“She’s my twin sister.”
Parang bigla akong nawalan ng sasabihin nang marinig ko ang sinabi ni Uncle.
Kambal pala niya ang babaeng kakarating lang sa restaurant.
Napayuko ako, pilit na itinago ang pagkailang. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng hiya, lalo na nang umupo ang kambal ni Uncle sa tabi niya.
Pero kahit anong gawin ko, ramdam ko ang tingin niya sa akin.
Hindi siya tumitigil sa pagtingin.
Parang pinag-aaralan niya ako mula ulo hanggang paa.
I tried to ignore her, abala ako sa pagkain at kunwaring walang napapansin. Pero hindi nagtagal, nagsalita rin siya.
“Don’t tell me pinagpalit mo na si Ingrid sa menor de edad.”
Halos mabilaukan ako.
Napatingin ako kay Uncle, ngunit agad niyang tinaliman ng tingin ang kambal niya.
“Shut up, Brianna.”
Napangisi si Brianna na para bang lalo lamang siyang natuwa sa reaksyon ni Uncle.
“Then who is she?”
Sandaling natahimik si Uncle bago siya sumagot.
“Manang’s niece.”
Tumingin ulit sa akin si Brianna.
Kitang-kita sa mukha niya na hindi siya kumbinsido.
“Really?”
Hindi na siya sinagot ni Uncle.
I lowered my gaze.
Ayokong maging dahilan ng anumang gulo sa pagitan nila.
Simula nang dumating ako sa buhay ni Uncle, marami na akong bagay na hindi maintindihan. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinoprotektahan, kung bakit niya ako pinag-aaral, at kung bakit parang napakahalaga sa kanya na maging maayos ang buhay ko kahit na anak ako ng isang Suarez
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na rin kami.Hinahatid lang ako ni Uncle sa suite niya.
Pagkapasok namin, agad niyang kinuha ang phone niya nang may tumawag.
“I have an emergency meeting at work.” Tumango ako.
“Okay, Uncle.”
Tumingin siya sa akin bago tuluyang lumabas.
“Rest. And tomorrow is your first day. Don’t be late.”
“Yes, Uncle.”
Nang tuluyang magsara ang pinto, naiwan akong mag-isa.Tahimik ang buong suite.Napabuntong-hininga ako.Hindi ko pa rin alam kung paano ko haharapin ang bagong buhay na bigla kong kinaharap.
Kinabukasan, maaga akong nagising.
First day ko sa school.
Hindi ko maipaliwanag ang kaba ko habang nakatingin sa sarili ko sa salamin. Simple lang ang suot kong uniform, maayos ang buhok ko at hawak ko nang mahigpit ang bag ko.
Ilang beses akong huminga nang malalim bago bumaba.
Naghihintay na sa akin si Uncle.
“Ready?” Tumango ako.
“ready na po Uncle ” Hinahatid niya ako papunta sa school, pero hindi siya bumaba ng sasakyan.
Nang makarating kami, tumingin siya sa akin.
“Good luck.”
“Thank you, Uncle.”
“Study hard, Sofia.” Ngumiti ako.
“I will.”Alam kong ayaw niyang malaman ng ibang tao na siya ang nagpapaaral sa akin. Sila mismo ang may-ari ng school at ayaw niyang magkaroon ng anumang scandal o maling pag-iisip ang ibang tao tungkol sa akin.
Kaya kahit gusto kong magpasalamat sa kanya nang paulit-ulit, alam kong hindi iyon sapat.
Pagkababa ko ng sasakyan, agad itong umalis.Huminga ako nang malalim bago ako tuluyang pumasok sa school.At doon ko unang naramdaman kung gaano kalaki ang mundo na pinasok ko.
Malalaki ang mga gusali.Magagarang sasakyan ang nakaparada.Halos lahat ng estudyanteng nakakasalubong ko ay mukhang galing sa mayayamang pamilya.
May mga designer bags, mamahaling relo at sapatos na hindi ko man lang alam kung magkano.
Napayuko ako.For a moment, I felt like I didn’t belong.
Ako?
Simple lang.Hindi ako sanay sa ganitong klaseng buhay.
Pero naalala ko si Uncle.
Kung kaya niyang magtiwala sa akin, kailangan ko ring matutong magtiwala sa sarili ko.Hindi ko kailangang maging katulad nila.
Kailangan ko lang pagbutihin ang pag-aaral ko.
I wanted to repay Uncle in the only way I knew how.By making him proud.
Lumipas ang mga araw.At unti-unti, nasanay rin ako.Natutunan kong makisama sa mga kaklase ko. May ilan na mabait, may ilan namang halatang minamaliit ako dahil hindi ako katulad nila.Pero hindi ko iyon hinayaan na maging dahilan para sumuko ako.
Mas lalo akong nagsumikap.
Nag-aaral ako pagkatapos ng klase.
Nagbabasa ako hanggang gabi.
At kapag pakiramdam ko ay pagod na ako, lagi kong iniisip ang mga sinabi ni Uncle.
“Study hard, Sofia.”
Simple lang ang mga salita niya, pero para sa akin, malaking bagay iyon.
Lumipas ang mga buwan.At bago ko pa namalayan, naging bahagi na ng routine ko ang buhay kasama si Uncle.Mas nakilala ko siya.
Nakilala ko ang mga ugali niya, ang pagiging tahimik niya, ang paraan niya ng pag-aalala kahit hindi niya direktang ipinapakita.
Minsan, kapag umuuwi siyang pagod, tahimik lang siyang umuupo habang ako naman ay nagkukuwento tungkol sa school.
At kahit mukha siyang walang interes, alam kong nakikinig siya.
“Uncle, mataas score ko sa exam.”
“Good.”
“Seventy-eight.”
“Next time, make it ninety.”Napapangiwi ako.
“Ang hirap naman!” Bahagya siyang ngumiti.
“Then work harder.” I would roll my eyes, pero sa loob-loob ko, natutuwa ako.Dahil kahit ganoon siya magsalita, alam kong proud siya sa akin.
At habang lumilipas ang panahon, hindi ko na napapansin kung gaano na ako naging komportable sa presensya niya.Hindi ko na rin iniisip kung gaano kalaki ang pagitan ng mundong pinanggalingan ko at ng mundong ginagalawan niya.
Para sa akin, sapat nang may isang taong naniwala sa akin.
At si Uncle iyon.
Isang gabi, habang nag-aayos ako ng ilang gamit sa sala, hindi ko sinasadyang marinig ang boses ni Uncle mula sa kabilang bahagi ng suite.
Mababa ang boses niya, pero malinaw kong naririnig ang bigat sa bawat salita.
“Brix, babalik naman ako. I’ll stay there for only two years.”
Napahinto ako.
Hindi ko naman talaga intensyong makinig. Pero nang marinig ko ang pangalan ni Uncle Brix, hindi ko napigilang manatili sandali sa kinatatayuan ko.
May mahabang katahimikan.
Pagkatapos ay narinig ko ang malungkot na boses ni Uncle.
“You’re leaving me again?”
Napatigil ako.Hindi ko alam kung sino ang kausap niya, pero sa paraan ng pagsasalita niya, parang ayaw niyang umalis ang taong nasa kabilang linya.
Maya-maya, narinig ko ang mahinang buntong-hininga niya.
“I know…”
Pagkatapos noon ay tuluyan na niyang ibinaba ang cellphone.
Mabilis akong bumalik sa ginagawa ko at nagkunwaring walang narinig.
Pero buong gabi, hindi mawala sa isip ko ang narinig ko.
Sa loob ng isang taon kong pagtira sa suite ni Uncle, hindi ko kailanman nakita ang girlfriend niya.
Minsan, tinanong ko si Manang tungkol dito.Bago siya tuluyang nag-resign bilang katulong ni Uncle, sinabi niya sa akin na palagi raw nasa ibang bansa ang girlfriend nito at bihira lamang itong isama ni Uncle rito.
“Matagal na ba silang magkarelasyon?” minsan kong tanong.
“Matagal na,” sagot ni Manang. “Pero hindi ko rin alam kung bakit bihira silang magkita.”
Hindi ko na iyon pinag-isipan nang husto noon.
Hindi naman ako interesado sa relasyon ng mga matatanda.
Ang alam ko lang, mabait sa akin si Uncle.At sapat na iyon.
Pero matapos ang gabing narinig ko siyang makipag-usap sa telepono, may kakaibang pagbabago sa kanya.
Mas madalas siyang umuuwi nang gabi.Minsan, halos hatinggabi na.
At kahit hindi siya nagsasalita, halata kong may mabigat siyang iniisip.
Isang gabi, nagising ako dahil sa tunog ng bumukas na pinto.
Tumingin ako sa orasan.
Halos alas-dose na ng gabi.
Bumangon ako mula sa sofa at lumabas ng kuwarto.
“Uncle?” Nakita ko siyang nakatayo malapit sa pintuan.Bahagyang gusot ang damit niya at halatang nakainom.
Agad akong lumapit.
“Uncle, bakit ka naglasing?”
Hindi siya sumagot.
Umupo siya sa sofa at napapikit.
Napabuntong-hininga ako bago ko kinuha ang sapatos niya.
“Halika, tatanggalin ko muna ’to.”
Tahimik lang siya habang tinatanggal ko ang sapatos niya.
Hindi ko pa siya kailanman nakitang ganoon.Palagi siyang maayos.
Palaging kalmado.Palaging parang alam niya ang gagawin.
Pero nang gabing iyon, parang ibang tao ang nasa harapan ko.
Nang matapos kong tanggalin ang sapatos niya, bigla na lang niya akong hinila,napasinghap ako dahil sa ang lapit lang namin sa bawat isa.
“Sofia.” Napatingin ako sa kanya na kinakabahan,ang lakas ng t***k ng puso ko.
“Yes, Uncle?” Sandali niya akong tinitigan, tila may gusto siyang itanong ngunit nag-aalinlangan.
“How old are you now?” Napakunot ang noo ko.
“Seventeen na, Uncle.”
Tahimik siya.Then he looked away.
“Seventeen…”
Inulit niya ang sinabi ko na para bang may malalim iyong kahulugan.
Tumango ako.
“Yes.”
Hindi na siya nagsalita.Tumayo ako at kumuha ng isang basong tubig.
“Uminom ka muna.”
Iniabot ko iyon sa kanya.Kinuha niya ang baso at ilang sandali iyong tinitigan bago uminom.
“Thank you.” Ngumiti ako nang bahagya.
“Walang anuman.” Umupo ako sa kabilang sofa.Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Pero sa unang pagkakataon, nakita ko kung gaano rin pala siya napapagod.
Hindi siya palaging matatag.
May mga gabing siya rin ay nasasaktan.May mga problemang hindi niya sinasabi.
“Uncle?”
“Hm?”
“Okay ka lang ba?” Matagal bago siya sumagot.
“I’ll be fine.”
Pero alam kong hindi iyon ang buong katotohanan.
Hindi ko na siya pinilit magsalita.
Sa halip, nanatili lang ako roon hanggang sa tuluyan siyang makatulog sa sofa.
Mula ng araw na iyon kapag umuuwing lasing si Uncle ay tila nasanay na siya na inaalagaan ko,at nasanay na rin ako na alagaan siya.
Hanggang sa humantong kaming dalawa sa isang mapanganib na sitwasyon dahil seventeen pa lang ako...subalit kapag ang tukso na ang siyang lumalapit ay napakahirap palang tanggihan sa isang tulad ko na mula pa noong dumating si Uncle sa buhay ko ay may itinatago na akong lihim na nararamdaman para sa kanya..