“Get ready, Sofia.” Napalingon ako kay Uncle Brix nang marinig ko ang sinabi niya. Abala pa ako sa pag-aayos ng ilang kasangkapan sa kusina nang bigla niya akong tawagin.
“Bakit, Uncle? Saan tayo pupunta?”
“We’re going to buy your personal things.” Nanlaki ang mga mata ko.
“Para sa akin?” Tumango siya na parang napakasimple lamang ng sinabi niya.Hindi ko napigilang mapangiti.Noong isang araw lang ay isinama niya ako para i-enroll, at ngayon naman ay bibilhan niya ako ng sarili kong mga gamit. Hindi ako sanay na may taong kusang nag-aalala kung ano ang kailangan ko. Simula nang mapunta ako kay Uncle, pakiramdam ko ay unti-unti kong nararanasan ang mga bagay na dati ay pangarap ko lamang.Agad akong nagbihis nakakahiya namang paghintayin ko pa si Uncle sa labas.
Pagdating namin sa isang malaking mall, hindi na siya nagpaligoy-ligoy. Dumiretso kami sa women's section.
Napahinto ako sa dami ng mga damit na nakasabit sa harapan ko.
“Choose whatever suits you.”
Napatingin ako sa kanya.
“Whatever?”
“Yes.” Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ang gagaganda ng mga damit, pero halos lahat ay mukhang napakamahal. Ayokong abusuhin ang kabaitan niya.Kaya dalawang pares lamang ang kinuha ko.Pagharap ko kay Uncle, nakataas ang kilay niya.
“That's all?”
“Opo, Uncle.”
“Two?”Tumango ako.
“Okay na po ito.” Umiling siya, saka siya mismo ang nagsimulang pumili.
Shorts. Pantalon. Blouses. Pajamas. T-shirts. Mga damit na hindi ko man lang naisip na kunin dahil sa presyo.
“Uncle, tama na po ito,” mahina kong pakiusap.Hindi niya ako pinansin.
“Uncle Brix…”
“Do you have enough clothes?”
Hindi ako nakasagot.
“Then let me decide.” Napayuko na lamang ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya.
Mas lalo akong nahiya nang mapansin kong papunta na kami sa lingerie section.Huminto ako.
“Uncle…”
“Choose.” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga ipinapakita niyang lingerie. Laces, iba't ibang estilo ng underwear at mga bagay na hindi ko karaniwang sinusuot.
Agad akong napailing.
“P-pero, Uncle Brix…”
Tumingin siya sa akin.
“What's wrong?”
“Hindi po ganyan ang mga sinusuot ko.”
“Then what do you wear?”
Namula ang mukha ko.
“M-mga cotton panty lang po.”
Kagat-labi kong sagot habang halos gusto ko nang magtago sa hiya.
Napabuntong-hininga siya, saka hinarap ang saleslady.
“Give her the best and most comfortable cotton underwear.”
“Yes, sir.” Akala ko tapos na, ngunit sandali siyang natahimik habang tinitingnan ang mga pagpipilian sa shelf.
“And bralettes.” Bigla akong napatingin sa kanya.
“B-bralette?” Tumango siya.
Napakagat ako sa labi at hindi ko napigilang mapayakap sa sarili ko sa sobrang hiya.
Bralette lang talaga?
Napaisip tuloy ako kung ganoon ba kaliit ang tingin ni Uncle sa dibdib ko.
“Uncle…”
“What?”
“Hindi po ba… masyadong maliit iyon?”Bahagya siyang napakunot-noo.
“Comfortable.”
“Pero-”
“No wires. No unnecessary pressure. It's practical.” Napatingin ako sa saleslady na tila pinipigilan ang ngiti.
Lalo akong namula.
“Okay po…” Habang inaayos ng saleslady ang mga kukunin namin, napalingon ako kay Uncle. Tahimik lamang siyang nakatayo roon, tila walang pakialam sa aking kahihiyan.
Samantalang ako, gusto ko nang lamunin ng sahig.
Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa lahat ng ginagawa niya para sa akin.
Sa dami ng damit at gamit na pinamili niya, isang bagay ang malinaw sa akin hindi niya ako tinitingnan na parang isang taong kailangang pagkaitan.At kahit nahihiya ako sa dami ng binibili niya, may maliit na bahagi ng puso ko ang lihim na masayang-masaya.
“Uncle…”
“Hm?”
“Thank you po.” hindi siya umimik tumango lamang siya subalit sapat na yun para mas maramdaman ang kakaibang init sa dibdib ko.
Hindi dahil sa mga damit na binibili niya.Kundi dahil sa pakiramdam na sa wakas, may taong nag-aalaga sa akin.
Pagkatapos naming mamili ay dumiretso kami sa isang mamahaling restaurant. Mula pa lamang sa labas ay halatang hindi basta-basta ang lugar. Malalaki ang salamin nitong bintana, elegante ang disenyo, at maging ang mga taong pumapasok ay parang mga taong sanay sa ganitong klaseng buhay.
Tahimik akong naglalakad sa tabi ni Uncle habang mahigpit kong hawak ang mga shopping bag na binili niya para sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari ngayong araw.
Pagpasok namin sa restaurant, agad na may isang lalaking sumalubong sa amin.
Kasingtangkad siya ni Uncle at masasabi kong sobrang gwapo rin. Maayos ang postura, matikas ang katawan, at halatang sanay sa atensyon ng mga tao.
Pero kahit gaano siya kagwapo, para sa akin, si Uncle pa rin ang pinakagwapo sa paningin ko.
"Hey, Brix." Ngumiti ang lalaki at nakipagkamay kay Uncle. Tumango naman si Uncle bago sila nagbatian nang ilang segundo.
"Dave." Napatingin sa akin ang lalaki. Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa na para bang sinusubukan niyang alamin kung sino ako.
"Who's she?" taas-kilay nitong tanong kay Uncle. Naramdaman kong bahagyang nanigas ang katawan ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng hiya.
"Manang's niece." Halos muntik nang bumagsak ang panga ni Dave sa pagkagulat.
Mas lalong tumaas ang kilay niya.
"Since when did your maid have a niece?" Napayuko ako nang bahagya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang biglang naging mabigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
Katulong lang.Iyon ang tingin niya sa akin.Pero bago pa ako tuluyang maapektuhan, malamig na tumingin si Uncle kay Dave.
"Don't bother, Cervantes. Just serve us." Biglang nagbago ang ekspresyon ni Dave. Tumawa siya nang bahagya at itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
"Fine. Fine." Pagkatapos ay umalis na siya.Naiwan akong tahimik na nakatingin sa direksiyong pinuntahan niya.Hindi ko maiwasang mapaisip.
Sino ba talaga si Uncle sa mundong ginagalawan niya?
Bakit parang lahat ng tao rito ay kilala siya?
At bakit pakiramdam ko, napakalayo ng mundong ito sa mundong nakasanayan ko?
"Uncle..." Napalingon siya sa akin.
"Sino po siya?"
"Cousin." Isang salita lamang ang sagot niya.Napatingin ako sa kanya at napakurap.
"Cousin?"Tumango lamang siya.
Hindi na ako nagtanong pa. Siguro ay ayaw niyang pag-usapan iyon.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang mga inorder niyang pagkain.
Napalaki ang mga mata ko nang isa-isang ilapag ng waiter ang mga pagkain sa mesa.
May steak, pasta, soup, roasted chicken, salad, seafood at iba't ibang dessert.
Hindi ko alam kung saan magsisimula.
"Uncle..."
"Hmm?"
"Ba't ang dami po nito?"
Tumingin siya sa akin na para bang napakasimple ng tanong ko.
"Kumain ka ng marami."
"Pero..."
"Para magkalaman ka man lang."
Napahawak ako sa tiyan ko at napatingin sa pagkain.
"Uncle, hindi naman po ako ganoon kapayat." Tumaas ang isang kilay niya.
"Really?" Napatingin ako sa sarili ko.
"opo."
"You're too thin." Napasimangot ako.
"Normal lang naman po ako."
Hindi siya sumagot. Sa halip ay kumuha siya ng pagkain at inilagay sa plato ko.
"Eat." Napatingin ako sa kanya.
"Uncle..."
"Don't argue with me, Sofia."
Napabuntong-hininga ako bago kumuha ng tinidor.
"Okay po." Habang kumakain ako, hindi ko maiwasang mapangiti nang kaunti.Hindi ako sanay na may taong nag-aalala kung kumakain ba ako nang maayos o hindi.
At sa simpleng bagay na iyon, lalo kong naramdaman na kahit hindi ko pa lubos na naiintindihan kung sino talaga si Uncle...May parte sa kanya na gusto akong alagaan.
Subalit panandalian lamang ang aking kasiyahan nang biglang may isang babaing dumating. Pati si Uncle ay halatang nabigla sa kanyang pagdating.
“Brix, what are you doing here? At sino ’yang kasama mo?” tanong ng babae habang salitan kaming tinitingnan ni Uncle.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Sa paraan ng pagtitig niya sa amin.
"Uncle" Napatigil ako sa aking pagkain,si Uncle ay parang wala lang sa kanya ang pagdating ng babae.
"continue eating Sofia" hindi ko napigilang bumulong kay Uncle.
"girlfriend mo ba siya Uncle?"