Chapter 4

1812 Words
Sofia's POV "Papa... huwag po. Maawa po kayo. Ayoko po roon..." Humahagulhol akong nagsusumamo habang mahigpit na nakakapit sa kanyang braso. Nanginginig ang buo kong katawan, ngunit ni isang patak ng awa ay hindi ko nakita sa kanyang mukha. Alam ko na ang mangyayari. Sa tuwing nauubusan si Papa ng pera para sa kanyang bisyo, ako ang nagiging kapalit. "Tumahimik ka, Sofia!" sigaw niya habang marahas akong hinihila. "Kapag hindi ka sumunod, kakaladkarin talaga kita papasok!" Napapapikit na lamang ako sa sakit nang halos matanggal ang aking braso sa higpit ng kanyang pagkakahawak. Ilang minuto pa ay huminto kami sa harap ng isang eksklusibong club. Kumukutitap ang mga ilaw sa labas nito, ngunit imbes na humanga ay lalo lamang akong kinilabutan. Parang impiyerno ang lugar. Pagpasok namin ay sinalubong kami ng malakas na musika, usok ng sigarilyo, at mga matang tila sinusuri ako mula ulo hanggang paa. "Ito na ba ang sinasabi mo, Gregory?" tanong ng isang lalaking may malaking tiyan at makapal na gintong kuwintas. "Aba... mukhang menor de edad pa 'yan. Baka makasuhan pa ako." Napayuko ako, pilit na tinatakpan ang sarili kong katawan habang nanginginig.Ngumisi si Papa. "Huwag kang mag-alala, Romeo. Sariwang-sariwa 'yan. Sigurado akong maraming magkakandarapa." Pakiramdam ko ay para akong isang bagay na ibinebenta sa palengke. Wala man lang siyang pag-aalinlangan. Sinipat ako ni Romeo mula ulo hanggang paa bago siya tumango. Maya-maya ay kumuha siya ng makapal na bungkos ng pera at iniabot iyon kay Papa. "Oh, heto. Sampung libo muna. Kapag may mayamang kukuha sa anak mo, dadagdagan ko pa." Nanlaki ang mga mata ko habang nakikita kong halos hindi mapawi ang ngiti ni Papa nang tanggapin niya ang pera.Para bang wala akong halaga kundi ang presyong hawak niya ngayon. "Salamat, Romeo," ani Papa habang mabilis na isinilid sa bulsa ang salapi.Pagkatapos ay tumalikod siya. Hindi man lang niya ako nilingon. "Dolfo!" sigaw ni Romeo. Isang malaking lalaki ang lumapit. "Ipasok mo na 'yan sa loob. Ihanda n'yo. Pasayawin n'yo mamaya." Bigla akong nagpumiglas. "Hindi! Papa! Maawa ka! Huwag mo akong iwan dito!" umiiyak kong sigaw habang pilit kong inaabot ang papalayong ama. Ngunit ni hindi siya huminto. Ni hindi man lang siya lumingon. "Papa! Ayoko rito! Papa... please!" Parang nabingi siya sa mga sigaw ko. Para lamang akong isang sako na walang habas na binuhat ni Dolfo. "Manahimik ka!" mariin niyang sabi. "Kapag hindi ka tumigil sa kakasigaw, malilintikan ka sa akin." "Huwag po... ayoko po rito! Huwagggg!" Umaalingawngaw ang sigaw ko sa buong silid. Kasabay noon ay tila nagdilim ang lahat. "Huwagggg!" Napabalikwas ako ng bangon habang habol-hininga. Pakiramdam ko'y may mabigat na kamay na nakadagan sa aking dibdib. Naliligo ako sa malamig na pawis "Sofia!" May dalawang kamay na marahang humawak sa aking mga balikat. "Sofia... what's wrong with you?" Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Malabo pa ang aking paningin dahil sa luha at takot. Nang luminaw iyon ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Uncle. Nakakunot ang kanyang noo habang marahan niya akong niyuyugyog upang tuluyan akong magising. Patuloy pa ring nanginginig ang buong katawan ko. "Uncle..." umiiyak kong bulong, halos hindi ko maitangis ang mga salitang gusto kong sabihin. "It's just a nightmare Look at me... you're here. You're safe." Ngunit kahit naririnig ko ang kanyang mahinahon at malambing na tinig, hindi pa rin mawala sa aking isipan ang bangungot na iyon. Pakiramdam ko'y naroon pa rin ako... Nakakulong sa madilim na club. habang ipinagbibili ako ng aking ama kapalit ng kanyang bisyo. Parang nararamdaman ko pa rin ang mga kamay na pilit humihila sa akin. Ang mga iyak kong walang nakarinig. Ang mga pagsusumamo kong walang sinumang tumugon. "No... please..." napailing ako habang mariing pinipikit ang aking mga mata. Agad akong napayakap kay Uncle na para bang siya lamang ang natitirang ligtas na lugar sa mundong ito. "Come over here." Hindi ko na inisip ang hiya o alinlangan. Lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Marahan niyang hinaplos ang aking likod habang hinahayaan akong umiyak sa kanyang dibdib. "Shh... it's okay. You're safe now." Napapikit ako habang pilit kinakalma ang sarili.Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nanatiling ganoon. Tanging ang mahinang paghikbi ko at ang marahan niyang paghagod sa aking likod ang maririnig sa katahimikan ng gabi. Unti-unti ring bumigat ang aking mga talukap hanggang sa muli akong nakatulog sa kanyang mga bisig, sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng kakaibang seguridad. Nang muli akong magising ay sinag na ng araw ang sumisilip mula sa bintana.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.May malamig na bimpo na nakapatong sa aking noo. Agad akong napakunot-noo. "Sino ang naglagay nito?" Inalis ko iyon at napansin kong maayos na nakatiklop ang kumot na nakabalot sa akin kagabi.Doon ko naalala ang lahat.Ang bangungot. Ang pagyakap ko kay Uncle. Ang walang tigil kong pag-iyak. Napabuntong-hininga ako. "hanggang ngayon hindi pa rin ako tinatantanan ng nakaraan." Napailing ako at mabilis na bumangon. Pagtingin ko sa orasan ay agad akong natigilan. "Oh no!" Halos mapatalon ako mula sa higaan. "Hala! Ipagluluto ko pa si Uncle!" Mabilis akong nagsuot ng tsinelas at akmang lalabas ng kwarto nang may mapansin akong maliit na mangkok na nakapatong sa bedside table. Mainit-init pa ang singaw ng sopas. Sa tabi nito ay may maliit na papel na maayos ang pagkakatiklop. Kinabahan kong binuksan iyon. Nakangiti akong napabasa sa sulat. "Eat that soup. It'll make you feel better." Walang pirma. Ngunit hindi ko na kailangang hulaan kung sino ang nag-iwan nito. Napangiti ako nang hindi ko namamalayan.Marahan kong hinawakan ang mangkok. Mainit pa.Ibig sabihin, kakaluto lamang iyon. Hindi ko mapigilang maalala ang pag-aalala sa mukha ni Uncle kagabi. Sa buong buhay ko...Ito yata ang unang pagkakataong may taong nag-alaga sa akin nang walang hinihinging kapalit. Unti-unting namuo ang luha sa aking mga mata.Mahigpit kong hinawakan ang maliit na note at idinikit iyon sa aking dibdib.Pakiramdam ko ay mayroon na akong tahanang maaari kong balikan. NAGLINIS ako ng buong maghapon. Halos wala na akong maramdaman sa pagod, ngunit mas mabigat pa rin ang dinadala ng aking dibdib kaysa sa anumang sakit ng aking mga maliliit na braso. Unti-unti akong napaupo sa gilid ng kama.Ngayong araw... Ika-labing anim kong kaarawan. Sixteen na ako.Isang mapait na ngiti ang namutawi sa aking mga labi bago tuluyang bumagsak ang mga luhang matagal ko nang pinipigilan. "Happy birthday, Sofia..." mahina kong bulong sa sarili. Walang handa.Walang kandila. Walang cake.At lalong walang taong yayakap sa akin at magsasabing mahal nila ako.Sa murang edad ko, pakiramdam ko ay napakarami ko nang pinagdaanan. Mula pa yata nang isilang ako ay wala na akong ibang nakitang mundo kundi ang tahanang puno ng sigawan, mura, at pananakit. Araw-araw ay nag-aaway sina Mama at Papa.Araw-araw ay may umiiyak. At kadalasan... ako iyon. Produkto ako ng isang pamilyang winasak ng karahasan. Halos buong katawan ko ay nasanay na sa hapdi ng sinturon, kahoy, at latigong hawak ni Papa. Ngunit mas gugustuhin ko nang ako ang masaktan kaysa si Mama. Sa tuwing itinataas ni Papa ang latigo, agad akong tumatakbo sa harapan ni Mama. Ako ang sumasalo sa bawat hampas. Ako ang tumatanggap ng bawat sugat.Kahit nanginginig ako sa takot, hindi ko siya iniiwan. Dahil si Mama lang ang mayroon ako. Ngunit sa lahat ng masasakit na alaala...May isang pangyayaring kailanman ay hindi ko kayang kalimutan.Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata. Parang bumalik na naman ang lahat. Ang madilim na kwartong iyon... Ang malamig na sahig... Ang nanginginig kong katawan...sumisigaw sa sobrang sakit.Mabilis kong ipinilig ang ulo ko. "Hindi..." mahina kong bulong habang pinupunasan ang mga luha. Ayoko nang balikan iyon.Sabi ni Mama, kalimutan ko na raw ang gabing iyon. "Bata ka pa, anak... mas mabuting ibaon na lang natin sa limot." Paano ko buburahin iyon kung parte na yun ng aking alaalang mahirap makalimutan.Napayakap ako sa sarili ko.Kasabay noon ay unti-unting sumagi sa isip ko ang mukha ni Mama. Si Mama... Tuwing sasapit ang kaarawan ko, kahit kapos kami sa pera, palagi niya akong ginagawan ng paraan. Minsan pandesal lang at isang maliit na kandila. Minsan naman ay mumurahing cupcake na binili niya nang palihim. Pero sa akin... Pakiramdam ko noon ay para na akong prinsesa. Tahimik kaming nagdiriwang habang tulog si Papa.Takot na takot kaming marinig niya. Kapag nalaman niyang bumili si Mama ng kahit maliit na cake para sa akin, siguradong bugbog na naman ang aabutin naming dalawa. Pero ginagawa pa rin iyon ni Mama. Dahil gusto niyang maramdaman kong espesyal ako kahit isang araw lang sa isang taon. Hindi ko napigilang mapahagulgol. "Wala ka na, Ma...Tingnan mo ako.Labing-anim na ako...Pero wala ka na para kantahan ako ng Happy Birthday." Mahigpit kong niyakap ang lumang damit ni Mama na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang itapon.Amoy na amoy ko pa rin ang pabango niyang ginagamit noon. At kasabay noon... Bumalik sa isip ko ang gabing nagpabago ng lahat. Ang gabing nalunod sa dugo ang buong bahay.Naroon si Papa. Lasing na lasing.Kasama niya ang isang lalaking hindi ko kilala. Narinig kong pinag-uusapan nila ang presyo. Akala ko noon ay nagbebenta lang sila ng kung ano. Hindi pala...Ako pala ang ibinebenta. Nang maunawaan iyon ni Mama, agad niya akong itinulak sa likuran niya. "Walang lalapit sa anak ko!" sigaw niya habang nanginginig. Ngunit lalo lamang nagalit si Papa. Sunod-sunod ang mura.Sunod-sunod ang sigaw.Hanggang sa... Isang malakas na putok ang umalingawngaw. Bumulagta si Mama. Unti-unti siyang naligo sa sarili niyang dugo. "Mamaaaaa!" Napaluhod ako habang gumagapang papunta sa kanya. Hindi ko makakalimutan ang huling tingin niya sa akin. Kahit hirap na siyang huminga... Ngumiti pa rin siya. "Sofia..." mahina niyang bulong. "Takbo...At tandaan mo.Humingi ka ng tulong..." Ipinilit niyang iabot sa akin ang maliit na papel "Kapag may nangyari sa akin...Puntahan mo ang address na 'yan" Mahigpit kong hinawakan ang papel habang umiiyak. Kasunod noon ay isa na namang putok ng baril.Nagkagulo ang buong bahay.Sa sobrang galit ng lalaking bibili sana sa akin dahil nauwi sa gulo ang usapan, binaril din nito si Papa. Sunod-sunod ang putok. Sunod-sunod ang sigawan. Tumakbo palabas ang mga tao. Naglabasan ang mga kapitbahay nagsisigawan. At ako... Nakatayo lamang sa gitna ng duguang sala habang yakap ang wala nang buhay na katawan ni Mama. Hanggang sa dumating ang mga pulis.At ilang oras pa ang lumipas... Dumating ang lalaking nasa address na itinago ni Mama. Si Uncle... Hindi ko pa noon alam na matindi pala ang galit ng pamilya ni Uncle sa angkan ni Papa,at bigla kong naalala bata pa ako noon ay pumunta kami sa isang magarang bahay,nagkagulo din noon,yun pala ay sila ang pamilya na may ari ng magarang mansion. May matagal na pala silang hidwaan. Ang akala ko ipagtabuyan din ako ni Uncle subalit tinanggap niya ako. Inuwi dito sa condo niya At sa unang pagkakataon sa buong buhay ko... Naramdaman kong may tao palang kahit malamig ang pakikitungo nya sa akin dahil sa anak ako ng kaaway ng angkan nila ay nangingibabaw pa rin ang awa niya sa akin. "Uncle salamat..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD