ko habang pinapanuod ang pagikot 'non at sigawan ng mga taong nakasakay 'don. Hinawakan ko ang balikat ni Mateo. “H-Hindi ka pwede diyan baby, baka masuka ka—pati ako, baka masuka rin ako.” “But it looks so fun...” halos bulong niyang sabi. Kinurot ko naman ang pisngi niya, pero hindi gaanong malakas. “'Don na lang sa may cars na pwede mo i-drive? Hm?” Tila kumislap na naman ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Siya na nga ang humawak sa kamay ko bago ay hinatak na ako papunta 'don sa tinuturo ko lang kanina. Halos ilang minuto din kaming papalit-palit ng mga rides na pambata na sinakyan sa loob ng amusement park. Hanggang sa tuluyan na nga kaming napagod kaya napaupo na muna kami dito sa isang bench kung saan kitang-kita namin ang kabuuan ng park. “Thank you, Ate Eli...” Napalingon ako kay Mateo matapos marinig ang sinabi niya. Hindi siya nakatingin sa akin ngayon dahil busy siya sa pagkain ng cotton candy na binili namin. Ginulo ko ang buhok ni Mateo. “Ano ka ba, trabaho kong pasayahin ang alaga ko!” nakangiti kong saad. “You know what? Ngayon lang po ako makapunta sa amusement park.” Panimula niya, may bahid ng lungkot ang boses niya. Mukhang tama nga ang hinala ko... kaya pala talaga tuwang-tuwa siya sa mga nakikita niya pagpasok pa lang namin ng entrance kanina. “Palagi akong nakakulong sa loob ng house. Palaging wala si Daddy... pati si Mommy...” Oh God... nakakaawa ang boses ni Mateo. Parang mas gusto ko na lang makita ang bossy na paguugali niya kesa 'tong ganito siya. “If only... if only daddy didn't die...” halos bulong na lang 'yan na sabi ni Mateo pero narinig ko pa rin. Natigilan ako't parang nanuyot ang labi ko dahil sa narinig kong sinabi niya. Anong ibang niyang sabihin 'don? Gayong buhay na buhay naman ang daddy niya—nasa shooting pa nga 'eh. Nararamdaman ko na naman ang kakaibabg pakiramdam na nararamdaman ko sa loob ng mansyon noong napansin ko na talagang may kakaiba sa lahat ng nasa paligid ko. At lahat ng mga 'yon ay nararamdaman ko dahil sa mga salitang binibitawan ni Mateo. Mabigat akong bumuntong hininga. Tinapik ko ang balikat ng bata, atsaka biniro-biro na lamang siya. Talagang naku-curious na ako sa kung ano ang nangyayari sa buong pamilya ni Mateo. Alam kong labas ako 'ron... pero sana... sana ay wala nang mangyaring masama sa bata na 'to. MATAPOS naming magpahinga sa bench ay agad na rin kaming naglakad ni Mateo. Palabas na sana kami ng amusement park nang bigla namang magsipagtakbuhan ulit papasok ang mga tao. Agad kong niyakap si Mateo atsaka gumilid kami dahil kung hindi ay baka matangay na kami ng mga taong nagtatakbuhan at naghihiyawan pa papasok. “Lintek na—anong meron?!” gulat na sigaw ko habang pinoprotektahan ang bata. “Ahhh! Bilisan mo! Baka hindi na natin maabutan! Saan daw banda?! Totoo bang andiyan si Perciva?!” “Oo te! Maloka—ang pogi niya! Tangina, hihinatayin yata ako!” “Omg! Dito pala ang shooting nila?! Ang swerte naman at andito din tayo!” “Yan lang naman ang iilan sa mga sigaw na narinig ko. “Did they say Percival?” biglang sabi ni Mateo at tumingala sa akin. Yumuko naman ako para tignan siya. “Bakit? May problema ba?” tanong ko. “That's daddy! I think his shooting is here!” may bahid ng excitement na sigaw ni Mateo. Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya. “K-Kung ganoon ay tara na, Mateo! Hindi tayo pwedeng makita ng daddy mo!” nagmamadali kong saad. Pero hindi pa man ako nakakahakbang ay mayroon nang kamay na lumapat sa bewang ko. “Care to explain why the two of you are here, hmm?” Sambit ng isang malamig at pamilyar na boses. Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ang malamig na hiningang tumatama sa leeg kong naka-expose. Jusko! Ang lapit ng mukha niya sa akin, tapos may pahawak effect pa siya sa bewang ko. “D-Daddy!” tawag ni Mateo sa daddy niya. Habang ako naman ay na-estatwa na. “S-Sir... baka pwede mo na akong bitawan? Maraming fans ang pwedeng makakakita—” “Napagisipan mo na ba ang tungkol sa huling alok ko... Elizabeth?” Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko dahil sa bigla niyang pagbanggit ng pangalan ko. Agad kong kinabig ang kamay niya pagkatapos ay lumayo sa kaniya ng bahagya habang hawak ang kamay ni Mateo. Halos isang linggo kaming hindi nagkikita pero ito ang una niyang sasabihin sa akin?! Oh my God! “Sir! Ang bastos mo!” nanlalaki ang mga mata na sambit ko. Mahina siyang natawa. Naka-hoodie siya na black, oversized hoodie to be exact, pero maganda at mukhang mamahalin. Naka-cap din siya at naka-shades—tagong-tago ang itsura pero tindig pa lang ay halata nang siya. Ginulo niya ang buhok ni Mateo. “I'll be home starting tonight, don't be sad...” aniya kay Mateo pagkatapos ay sakin naman tumingin. “There are still something for us to talk to, patulugin mo ng maaga si Mateo.” Kung pwede lang lumuwa ang mga mata ko ay baka nakaluwa na ito ngayon. Laglag din ang panga ko't hindi ko talaga ma-gets ang ugali ng boss ko! Walang sabi-sabing umalis lang naman siya't tinalikuran kami habang kumakaway. Napakamot na lamang ako sa batok. “Baliw ba siya?! Hindi ba siya nahihiya sa mga sinasabi niya't talagang sa harap pa ng anak niya?!” naguusok ang ilong na reklamo ko sa hangin. Naramdaman kong parang humigpit ang hawak hawak ni Mateo sa kamay ko kaya nagbaba ako ng tingin sa kaniya. Nakatingin lang din siya sa daddy niyang papalayo na. “He's... he's not my real daddy,” sabi ng bata na mas lalong ikinagulat ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD