Chapter 3

1575 Words
"Señorito... uuwi po muna ako pansamantala sa amin. Nagkasakit po kasi ang aking panganay." Tahimik na inilapag ni Aling Saning ang maliit niyang bag sa gilid ng sala. Halatang nag-aalangan ito bago nagsalita, tila ba nahihiyang humingi ng pabor kahit matagal na siyang nagsisilbi sa akin. Bahagya akong tumango. Mahigit limang taon nang naninilbihan si Aling Saning sa akin mula ng magpasya akong kumuha ng suite pad para na rin sa aking privacy.Si Aling Saning ang isinama kong katulong sa mansion dahil na rin sa masipag itong magtrabaho.Hindi ito ang klase ng taong basta-basta humihingi ng pahinga. Sa katunayan, bihira lamang siyang umuwi sa kanilang probinsya, at kapag ginagawa niya iyon, alam kong may mabigat na dahilan. "You can take a vacation if you wish," kalmado kong tugon. Agad na namasa ang kanyang mga mata. "Maraming salamat po, Señorito." "Tatawagan ko na lang ang mansion. Magpapadala sila ng pansamantalang papalit sa'yo habang wala ka." Bago pa man muling makapagsalita si Aling Saning, isang mahina ngunit determinadong boses ang pumagitna sa aming usapan. "Uncle... huwag na po kayong mag-alala." Sabay kaming napalingon.Nakatayo si Sofia sa may pintuan, magkahawak ang dalawang kamay sa harapan ng kanyang katawan. Bagama't bakas ang hiya sa kanyang mukha, malinaw ang determinasyon sa kanyang mga mata. "Marami po akong alam na gawaing bahay. Ako na lang po ang gagawa ng lahat dito." Natahimik ako. Masyado pa siyang bata para akuin ang responsibilidad na iyon. "You're still a minor, Sofia," malamig kong paalala.Bahagya siyang ngumiti. "Okay lang po. Wala naman po akong ibang gagawin." Hindi ko siya agad sinagot.Hindi niya alam kung gaano kabigat ang mga salitang iyon. Hindi ko siya kinupkop para maging katulong kahit pa man anak ito ni Gregory ay hindi ko ugaling mang abuso lalo na at bata pa ito sa paningin ko.Ngunit bago pa ako makatanggi, nagsalita si Aling Saning. "Naku, Señorito... masipag po ang batang 'yan. Simula nang dumating siya rito, lagi niya akong tinutulungan kahit paulit-ulit kong pinipigilan." Nanatili akong walang emosyon. "Just don't overwork yourself." Bahagyang lumiwanag ang mukha ni Sofia. "Opo, Uncle." KINAGABIHAN ay tahimik kong binuksan ang pinto ng aking suite. Agad kong napansin ang kakaibang samyo ng bagong lutong pagkain na sumalubong sa akin.Napahinto ako. Sa gitna ng dining table ay maayos na nakahain ang hapunan. Mainit pa ang umuusok na sinigang na baboy, katabi ang isang malaking mangkok ng bihon. Maingat ding inayos ang mga plato, kubyertos, at baso na tila isang simpleng handaan. Kanina pa lamang ay umalis na si Aling Saning.Dahan-dahan kong inilibot ang aking paningin hanggang sa marinig ko ang mahinang lagaslas ng tubig mula sa kusina. Nandoon si Sofia.Nakaharap siya sa lababo, abala sa paghuhugas ng mga ginamit niyang kawali at kaserola. Tahimik ko lamang siyang pinagmasdan.Napakapayat niya. Halos isang linggo pa lamang mula nang kunin ko siya sa kanilang bahay at pansamantalang kupkupin sa ilalim ng aking bubong. Ngunit kahit kailan ay hindi ko siya narinig na nagreklamo.Sa halip... Palagi siyang naghahanap ng paraan upang maging kapaki-pakinabang. Bigla siyang napalingon. Nagtagpo ang aming mga mata. Bahagya siyang nagulat. "U-Uncle... kanina ka pa po ba dumating?" Hindi ako agad nakasagot.Sa halip ay napatingin ako sa mesa. "Ikaw ba ang nagluto ng lahat ng ito?" Agad siyang yumuko. "O-opo... Uncle." Nagkakabuhol ang kanyang mga daliri habang kinakabahan. "Pasensya na po... 'yan lang po ang nakayanan kong lutuin. Bihon at sinigang na baboy lang po. May nakita po kasi akong gulay at karne sa loob ng refrigerator... kaya po pinakialaman ko." Tahimik akong lumapit sa mesa.Humila ako ng upuan at naupo.Wala akong sinabi. Lalong kinabahan ang dalagita. Akala marahil niya ay nagalit ako dahil ginalaw niya ang mga pagkain sa kusina.Mahina niyang kinagat ang ibabang labi. "Kung... kung ayaw n'yo po... hindi na po mauulit."Hindi pa rin ako nagsalita.Kumuha ako ng kutsara, sumandok ng kaunting sabaw ng sinigang, at dahan-dahang tinikman iyon.Tahimik ang buong silid. Maging si Sofia ay tila halos hindi na humihinga habang hinihintay ang aking magiging reaksiyon. Ilang segundo ang lumipas. "Have you eaten?" Napakurap siya. "H-Ha?" "Have you eaten?" muli kong tanong, hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Ah... ano po..." Ibinaba niya ang tingin. "Mamaya na lang po... pagkatapos n'yo pong kumain."Bahagya kong inilapag ang kutsara. "Then take a seat."Napatitig siya sa akin. "a-ano po?" "Let's eat." Nanlaki ang kanyang mga mata. "A-Ako po?" "Is there anyone else here?" Hindi siya agad nakakilos. Tila hindi niya matanggap ang narinig.Sa buong buhay niya, marahil ay ngayon lamang siya inanyayahang maupo sa iisang mesa kasama ang taong kumupkop sa kanya. "D-Dito po... katabi n'yo?" "Do I have to repeat myself?" Mabilis siyang umiling. "H-Hindi po." Dahan-dahan siyang lumapit sa mesa na para bang natatakot na baka magbago ang isip ko anumang sandali. Maingat niyang hinila ang upuan sa tapat ko bago halos pabulong na nagsabi, "Salamat po... Uncle." Hindi ko siya sinagot.Nanatili akong tahimik habang inaayos ang kubyertos sa mesa. Umupo siya sa tapat ko na parang batang takot magkamali ng kilos. Ilang segundo ring katahimikan ang namayani sa pagitan namin, tanging ang mahinang pagtunog ng kutsara at tinidor sa plato ang maririnig sa loob ng malawak na dining room. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko ang palihim niyang pagsulyap sa akin. Kapag nagtatama ang aming mga mata, agad siyang napapayuko at kunwaring abala sa pagkain. Bahagya ring nanginginig ang kamay niyang may hawak ng kutsara, dahilan upang halos mahulog ang isang piraso ng kanin sa mesa. Halatang-halata ang kanyang pagkailang. Tahimik kong inilapag ang baso bago ko siya muling tiningnan. "What grade are you?" Napapitlag siya na tila hindi inaasahang kakausapin ko siya. "P-po?" Malamig kong itinaas ang tingin. "Do I have to repeat myself again?" Mabilis siyang umiling. "N-no po... Grade 10 po." Tumango lamang ako.Sinukat ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Napakapayat,maliit ang pangangatawan. Kung hindi ko alam ang edad niya ay mapagkakamalan ko pa siyang nasa junior high pa lamang. "How old are you again?" Napalunok siya. "S-sixteen po..." Bahagya akong napakunot-noo. "Sa pagkakaalala ko," malamig kong putol,. "sinabi mong fifteen ka." Lalo siyang namula. Napakagat siya sa ibabang labi habang kinakabahan na pinagdidikit ang mga daliri. "K-kasi po..." Hindi siya agad nakapagsalita. Tila ba naghahanap muna siya ng tamang salita. Maya-maya ay marahan niyang iniangat ang mukha at pilit na ngumiti. "...sixteen na po ako bukas." Muling bumalot ang katahimikan. Napatigil ako sa pag-inom ng tubig. Tomorrow. Ibig sabihin, kinabukasan pa lamang ang ika-labing anim niyang kaarawan. Sandali ko siyang tinitigan. Siya naman ay halatang lalong kinabahan sa haba ng aking pananahimik. Hindi niya malaman kung may mali ba siyang nasabi. "S-sorry po..." halos pabulong niyang sabi. "Hindi ko po sinasadyang malito kayo." Hindi ako sumagot. Ibinalik ko lamang ang tingin sa aking plato. "So you're still fifteen." Mahina siyang tumango. "O-opo." "And tomorrow you'll turn sixteen." "Opo..." Hindi na ako nagsalita pa. Tahimik kong ipinagpatuloy ang pagkain.Hindi ko na muling nilingon si Sofia, ngunit sa gilid ng aking paningin ay napansin kong unti-unti nang nawala ang kaba sa kanyang mukha. Mas maayos na ang kanyang paghawak sa kutsara at hindi na rin siya nanginginig tulad kanina. Habang tahimik ang buong dining room, biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa mesa. Agad kong sinulyapan ang screen. Ingrid....My longtime girlfriend. Walang pagbabago ang ekspresyon ko nang sagutin ko ang tawag. "Hello." Hindi pa man ako nakakapagsalita muli ay agad kong narinig ang pamilyar niyang boses sa kabilang linya. "Babe? Papunta ako diyan sa pad mo." Bahagya akong natigilan. Dahan-dahan kong iniangat ang aking tingin at awtomatikong napunta iyon kay Sofia na tahimik na kumakain sa kabilang dulo ng mesa. Wala siyang kamalay-malay sa pag-uusap namin. Ngunit sapat na ang simpleng presensya niya upang maging dahilan ng aking pag-aalala. Hindi maaaring makita siya rito. Ayokong malaman ng kahit sino maliban kay Aling Saning na nasa pangangalaga ko ang anak ni Gregory. Hindi pa ito ang tamang panahon. At lalong hindi maaaring may ibang taong makakita sa kanya sa loob ng bahay ko.Kahit si Ingrid. Wala siyang alam tungkol kay Sofia, ngunit ayoko pa ring magkaroon siya ng pagkakataong mag-isip ng kung anu-ano. Hindi ko ugali ang magpaliwanag. At lalong ayokong sumagot sa mga tanong na maaari niyang ibato sa akin. Everybody knows I'm a meticulous and intensely private person. Ayokong may nakikialam sa personal kong buhay.Ayokong may pumapasok sa bahay ko nang walang paalam. Maliban kay Aling Saning na matagal nang nagtatrabaho sa akin, wala na akong ibang taong pinapayagang manatili rito. Kahit ang sarili kong mga kapatid ay bihirang makapasok sa aking suite. Hindi dahil wala akong tiwala sa kanila.Kundi dahil masyado silang magulo.Lalo na ang triplets. Ilang beses pa lamang silang papasok ay para nang dinaanan ng bagyo ang buong pad. Hindi ko kailangan ng ganoong kaguluhan. Kaya sanay silang tumawag muna bago magpakita. Humugot ako ng mababaw na hininga bago muling nagsalita. "Not today." "Huh? Bakit?" pagtatakang tanong ni Ingrid. "I'm busy." "Five minutes lang naman. May surprise ako sa'yo." "Cancel it." Natahimik siya sa kabilang linya. "You're acting weird, Brix." "I'm not." "May kasama ka ba?" Mabilis kong ibinalik ang tingin kay Sofia.Tahimik lamang itong kumakain, walang kamalay-malay na siya ang dahilan kung bakit ayokong may pumunta dito pansamantala hangga’t nasa poder ko pa siya. "I said... don't come." Hindi ko na hinintay ang isasagot niya.Pinatay ko agad ang tawag. Mabigat kong ibinaba ang cellphone sa mesa. Muli kong naramdaman ang titig ni Sofia.Marahil ay nagtataka siya kung bakit bigla akong naging malamig habang may kausap sa telepono. Ngunit tulad ng dati...ng ugali meron ako.Wala akong balak magpaliwanag....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD