Chapter 5

1636 Words
"Happy Birthday, Sofia." Natigilan ako.Kinagabihan, paglabas ko ng aking silid ay bumungad sa akin ang isang napakagandang birthday cake na nakapatong sa gitna ng mesa. May maliliit na kandilang kumikislap sa ibabaw nito habang pinapalibutan ng mga simpleng lobo at dekorasyon. Napakurap ako nang ilang ulit. Hindi ako makapaniwalang para sa akin ang lahat ng iyon. "U-Uncle..." Nanginginig ang boses ko habang unti-unti akong lumalapit. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.Sa buong buhay ko...Ito ang unang pagkakataong may naghanda ng birthday cake para sa akin. Noong bata pa ako, palaging sinasabi ni Mama na wala kaming perang pambili ng cake. Minsan ay kandila lang ang sinisindihan namin sa isang pirasong tinapay at masaya na kami roon.Kaya ngayong nasa harapan ko ang napakamahal at napakagandang cake...Parang nananaginip lang ako. "Come here." tawag sa akin ni Uncle habang hawak ang lighter. Isa-isang sinindihan niya ang mga kandila bago niya ako tiningnan. "Blow the candle." Tumango ako. Pumikit ako sandali at nagpasalamat sa araw na ito hindi na ako humiling ng iba pa,ang pagdating ni Uncle sa buhay ko ay sapat na ang lahat ng kaligayahang naramdaman ko ngayon. Huminga ako nang malalim bago marahang hinipan ang mga kandila. Hindi ko na napigilan.Sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha. Bigla namang kumuha si Uncle ng kaunting icing gamit ang kanyang daliri at marahang ipinahid iyon sa aking ilong.Napaatras ako. "U-Uncle!" Mahina siyang natawa. "Birthday tradition." Napangiti rin ako sa gitna ng aking pag-iyak,unang beses kong nakitang tumawa ni Uncle mula ng dumating ako dito at lalo siyang gumwapo sa patingin ko kaya gumanti ako at kumuha rin ng kaunting icing saka ko iyon ipinahid sa kanyang pisngi. "Hey!" Nagkatinginan kami bago sabay na natawa. Marahil...Ito ang unang pagkakataong nakatawa ako nang walang halong takot. "Uncle...Maraming salamat, dahil ngayon lang may nag-celebrate ng birthday ko nang ganito." "You deserve this Sofia." Mas lalo akong napaiyak.Ayaw ko sanang umiyak.Baka isipin niyang napakadramatiko ko. Pero hindi ko talaga mapigilan. Napakaraming taon kong ipinagkait sa sarili ang maramdamang mahalaga ako.At sa isang simpleng cake...Parang may bahagi ng puso kong unti-unting naghihilom. Ilang sandali kaming natahimik. Unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi ni Uncle.May kung anong lungkot ang gumuhit sa kanyang mukha. "Sofia..." Mahina niyang tawag. Napatingin ako sa kanya. "Ano po iyon?" Napabuntong-hininga siya bago nagsalitang muli. "Na-cremate na ang mama at Papa mo." Unti-unting nawala ang ngiti sa aking mukha. "Tinawagan ako ng ospital kaninang hapon. Wala nang ibang kamag-anak na sumipot para kunin ang labi nila." Nanlabo ang aking paningin. "Kaya pinaasikaso ko na ang lahat." Tuluyan na namang bumuhos ang aking mga luha.Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila ng maayos. "This is your birthday... and I don't want to ruin your mood." Napayuko ako.Mabilis kong pinunasan ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa aking mga pisngi gamit ang laylayan ng aking maluwang na T-shirt. Ayokong makita ni Uncle na umiiyak pa rin ako.Pilit akong ngumiti. "P-Pasensya na po..." Tahimik kaming nagkatitigan.Napayuko ako,parang biglang kumabog ang puso ko sa klase ng tinging ipinukol ni Uncle sa akin.Tumalikod siya at nagsindi ng sigarilyo bago muling humarap sa akin. "I have something to tell you." Unti-unti akong napaangat ng tingin. Nagtama muli ang aming mga mata. Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla akong kinabahan. Parang may kung anong mabigat na balitang naghihintay na naman sa akin. "A-ano po iyon, Uncle?" Nanginginig ang boses ko.Sunod-sunod ang pumapasok na negatibong isipin. Baka nakahanap na siya ng permanenteng mag-aampon sa akin. Baka gusto na niyang umalis ako sa bahay niya. Baka hanggang kaarawan ko lang pala ang kabutihang ipinakita niya. Napakagat ako sa aking labi habang hinihintay ang kanyang sasabihin. Ilang segundo muna siyang nanahimik bago tuluyang nagsalita. "Next week..." Huminto siya sandali. "...you will be back at school." Parang huminto ang oras. Hindi ako agad nakapagsalita. Tama ba ang narinig ko? "S-school?" Mahina akong napatanong.Tumango siya. "Yes." Unti-unting nanlaki ang aking mga mata.Hindi ko namalayang muli akong napaluha.Ngunit sa pagkakataong ito...Hindi dahil sa lungkot.Kundi dahil sa sobrang saya. Pangarap ko lang noon ang makabalik sa pag-aaral. Akala ko tuluyan nang nawala ang pagkakataong iyon na habang-buhay na lang akong magiging isang batang walang diploma at walang kinabukasan.Pero ngayon... Unti-unti na namang nabubuhay ang mga pangarap ko dahil kay Uncle. "Talaga po?" Hindi ko maitago ang pananabik sa aking tinig. "Makakapasok na po ulit ako?" seryoso ang mukhang napatingin sa akin si Uncle. "Yes." Hindi ko napigilan ang sariling takbuhin siya sa kinatatayuan niya at yakapin. "Maraming salamat po...Hindi ko po alam kung paano ko kayo mapapasalamatan." Hindi agad siya nakapagsalita,tila nahiya naman ako sa aking inasal kaya mabilis kong kinalas ang aking sarili sa pag yakap sa kanya,ang tangkad pa naman ni Uncle,at ang laki pa ng katawan para lang akong batang patpatin kapag katabi siya.Marahan niyang tinapik ang likod ko. "Just study well." Tumango ako nang paulit-ulit. "Pangako po." Ngunit maya-maya ay naging seryoso ang kanyang ekspresyon. "May gusto sana akong ipakiusap sa'yo, Sofia." Agad akong tumango. "Po? Ano po iyon, Uncle?" Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "You will be enrolled in our own school." Napakurap ako. " own school?" "Yes...Ang pamilya namin ang nagmamay-ari ng paaralan." Mas lalo akong namangha.Hindi ko akalaing ganoon pala kalawak ang negosyo ng kanilang pamilya.Ngunit bago pa ako makapagsalita ay ipinagpatuloy niya ang kanyang sinabi. "At ayokong malaman ninuman na ako ang nagpapa-aral sa'yo roon." Nawala ang ngiti ko. "Bakit po?" Tahimik siyang tumingin sa bintana. "Because once they know that you're under my protection...you will become the center of everyone's attention." Napayuko ako kahit hindi sabihin ni Uncle ang buong katotohanan, alam ko na ang tunay na dahilan kung bakit ayaw niyang ipaalam sa paaralan na siya ang nagsu-sponsor sa aking pag-aaral. Dahil sa apelyido kong Suarez. Isang apelyidong matagal nang kinamumuhian ng kanilang pamilya. Ayaw niyang malaman ng kahit sino na may kaugnayan siya sa akin. Ayaw niyang isipin ng mga tao na tinanggap niya sa kanyang pamamahay ang isang Suarez. Marahil natatakot siyang kapag nalaman iyon ng kanyang pamilya. Kaya nauunawaan ko kung bakit mas pinili niyang ilihim ang lahat. Masakit man sa puso, wala akong karapatang magreklamo. Kung tutuusin, wala naman siyang obligasyong kupkupin ako. Wala siyang pananagutang pag-aralin ako o bigyan ng bubong na masisilungan. Ngunit sa kabila ng malamig niyang pakikitungo, patuloy pa rin niya akong tinutulungan. Marahil iyon na ang paraan niya ng pagpapakita ng kabutihan. Tahimik akong napayuko Sapat na ang pagiging pabigat ko sa kanya. Ilang sandali kaming binalot ng katahimikan. Huminga nang malalim si Uncle bago niya isinukbit ang susi ng sasakyan sa kanyang bulsa.Hindi siya tumingin sa akin.Hindi rin niya ako nilingon. Para bang iniiwasan niyang makita ang lungkot na nakalarawan sa aking mukha. "Matulog ka na," malamig ngunit kalmadong sabi niya. "I'm leaving." Marahan niyang binuksan ang pinto. Bago siya tuluyang lumabas, bahagya siyang huminto na tila may gusto pang sabihin. Saglit siyang napapikit bago muling nagsalita. "Get some rest and eat your cake" Iyon lang.Wala nang iba. Unti-unti niyang isinara ang pinto hanggang sa tuluyan itong sumara. Kasabay niyon ay tila may kung anong kumirot sa aking dibdib. Naiwan akong mag-isa sa loob ng silid, nakatitig sa pintuang kasasara lamang. Hindi ko namalayang muli na namang tumulo ang aking mga luha. "Salamat, Uncle..." mahina kong bulong sa kawalan. "Kahit hindi mo ako kayang tanggapin bilang bahagi ng pamilya ninyo... salamat pa rin sa pagbibigay mo sa akin ng pagkakataong magkaroon ng panibagong buhay." MAHIGPIT kong niyakap ang aking manipis na unan at marahang pumikit. Pagod ang aking katawan, ngunit ang isip ko ay tila ayaw pang magpahinga.Nagdasal muna ako para sa kaluluwa ng mga magulang ko,wala na sila,masakit man kailangan kong tanggapin ang lahat at magsimula ng panibagong buhay. Ipinikit ko muli ang aking mga mata subalit mukha ni Uncle ang nakikita ko ang seryoso niyang mukha... ang matalim niyang mga mata... at ang mahinahon ngunit matatag niyang boses. Hindi ko mapigilang mapangiti. "Napakagwapo talaga ni Uncle." Para siyang mga lalaking bida sa AI drama na napapanood ko sa social media matangkad, matipuno, at palaging maayos manamit. Kahit nakakunot-noo at may seryosong ekspresyon, hindi nito natatakpan ang kakaibang karisma niya. May pagkaistrikto siya. Palagi niyang ipinapakita ang malamig niyang personalidad na tila walang puwang para sa lambing o biro.Ngunit sa kabila noon... Alam kong may kabutihan siyang pilit itinatago. Kung wala siyang malasakit, hindi sana niya ako kinuha mula sa bahay para ampunin. Hindi rin niya gugustuhing pag-aralin ako o bigyan ng pagkakataong magkaroon ng mas magandang kinabukasan. Siguro...Hindi lang talaga siya marunong magpakita ng emosyon. Napabuntong-hininga ako. "Ewan ko ba sa'yo, Sofia," mahina kong saway sa sarili habang tinatakpan ng unan ang kalahati ng aking mukha. "Ano ba'ng iniisip mo?" Bigla kong inalog ang ulo ko. "Hoy, Sofia! Maghunos-dili ka!" mahina kong sabi habang bahagyang kinurot ang sarili kong pisngi. "Ang payat-payat mo nga, nangangarap ka pang mapansin ng isang lalaking kagaya niya." Agad akong napangiwi sa hiya. "Ano ba'ng pumapasok sa isip mo?" bulong ko habang pilit pinapakalma ang mabilis kong t***k ng puso. Napababa ang tingin ko sa aking katawan.Dahan-dahan kong sinilip ang aking dibdib at napasimangot. "Medyo... malaman naman," usal ko habang bahagyang hinihimas ang laylayan ng aking oversized na T-shirt. "Hindi naman ganoon kapatag." (bakit ano bang iniisip mo Sofia at napatingin ka sa s**o mo😂) Napahawak naman ako sa aking mga braso. "Pero buto't balat pa rin talaga ako." Napatawa ako nang mahina sa sarili kong iniisip. "Naku, Sofia... Kung anu-ano na tuloy ang pumapasok sa isip mo." Muli kong niyakap ang unan at mariing ipinikit ang aking mga mata. "Huwag mo nang isipin si Uncle," paulit-ulit kong paalala sa sarili. Ngunit taliwas sa gusto ko... Ang huling larawan na sumagi sa isip ko bago tuluyang dalawin ng antok ay ang seryoso at gwapong mukha ni Uncle At sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming taon... Nakakatulog akong may ngiti sa aking mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD