PROLOGUE
"Hello?"
"Are you Mr. Brix Siaco?"
"Yes, speaking. Who's this?"
"Good afternoon, Mr. Siaco. Pasensya na po sa abala. Hindi po namin makontak ang inyong ama na si Mr. Rex Siaco. Dahil sumakabilang-buhay na po ang dating asawa ni Henry Suarez ang iyong lola. Kayo na lamang po ang maaari naming tawagan."
Nanatili akong tahimik sa kabilang linya. Ilang segundo ang lumipas bago ako muling nagsalita.
"Straight to the point. Why are you calling?"
"Sa pagkakaalam ng lahat ay si Henry Suarez ang unang asawa ng iyong yumaong lola"
"I said straight to the point bulshit!" galit kong saad sa kabilang linya pinapaikot pa nito ang usapan at ang nakakapagpasiklab ng aking galit ay ang paulit-ulit nitong pagbanggit sa pangalang Henry,matagal na itong namatay sa bilingguan,ito ang dahilan na muntikan ng nawala ang lahat ng pinaghirapan ni lola Josefina,at ang hindi namin mapapatawad ay muntikan din nitong gahasain si Mommy,kundi lang dumating si Daddy noon.
"Ang kanyang anak si Gregory at asawa nito ay natagpuang patay sa loob ng pamamahay nila." hindi na ako namangha sa balita tungkol sa anak ni Henry tulad ng ama,ay halang din ang kaluluwa meron ito.
"report it to the police station not to our family" ibababa ko na sana ang tawag ngunit may pahabol itong sabi.
"May naiwan po silang isang anak na babae. Walang ibang kamag-anak na tumanggap. Nasa lumang bahay hanggang ngayon ang bata nagka trauma. Umaasa po kaming maaari ninyo siyang puntahan."
Napalakas ang pagkakahawak ko sa manibela ng sasakyan.
"No!" Sandaling natahimik ang lalaki.
"I'm sorry?"
"I said no! Wala akong pakialam sa anak ni Gregory."
"Mr. Siaco, kahit sandali lang po. Kung maaari lamang-" Pinatay ko ang tawag nang hindi na hinihintay ang sasabihin niya.
Ilang oras ang lumipas.
Hindi ko maintindihan kung bakit narito ako ngayon.
Marahil ay dahil sa paulit-ulit na tawag nito o baka naman gusto ko lang makita kung gaano kalala ang sinapit ng anak ng lalaking minsang nagdala ng pinakamalaking pinsala sa pamilya Siaco.
Huminto ang itim kong sasakyan sa harap ng isang halos wasak nang bahay.Nagbabakbak na ang pintura.
May mga sirang bintana.Nagkalat ang lumang kasangkapan sa bakuran habang may ilang pulis na nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon.
Pagkababa ko ng sasakyan ay sinalubong agad ako ng malamig na hangin at mabigat na katahimikan.
Ilang tao ang napalingon sa akin.
Marahil ay nakilala nila ang apelyido ko.Dahan-dahan akong naglakad papasok sa lumang bahay.
Halos wala nang maayos na gamit sa loob. Ang mesa ay nakatihaya, ang mga larawan sa dingding ay basag ang salamin, at ang mga laruan ng isang bata ay nagkalat sa sahig na tila naiwan sa gitna ng isang napakasakit na pangyayari.
Maya-maya'y isang matandang lalaki ang lumapit sa akin.
Nakayuko ito bilang paggalang.
"Mr. Siaco... salamat po sa pagpunta." Hindi ako nagsalita.
"Wala na pong ibang mapupuntahan ang bata. Nang siyasatin ng mga pulis ang bahay, ang tanging address at contact number na nakita nila ay sa pamilya Siaco." Mariin ko siyang tinitigan.
"I'm not related to Henry nor Gregory Suarez anymore." Mariin ang bawat salitang lumabas sa bibig ko.
"That men stopped being part of my family a long time ago." Napayuko ang matanda.
"Alam ko po ang nangyari noon. Alam kong malaki ang galit ng pamilya ninyo kay Henry at kay Gregory Pero ang batang iyon ay walang kasalanan." Tumaas ang isang kilay ko.
"Walang kasalanan?" Tumawa ako nang mapait.
"Do you even know what Henry and his son did to my family?"
Tahimik lamang siyang nakinig.
"Dahil sa kanilang mag ama muntikan ng nawala ang lahat ng pinaghirapan ng pamilya Siaco! At ngayon... gusto ninyong akuin namin ang responsibilidad sa apo ni Henry? you're ridiculous!"
"Mr. Siaco..."
"Enough!" Tumigas ang boses ko.
"Hindi ako pumunta rito para kaawaan ang anak ni Gregory." Lumapit pa ako sa matanda.
"Nagpunta ako rito para sabihin sa inyo na huwag ninyong idamay ang pamilya Siaco sa buhay ng mag amang iyon." Humugot ako ng malalim na hininga bago muling nagsalita.
"Patay na sila.Pero hindi ibig sabihin noon ay obligasyon naming akuin ang lahat ng iniwan nila." Tumalikod ako.
"This conversation is over."
Naglakad na sana ako palabas ng bahay.Ngunit bigla...
May naramdaman akong maliit at nanginginig na kamay na marahang humawak sa laylayan ng aking amerikana Napahinto ako.
Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin.Isang dalagitang babae ang nakatayo sa likuran ko,payat marumi ang suot na damit.Namumugto ang mga mata sa kaiiyak.
Nanginginig ang kanyang labi habang pilit na pinipigilan ang sariling humagulgol.
Sa kanyang mga bisig ay yakap-yakap niya ang isang luma at kupas na teddy bear marahil iyon na lamang ang natitirang alaala ng kanyang mga magulang.
Nagtagpo ang aming mga mata.
Wala akong nakitang galit.
Wala ring pagsusumamo.
Isang malalim na takot lamang... ang takot na maiwan nang tuluyan sa mundong wala nang tatawaging pamilya.Mahina niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa amerikana ko.
"Uncle..." Basag ang kanyang boses.
"natatakot po ako mag isa" Isa-isa nang tumulo ang kanyang mga luha sa maruming sahig.
"Hindi po ako magiging pabigat.Gusto ko lang po... huwag ninyo akong iwan." Napapikit siya habang nanginginig ang buong katawan.
"Kahit... kahit sa isang gabi lang."
Humigpit ang pagkakahawak niya sa amerikana ko na para bang iyon na lamang ang huling pag-asang mayroon siya.
"Please Uncle...natatakot po ako"
Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming taon...Parang may kung anong bumiyak sa malamig kong puso habang pinagmamasdan ang walang muwang at inosenteng dalagita sa aking harapan...